Prologue

1.2K 13 1
                                    

"Lulu! Tigilan mo nga yang camera d'yan at samahan mo si Sensen sa labas!"

Nakakainis naman si Mama, summer na summer pag aalagain ako ng kapatid! Paano ako makakapag enjoy?

"Mama naman ehhhh, hayaan mo si Sensen sa pool, malaki na yun eh. Kaya na nya sarili nya" si Mama kasi gusto nya atang samahan ko pa si Sensen. Di ko nga kasundo yun kapatid ko'ng yun eh.

*batok.

"Tigilan mo ko Lulu, puro ka picture. Hala, sigi! Dun na samahan mo na yun. Kayo na nga lang ang mag kapatid nag aaway pa kayo." sabay tulak pa sakin palabas ng rest house. Ansakit talaga mang batok ni mama. It hurts you know?

Pupuntahan ko na nga yung kutong lupa kong kapatid, baka malunod yun.

Pero bago ang lahat, Ako pala muna si Gerilou Daza aka Lulu, 16 years old at nag babakasyon ngayon kasi nga summer pero wala atang balak ang Mama ko na pag bakasyunin ang maganda nyang anak. Kasi gagawin nanaman akong babysitter ng kapatid ko.

"Hoy! Wag kang pupunta sa malalim ha! Kukutusan kita!" sigaw ko ng makita ko ang kapatid ko na mukhang tanga'ng nakikipag habulan sa kalaro nya sa pool side.

"Bakit ka nandito Lulu?!" sigaw nya ng pabalang, Walang hiya talaga yang batang yan, hindi ko ata kapatid yan e.

"Wala ka talagang modo, Ampon! Blehh" sutil. One word to describe my brother.

"Pam-pam ka talaga! Blehhh!" at doon na sya nakipag laro.

Tutal wala naman akong gagawin dito kung hindi bantayan si Sensen sutil,uupo nalang ako sa pool side. Ayokong mag swimming, hindi ako marunong. Kaya ewan ko ba kay Mama kung bakit sakin pinabantayan itong kapatid ko na nagtatampisaw sa 4 ft. Opo, ang kapatid ko ay 10 years old na. Matanda na yan kaya,kaya na nya ang 4 ft.

Wala akong ibang ginawa mag picture ng mag picture. Ipo-post ko sa fb hehehe. Minsan lang to e. Nang yaya yain ko sana si Sensen na mag pa picture para makita naman ni Papa sa fb na close na kami ng kapatid ko. Hinagilap ko si Sensen sa paligid, wala! Aba! Lagot ako kay Mama.

Tatayo na sana ako ng biglang may tumulak sa akin, na out of balance ako bigla at dahil doon ay diretso ako sa pool! Pero.... 6ft.yun! Mamatay na ata ako! Bago ako pumikit naramdaman ko yung impact ng tubig sa likod ko. Masakit? Oo , shutang *na! Mapapamura ka! Kasi wala na din akong hangin.

Sabi ng sutil yang kapatid ko e!!.

At sa lahat ng ayaw ko e'yung mawalan ng malay sa ganitong sitwasyon.

.

.

.

.

.
"1.2.3 pump."
"tss. Miss gumising ka! "
"Hinga! 1.2.3 pump! "
"Mouth to mouth, inhale and exhale! "

"Uhmmmm! " walang hiya! Bakit may humahalik sa akin? Tanga! Mouth to mouth ang tawag dun.

Kahit na nag dikit pa rin ang lips namin!

Ang pogi!.

Kaso pag upo ko,tumayo na sya at umalis. Ang sexy ng likod.

"Anak? Okay ka na?! " tanong naman ni mama na humarang pa sa view ko kay Forever!. Oo na, nalove at first sight ata ako kay Forever ! At Oo ulit, kasi feeling ko sya na ang forever ko!.

"Hala? Asan na sya? Mama! Nakuha mo ba pangalan nun? " tanong ko kay mama, Napansin kong nalito pa ata sya.

"ahhh, yung pogi? Anak ni Mr.Co iyon, Pogi ano? " sabi ni Mama na tumataas baba pa ang kilay. Anak ni Mr. Co! Mwehehe business partner namin yun sa G&D records e. Kung sinu swerte ka nga naman.

First KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon