Hi to @WindieAgpalasin my supporter since book 1 thank you so much for your support. This chapter is dedicated to you. :*
ENJOY READING MINTERS!!!!
✒✒✒✒✒🖋🖋🖋✒✒✒✒✒
🔰CHAPTER SEVENTEEN - UNTOLD🔰
Napabalikwas naman ako nang magising ako at napagtanto ko ang mga nangyari. Kaagad naman akong kinabahan sa naalala ko.
Si lola...
Kaagad akong tumayo at nagmadaling lumabas ng kwarto. "La?" tawag ko ngunit walang sumagot. Mas lalo pa bumundol ang kaba na nararamdaman ko. "Lola?"
Hindi ko na napigilan pa ang luha ko na umagos nang malibot ko ang buong bahay at tinatawag sya pero hindi man lang ako nakatanggap ng kahit na isang sagot. Kinakabahan akong humarap sa dako kung nasaan ang forbidden area ni lola para sa akin at hindi ko alam kung dapat baa ko na pumunta doon o hindi. Ano ba ang dapat kong gawin?
Napa-upo naman ako habang nakasabunot ako sa buhok ko at patuloy na tumutulo ang luha ko. "Lola naman ang hirap naman ng pinapagawa mo sakin. Nasan ka na ba?"
Matagal bago ako kumalma at ng maramdaman kong kaya ko na pumunta sa lugar na sinasabi ni lola sa akin bago ako makatulog. Nasa harapan na ako ng bodega pero wala pa rin akong balak pumasok. Hindi ako papasok ng mag isa lang.
Kinuha ko ang phone ko pero nakita kong walang signal kaya naman napakunot ang noo ko. Bakit wala? Bakit ngayon pa?!
I need to go to, En. Sabi ni lola kailangan namin parehas makaligtas.
Tumakbo ako papunta sa bahay nila lolo Mar. Napatigil naman ako sa nakita ko. Sa labas pa lang kitang kita na sobrang gulo at parang dinaanan ng riot ang buong paligid. Kinabahan din ako ng makita ko na may mga bakas ng dugo.
Wait...
This blood drop kung titingnan it's been four days. Bakit four days ang tinagal nito? Hindi kaya may nangyari nang masama kay En?
Tiningnan ko ulit ang phone ko para tingin kung may signal na. Mahirap na baka wala sa loob si En at nandyan pa ang masamang loob na nag mamay-ari sa tuyong dugo na ito.
Wednesday... Eleven fifty in the morning.
Wednesday?!
Sa pagkakatanda ko nakalabas kami nila En sa west forest nung Saturday? Is this kind of joke? Wait... the date.
Don't tell me...
Umiling naman ako. Imposible! Baka naman nagkaroon lang ng error ang cellphone ko dahil na din sa signal. Huminga naman ako ng malalim. Yeah, baka nga ganun nga.
Wala naman akong alam sa cellphone kaya mas madali kong nakumbinsi ang sarili ko na may kinalaman sa signal ang date ng phone ko.
Dahan dahan akong pumasok sa bahay nila En at nakita ko rin ang magulong sala. Kakaibang kaba ang nasa dibdib ko ngayon na para bang konting ingay lang ay aatakihin na ako sa puso. Hindi na ako nagsalita pa at kaagad na akong pumunta sa kwarto ni En.
Halos makahinga naman ako ng maluwag nang makita ko si En na akala mo si sleeping beauty dahil sa sarap ng tulog. I look around and see nothing. Wala din akong nararamdaman na may nag mamanman kaya naman lumapit ako kay En.
"En? Hoy! En! Gising!"
Kaagad namang napabalikwas si En, "Lolo?! Lo!?" sambit agad nya at palinga linga.
BINABASA MO ANG
Mint Academy 4: Green Epidemic
FantasyTHANK YOU @thehappybutsad FOR THE BOOK COVER SET <3 LOVE IT SO MUCH! <3 MINT ACADEMY SERIES #4 You lost you friends, family and love ones what will you do?