🔰 Mint Academy 4 - Chapter 39 🔰

3.3K 169 12
                                    


✒✒✒✒✒🖋🖋🖋✒✒✒✒✒

🔰CHAPTER THIRTY-NINE - NEGOTIATE🔰

After planning for almost an hour I started to move. Well, we started to moved. Mas pinakapal ko pa ang hamog na nasa paligid at dahil doon mas nakatanggap pa ako ng panic alert kila Aira. Sila kasi ang nagpapakalma sa mga tao ngayon dahil sa nangyayari and since the Twelve Academy is not here anymore- I mean, nasa ibang mundo na sila hindi nila kami matutulungan dito. 

"Eli, En and Kesia. After nyong makuha sila lola Paz ay pumunta kaagad kayo sa lugar na ito. Maliwanag ba?" 

Tumango naman kami kay Henry at saka ko sinabing, "Don't worry wala akong balak mamatay or magpaiwan sa lugar na ito. Mas lalong wala kong balak na may mamatay na isa sa atin." Disididong sabi ko. 

Tumango naman sya at satisfied sa sagot ko saka kami pumasok ng tuluyan ng building. Kaagad din naman kami humiwalay nila Eli at En dahil iba ang pupuntahan nila. Sila ang sisira sa laboratory and we hope na sana matapos nila ang misyon nila ng mas maayos. Sana din ay hindi malaman ng mga taga organization ang tungkol dito sa ginagawa namin.

Quota'ng quota na kami sa kanila kaya alam ko na mainit na talaga ang dugo nila sa grupo namin. Siguro kung nararamdaman ko ang nararamdaman ng mga leaders nila ngayon sa organization eh baka ipapatay na nila kami kesa sa dati na gusto nila na mahawakan kami sa leeg. 

As if naman na magpapahawak kami sa leeg. 

Never!

Hinaranangan ko si Eli at En saka ako pumikit at mas lalong pinalala pa ang hamog na nasa hallway. In this way mas magiging safe sa amin ang paglalakad. May naramdaman akong paparating kaya naman tumigil ako saglit at nakinig sa usapan nila. 

"Heck, Thirty nine hindi ba talaga tayo lalabas sa lugar na ito?" 

"Seventy six, alam mo naman na hindi tayo normal na empleyado di ba? Hindi tayo pwede basta bastang lumabas. They will kill us if we disobey."

"Tsk, kainis naman. Kinakabahan na kasi talaga ako sa nangyayari ngayon eh. Feeling ko anytime soon mamatay na tayo." 

"Wag ka-" Napatigil sila sa pag uusap dahil sa nalagalag ni Eli ang kanyang hawak hawak na weapon. "Sinong nandyan?!" 

Hindi ko alam kung dapat bang mamangha ako sa kanya dahil sa tapang nya at talagang poprotektahan nya ang kasintahan nya o maawa dahil sa handa syang mamatay para sa kasintahan nya. Well, hindi ko naman sya masisisi dahil kahit naman ako handa din naman ako mamatay para kay Marvin kahit na ayoko pa mamatay. 

Lumapit ako at agad din naman nila ako naaninag. Syempre binawasan ko ng kaunti ang fog sa pagitan namin para makita nila kami ng maayos. 

"Verdant!" Gulat na sabi ni Seventy six at tinutukan naman ako ng baril ni Thirty nine. 

Itinaas ko ang kamay ko, "Kilala ko kayong dalawa so no need to be this formal." Nakangiti kong sabi.

"Nababaliw ka na ba, Akesia? Alin ang formal sa lagay na iyan? Tinutukan ka ng baril!" Kaagad na sabi ni Eli. 

"Oo, tinutukan sya ng baril dahil sa ka-clumsyhan mo." Agad naman na rebut ni En kay Eli. 

Kaagad na itinikom ni Eli ang kanyang bibig dahil alam nyang tama si En at kasalanan nya kung bakit kami nasa ganitong sitwasyon ngayon. Hindi ko naman sya sinisisi dahil may balak naman talaga ako na makipag usap sa dalawang ito. 

Isa pa di ba formal greeting ng mga kaaway ang pagtutok ng baril o kahit na anong weapon sa kalaban? Kaya naman hindi na ako nagtataka na ganito ang ginawa ni Thirty nine. I admire him for his bravery though kahit na ramdam na ramdam ko na wala syang balak na barilin ako. 

Mint Academy 4: Green EpidemicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon