Chapter 47

35 7 0
                                    

Kinuha ko na ang maleta ko sa kwarto at ibinababa iyon sa salas. Nagtungo na ako sa kusina para uminom ng kape. Alas singko palang ng umaga pero nag mamadali na ako dahil alas sais ang alis namin.

Mahaba haba ang lalakbayin namin bago makarating sa Miracle High. Nasa Batangas iyon kaya malayo layo rin at matagal rin kaming babyahe.

From: Xavier

Nasa tapat na ako ng bahay mo.

Gaya ng napag usapan si Xavier nga ang sumundo sa akin. Pumasok siya sa loob ng bahay ko para tulungan ako sa pag bubuhat ng mga gamit ko

"Mabigat ba? Kaya ko naman eh" Nginisian niya lang ako saka patuloy na binitbit ang maleta ko papunta sa sasakyan niya. "Alam mo baka hindi ko na magamit pa yung sasakyan ko"

"Bakit may sira ba?" anito habang seryosong nag mamaneho.

"Wala naman." tinignan niya ako na para bang nag hihintay ng kasunod. "Kasi palagi mo akong sinusundo at hinatid."

"Gusto ko kasi na safe ka" eto nanaman ang mga pampakilig niya. Tumingin na lang ako sa bintana at iniharang ang buhok ko sa mukha ko para hindi niya makita ang pag ngiti ko. Ayoko naman kasing isipin niya na kilig na kilig ako sa kaniya. "Kita kita sa side mirror" anito habang nakangisi. Nasapo ko naman ang noo ko dahil sa hiya. Nako ka pahamak kang salamin ka.

Agad naman kaming nakarating sa Milestone. Nag mukha ng Bus Station ang Parking lot dahil sa dami ng Bus na naririto.

Nakita ko naman agad si Tj at ang iba pang myembro ng Fushion at ang mga cheerleaders. Nag paalam ako kay Xavier na pupuntahan sina Tj at tinanguan niya lang ako. Kinuha ko sa compartment niya ang mga gamit ko saka umalis.

"Ready na ba kayo?" tanong ko sa kanila.

"Ready na!" sigaw nilang lahat.

"Ready na kaming mahawakan ang tropeyo at maranasan ang pagka panalo" sabi ni redjie at nginitian ko lang siya. Nakita ko namang papalapit si Yastin habang inaalalayan ni Tj. Naka arm brace parin siya dahil hindi pa gaanong magaling ang siko at braso niya.

"First time niyo akong di makakasama" angal niya. Ayon pa rin ang nangingilid ngilid niyang luha.

"Kaya namin to Yastin atsaka nandun ka naman kaya wag ka ng malungkot."

"Hindi naman ako nalulungkot. Naaawa lang ako sa inyo baka hindi niyo kayanin ang wala ako" pag mamayabang niya. Nako kung di lang siya injured nabeltukan ko na to.

"Ewan sayo"

Tinawag na kami ni Tj papunta sa Bus. Pinauna ko na ang mga kasamahan ko at paakyat na ako ng maramdaman kong humawak si Xavier sa kamay ko kaya bumaba ulit ako.

"Bakit nandito ka pa?" tanong ko. Hindi niya ako pinansin sa halip ay binuhat niya ang bag ko at hinila ang luggage ko papunta sa kotse niya. Hinatak ko naman ang braso niya para pigilan siya."San mo dadalhin yan? Hilo ka ba? Paalis na tayo eh"

"Sasabay ka sa akin" nakangising sabi niya. Mannerism ba niya yun? Dapat ang pangalan niya Smirk eh

"huh?"

"Naipaalam na kita kay Tj at ang sabi niya alam mo naman daw ang daan kaya pwede kang sumama sa akin."

"Talaga?" gulat na gulat kong tanong. Para kaming mag ro-road trip nito ah. Tinanguan niya lang ako bago ako pag buksan ng pintuan.

Nakaalis na ang mga bus na kanina'y naka parada sa parking lot. Pero ngayon pa lang kami aalis. Hindi naman namin kailangang mag madali dahil alam ko ang daan.

"Nakakain ka na ba?" tanong niya habang nag mamaneho.

"Hindi pa nga eh. Nag madali kasi ako kanina"

"Mag Drive thru na lang tayo" Tinanguan ko lang siya. Saka sya nag maneho papunta sa McDonald's dahil iyon ang pinakamalapit sa amin.

Matapos niyang umorder ay ibinigay niya sa akin ang paper bag saka muling nag maneho. Sinilip ko ang inorder niya at mayroon iyong limang burgers at limang spaghetti.

"Bakit ang dami? Birthday mo ba?" narinig ko namang natawa siya sa sinabi ko kaya napatawa na rin ako. Ayts nsobrang contagious talaga ng tawa nito. "Mukha ba akong gutom na gutom?"

"You can share." maikling sagot niya. Hindi ko na siya sinagot sa halip ay kumuha na ako ng isang burger at kinain iyon.

"uhm" alok ko sa kaniya saka itinaas ang burger. Tinanguan niya ako kaya kumuha ulit ako ng isang burger saka isinubo iyon sa kaniya. Tinignan niya pa ako ng parang takang taka sa ginawa ko saka iyon isinubo.

Habang nag mamaneho siya ay kumakain rin siya. Hay swerte kala mo prinsipe.

"Don't mind me Calix. Kumain ka lang" sabi niya kaya kinuha ko naman ang isang spaghetti saka kinain iyon. Napatingin naman ako sa salamin.

Katapat namin ang Bus ng mga Basketball Players at nakita kong nakatingin sa akin si Cayleb. Nang mapansin niyang nakatingin ako sa kaniya ay inilihis niya ang tingin sa akin. Hindi ko na siya pinansin sa halip ay ipjnag patuloy ko na lang ang pagkain. Gutom ako hindi niyo ako masisisi.

"Calix Wake up, Calix" agad kong iminulat ang mga mata ko at marahan kong pinunasan ang mga ito. Nakita ko si Xavier na naka upo sa harap ko saka tinatapik ang tuhod ko.

"Nandito na tayo?"

"Uhm Miracle High" iginala ko ang paningin ko. Napangiti naman ako ng makita ko ang malaking pangalan at litrato na nasa screen nitong Miracle High. Itinuro ko iyon kay Xavier ng mag flash naman ang Pangalan at litrato niya.

"Ang ganda no? Dyan ipinapakita ang pangalan at litrato ng mga lalahok sa interhigh."

Pumasok na kami sa elevator nitong Parking lot. Ilang minuto lang ay nakarating na kami sa loob nitong Miracle High. Bumungad sa amin ang malalaking gusali na nag mistulang mga Mall o Hotel dahil sa laki.

"Elle!" Bigla naman akong nag balik sa katinunaan ng marinig ang sigaw ni Jat na ngayon ay nasa harapan ko.

"Amaze na amaze teh hindi ka pa nakakapunta rito? Kala mo newbie ang ate" Pang aasar niya. Hinawi ko naman siya kaya nakita ko ang panlalaki ng mata niya. "Ay ganun? Snob ganda ka?"

"Oo ikaw?"

"Ganda gandahan" si Kart naman ang sumagot sa tanong ko imbis na si Jat.

"Ay saya ka girl? Happy? Lait na lait niyo ko no?" sabi nito kay Kart saka nag thumbs up.

"Calix aalis na muna ako nag text si Sir Jix" ani Xavier na nasa tabi ko.

"Sige ingat ka" paalala ko saka siya umalis. Pumwesto naman sa harapan ko sina Kart at Jat.

"Tinatawag karin ni Teacher Jeria" ani Kart. Saka kami pumunta sa office kung saan naroon sina Tj at ang iba pang professor.

Kahit paulit ulit akong pumunta rito sa Miracle High ay hindi pa rin ako nasasanay at manghang mangha parin ako rito. Parang isang palasyo ang Eskwelahang ito.

Pagkarating namin sa Office ay bumungad agad sa amin si Tj. Inakbayan niya kami ni Kart saka nag lakad.

"San tayo pupunta?" tanong ko.

" Sa Dormitory" iyon pa ang isa sa ikinamamangha ko rito sa Miracle High ang dormitoryo nila. May study table ang dormitoryo rito at may tatlong Computer kada isang kwarto.
"Pumili ka ng makakasama mo" sabi ni Tj saka tumingin sa akin.

"Si Kart at Janica na lang po" tinanguan lang ako ni Tj saka inanyayahan si Jat papunta naman sa dorm niya.

Inilagay ko na ang mga gamit ko sa Cabinet saka nahiga sa kama at ipinahinga ang katawan.

" Miracle High "

The Game [Milestonian Series 1] (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon