🔰 Mint Academy 4 - Chapter 37 🔰

4.2K 199 13
                                    


ENJOY READING MINTERS!

✒✒✒✒✒🖋🖋🖋✒✒✒✒✒

🔰CHAPTER THIRTY-SEVEN - THE MIST🔰

Naglalakad kami ngayon papunta sa head quarter ng Green Organization. Kailangan namin maglakad lang dahil walang madadaanan ang kotse sa lugar na ito masyadong makitid ang daanan parang utak ng mga taga organization. Naglakad lang din kami para hindi din kami kaagad mahalata at nakikisalamuha lang din kami sa mga empleyado na papunta sa organisasyon.

Nang malapit na kami sa gate ay isa isa naman kaming pumunta sa gubat sa gilid ng daanan at kanya kanyang kaming nagsiakyatan ng puno para hindi kami makita kaagad. Mahirap na kapag nabulilyaso ang plano namin.

Lumabas ang hologram sa harapan ko at nakita ko ang coversation ng mga kaibigan ko. Hindi kasi kami magkakasama sa iisang puno para kapag may nahuli mang isa madali kaming makakasaklolo dahil walang nakakaalam kung ilan kami.
Kassey: Ano na ang balak? Jullia: Leader, ready na ba ang lahat?Henry: Yes, si Akesia na lang ang hinihintay.

Napangiti naman ako at umiling. Pumikit na lang ako at nagready sa gagawin ko. Unti unti akong gumawa ng mist mula sa pinaka ng puno na kinauupuan ko hanggang sa gumapang ang mist at sakupin ang buong kagubatan. Kasabay nito ang pagpasok na rin ng mist sa loob ng head quarter ng Green Organization. Hindi naman nila malalaman kung kakaiba ang mist na ito dahil para lang itong isang hamog at kung tutuusin hindi lang ang head quarters nila ang balak kong sakupin ng hamog pati na rin ang buong bayan kasama na ang academy.

Wala na akong makita pati ang hologram na nasa harapan ko hindi ko na rin kita kaya naman kinuha ko sa bracelet ang anti-fog na gawa ng section E para sa misyon naming ito. Hiningian ko kasi sila ng pabor at um-oo naman sila agad agad at buong magdamag nila itong ginawa. Nagmaterialize sa harap ko ang anti-fog eye glass at doon ko naman nakita ang hologram ni Kass na hindi nawala sa harapan ko.


Jasmin: Oh my gosh! I love this fog, Akesia!Alyana: Heck, Min, nasa misyon tayo wag kang excited. Jasmin: Sorry naman. First time ko makakita ng fog eh! Bakit ba?

Napailing na lang ako at huminga ng malalim. Hindi namin kasama ngayon si Marvin dahil sa sya ang in-assign ni kuya Jared para ma-check ang mga virus free na bansa. Hindi ko alam kung saan saang bansa sya pupunta pero siyam na bansa ang kailangan nyang puntahan sa isang buwan kaya feeling ko hindi ko sya makikita ng isang taon.

Ah. Mamimiss ko sya.
Jullia: Aira, ano na ang balita dyan?Aira: Heck, kagagawan nyo ba itong hamog?Ruzzel: Nagpapanic ang mga tao dahil sa hamog na ito.Jullian: Papakalmahin na muna namin sila.

Binalot naman ako ng guilt dahil sa mas mahihirapan pa sila dahil sa ginawa kong ito pero wala naman akong magagawa kailangan eh.

Akesia: Sorry Aira, Jullia and Ruzzel. Magkakaroon pa tuloy kayo ng extra na trabaho. Aira: No, it's okay. Really, you don't have to worry about this. Hindi naman hamak na mas safe ito kesa sa gagawin nyo. Jullian: Tama si Aira. Hindi naman din ito magiging abala sa amin. Ruzzel: Just finish the mission as soon as possible dahil gusto ko na matulog.Jasmin: Masyado ka kasing paranoid, Kesia. Anyway, si Eli at En nasaan na ba sila? Mahina naman akong natawa sa sinabi nila at sinagot ang tanong ni Jasmin.Akesia: Sa ngayon nasa tabi tabi lang sila. May nirentahan silang hotel malapit dito at kapag tinawagan ko na sila anytime soon nasa harapan na natin sila. Henry: Make them ready anytime. Kahit na madaling araw o kalagitnaan ng gabi. Akesia: Affirmative!

Mint Academy 4: Green EpidemicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon