🔰 Mint Academy 4 - Chapter 40 🔰

3.3K 182 34
                                    


✒✒✒✒✒🖋🖋🖋✒✒✒✒✒

🔰CHAPTER FORTY - THE HECK🔰


Halos bumagsak ang tuhod ko sa nakita ko. There's someone in front of my group, Henry's group. Nasa pinaka bungad kami ng hall and we're adjacent between the two group. Henry's group looks so flustered, mad and worried. 

Napatakip naman ako ng bibig ng makita ko at gaya ng emosyon ng mga kaibigan ko ganoon din ang naramdaman ko. May dalawang lalaki sa harapan namin at hawak hawak nila sila Ruzzel, Jullian at Aira. 

The three of them are full of bruise and scars. 

Parang piniga ang puso ko sa nakita ko but I have to make myself strong. Hindi ako pwede magpakita ngkahinaan sa kaaway nami. 

"Ow, looks like the group is complete." The girl said with a sinister smile on her face, "With two added-" mas lalo pang naging matalim ang tingin ng babae, "A traitor of an organization. Great, there's someone who had guts to disobey the organization." 

Naramdaman ko naman ang takot nila Seventy six at Thirty nine dahil sinabi ng babae at kahit naman ako naramdaman ko rin naman. Ako ang may responsibilidad sa dalawa kaya dapat lang na hindi ako magpatinag. 

"So the other two powerful dogs are here." I sarcastically said. 

Ramdam na ramdam ko na iba sila sa mga normal na tao. In short, kagaya namin sila. They also had this peculiar ability it's just that we don't know it yet. 

"You had a sharp tongue ha, I like you." A guy said. 

I smirk, "Sorry but I don't like someone like you. Besides, my boyfriend is far way much better than you." I said trying to provoke them to show the ability they have.

Alam ko rin na kaya hindi pa nag make move sila Henry ay dahil alam nila at ramdam din nila na may abilidad ang mga kalaban namin. Hindi ko lang alam kung nararamdaman din ba nila ang nararamdaman namin sa kanila o hindi but I hope not. Dahil kung malaman nila na may kakaibang abilidad din kami baka magkaroon sila ng idea na kunin kami at gamitin sa mga sinister nilang plano. 

"Because they're sick with the rules of your organization." Sabi ko at naglakad papunta kila Henry, "So, what's the matter? Bakit hawak nyo ang mga kaibigan ko?" 

"Oh these bunch of idiots? Feeling kasi nila mga heroes sila eh." Sambit ng babae at sinampal si Aira. 

Gusto ko na sanang sumabog sa inis pero hindi ako dapat magpadalos dalos. Hindi maganda ang sitwasyon ng tatlo kong kaibigan. 

"Get your hands off to my friends." Nanggagalaiting sambit ni Yana. 

Nakita ko namang tinapik ni Henry ang balikat ni Yana at may binulong para kumalma. Hindi ko alam iyon pero I'm sure na para kila Aira iyon. Of course, para kanino pa ba kung hindi? Kung hindi lang nila hawak sila Aira ay kayang kaya ko na silang patayin. 

Although limited na ang paggamit ko ng blood control ay kayang kaya pa rin naman iyon patayin ang dalawang ito kaso ang problema may nararamdaman din akong abilidad sa dalawang ito. Such a pain in ass.

"Heh, mortal people really do loved to play hero aren't they?" Nakangising sabi ng babae. "By the way, my name is Eliza. Please do remember my name." 

"At bakit naman namin tatandaan ang pangalan mo?" Sa tono pa lang ng boses ni Min alam ko na nakataas na ang kilay ng babaeng ito. 

"Baka dahil sa isa sya sa papabagsakin natin?" Inosente naman na sabi ni Kass na halatang iniinis ang babae. 

Mint Academy 4: Green EpidemicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon