Chapter 3

91 15 1
                                    

Narinig ko ang alarm clock ko kaya't agad akong bumangon mula sa malambot kong higaan.

May pasok na naman... Kailan ba kasi matatapos 'to? Tapos na sana ko ng pag-aaral kung wala lang Senior Highschool. 

Dalawang taon lang ang kinuha kong kurso ngayong kolehiyo dahil ayokong madagdagan pa ang paghihirap ko.

The course I took was also the reason why I moved and was forced to live alone, away from my family.

Ang gusto ni mommy at daddy ay ang kursong Medisina dahil maaari raw magtayo si kuya ng Hospital dahil engineer siya at gusto nilang ako ang magmanage ng magiging Hospital pero ayoko.

Kung ayaw ko raw ng kursong gusto nila para sa akin ay umalis na raw ako sa bahay at manirahan mag-isa na s'yang ginawa ko naman.

Hindi ako yung tipo ng tao na kapag ayaw mo sa gusto ko ay babaguhin ko iyon at mag-aadjust ako para sayo. 

Persistent kaya ako 'di ako naglalakad na SIRI para maging sunod-sunuran sa kanila. Depende na lang kung alam kong makabubuti sa akin ang hinihingi nila.

Mabilis akong nag-ayos ng sarili at kinuha ang susi ng sasakyan at saka umalis papunta sa school.

Magdadalawang araw na ang text ko kay Cayleb pero hanggang ngayon ay wala pa rin s'yang reply! Nakakainis!

Ayoko ng naghihintay pero para kay Cayleb parati ko iyong nagagawa.

Pumunta muna ako sa Starbucks at bumili ng coffee at bread para sa breakfast ko.

Mabilis kong narating ang eskwelahang pinapasukan ko kaya agad akong bumaba ng sasakyan at pumasok sa loob.

Mabilis kong nakuha ang order ko... Papaalis na sana ako nang bigla kong naalala ang lalaking nagsalita sa likod ko kagabi.

Sino kaya 'yun? Napaka misteryoso naman n'ya... Para s'yang kabute bigla-biglang susulpot at 'pag naman nilingon mo ay parang bula bigla-biglang na lang mawawala.

"Oh my god! Hey go back to your senses!... Look!" sigaw ng babae at nang tignan ko iyon ay bumungad sa akin ang bag n'ya na may konting tapon ng kape ko.

Aish shoot Elle bakit ba wala ka sa wisyo? Nakakainis at nakakahiya!

"Oh sorry, sorry." Akmang pupunasan ko ang bag n'ya nang bigla n'yang tinapik ang kamay ko na s'yang ikinabigla ko.

May pagkamaldita ka ah? Hintayin mo 'ko.

"Don't touch my bag stupid," aniya saka inilayo ang bag niya sa akin na para bang isa akong snatcher sa kanto.

"Did you just called me stupid?" Itinagilid ko ang ulo saka siya tinaasan ng kilay at mabagal na lumapit sa kaniya.

I don't tolerate this kind of attitude... Masyadong basura, hindi inilulugar.

I know it's my fault dahil natapunan ko siya but isn't sorry enough?

"Oh sorry... Hindi ko kasi alam na mahal na mahal mo pala 'yang bag mo." Naglong face pa ako sa kaniya pero agad iyong pinalitan ng nakakaasar na ngisi. "Nagsorry na ako Miss, and it's up to you kung tatanggapin mo."

Hindi ako bitchesa o maldita pero 'pag kinanti o sinubukan mo 'ko. Magtataas ang radar ng pagkamaldita ko.

Hindi lang naman sarili ko ang pinoprotektahan ko... Pati na rin ang mga taong mahalaga sa'kin.

The Game [Milestonian Series 1] (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon