🔰 Mint Academy 4 - Chapter 33 🔰

5K 255 90
                                    

Since na reached nyo ang second challenged ko heto na ang pangalawang update! Stay safe everyone!

QUESTION : ILANG TAON NA KAYO? PLEASE ANSWER ME! I NEED IT FOR THE NEXT CHAPTER HAHAHAHAHAHA

Enjoy reading Minters! 

✒✒✒✒✒🖋🖋🖋✒✒✒✒✒

🔰CHAPTER THIRTY-THREE - I CAME BACK FOR YOU🔰

Nang makarating ako sa harapan ng main building ay agad naman ako napangiti. Wala pa ring pinagbago.

"Ang laki pala nitong school nyo, Akesia." sambit ni Eli.

"Wait until makapasok tayo. Mas mamamangha kayo lalo." sambit ko naman.

"Hindi na kami magtataka kung mamamangha nga kami. Dito pa nga lang sa labas namangha na kami sa loob pa kaya?" sabi naman ni En.

Hindi na ako nagsalita at naglakad na lang ako papasok kaya naman sumunod na din sila Eli at En. Nang makapasok kami may iilang estudyante na nasa hallway at lahat ng nakakakita sa akin ay napapa-gasp at hindi makapaniwala.

May iilan naman na napatakip ng bibig dahil sa gulat nang makita ako. Yung isa pa nga ay tumakbo kaagad na parang may nakitang multo.

"Are you Akesia? Ikaw ba yung Akesia namin?" naiiyak na sambit ng isang babae. Base sa badge nya she's sophomore class D.

Tumango naman ako, "The one and only. I know I owe you all an explination but this isn't the right time for that so after this Pandemic I will tell you what happened to me." sagot ko sa babae.

Tumango naman ito and she said, "Glad you're back. One of our best researcher is back. Thank you for coming back." umiiyak nya pang sabi.

I hug her and pat her head saka ako nagpaalam sa kanya. Sumunod naman sa akin si Eli at En.

"Wow. Akala ko talaga nagbibiro ka lang na famous ka sa school nyo but now? I think kailangan ko nang maniwala." En stated and she sigh.

Napahagikhik naman si Eli, "Halata naman eh. Makita lang sya para nang nakakita ng multo ang mga estudyante dito sa gulat. Yung isa pa nga napatakbo eh feeling ko hindi makapaniwala." 

She paused, "Pero sure ka ba na okay lang talaga sa kanila itong nangyayari sa school?"

"Kung ang ibig mong sabihin ay tungkol sa pagbabalik ko, yes. Pero kung tungkol dito sa pandemic na ito then, no."

Tumango naman ang dalawa at hindi na lang nagsalita pa. Naglakad na lang kami ng naglakad papunta sa office ni kuya Jared.

Nang nasa harapan na kami ay agad naman akong kumatok. Narinig ko rin ang pagsabi ng, 

"Come in." kaya pinihit ko ang door knob.

Nang makapasok ako sa loob ng office ay napangiwi naman ako sa sobrnag kalat. Hindi din ako agad napansin ni kuya Jared dahil sa tutok na tutok sya sa binabasa nya tapos pipirmahan nya. Gabundok ang nasa lamesa nya.

Tumikhim ako at nagsalita, "Wala bang welcome back dyan, kuya Jared?"

Sandali syang napatigil sa boses na narinig nya at unti unting umangat ang ulo nya. Nakita ko kung paano namuo ang mga luha nya nang makita ako kaya naman nginitian ko sya.

"Hi." I said.

Agad agad syang napatayo sa kinauupuan nyang swivel chair at tumakbo papunta sa akin saka ako hinawakan sa balikat at sinabing, "Ikaw ba talaga iyan, Akesia?"

Mint Academy 4: Green EpidemicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon