Chapter 48

32 7 0
                                    

"Hello, Hello there!!!" nagising ako sa lakas ng boses ni Janica na kakapasok pa lang sa kwarto. Para siyang mag babakasyon dahil sa dami ng dala niya at naka suot pa sya ng sun glasses kahit wala ng kaaraw araw.

"San ka galing? Kanina pa nakarating ang fushion ah?" tanong ko. Mag kakasama kasi sila sa iisang bus kaya malabong mahuli siya ng dating.

"Nag ikot ikot pa kasi ako. Alam mo naman na namiss ko tong Miracle High" Dito palagi sa Miracle High ginaganap ang Interhigh at pangalawang beses palang niyang makapunta rito dahil nga umalis siya sa Fushion noon. "Hinahanap na pala tayo ni Tj. Sabay sabay na raw tayong mag dinner." sakto dahil nag papahiwatig na rin ang tiyan ko. Ibinigay ko ang mga hindi namin nagalaw na pagkain ni Xavier kanina sa kanila nina Jat.

Papa alis na sana kami ng biglang lumingon pabalik si Janica.

"Ako dun sa single bed ha" Napag desisyunan namin na ako sa taas ng double deck, si Kart sa baba ,at sa single bed naman si Janica. Diba nakapag desisyon pa kami bago lumabas.

Dumeretsyo na kami sa Cafeteria kung saan naroon sina Tj at ang iba pang Fushion.

Konti lang ang mga estudyanteng naririto. Siguro ay mas inuna nilang kilatisin ang lugar kung saan sila mag tatanghal. Pero kami hindi na namin iyon inuna dahil Lunes pa lang naman kaya marami pa kaming oras para mag handa.

Kokonti pa lang rin ang mga estudyanteng dumarating rito sa Miracle High siguro bukas o sa susunod na araw pa sila pupunta.

Nasa isang mahabang lamesa kami ngayon at nasa gitna pa nitong Cafeteria. Hindi naman halatang gabi dito sa loob ng Cafeteria dahil sa dami ng chandelier na naka palibot rito.

Papabalik na sana kami sa Dorm ng mag paalam ako kina Janica at Kart na pupunta muna sa Library. Wala sa wisyo nila akong tinanguan dahil halatang inaantok na sila. Eleven na rin kasi ng gabi kaya talagang inaantok na sila.

Pumunta ako sa elevator dahil nasa taas lang nitong Cafeteria ang Library.  Wala na akong nakakasalubong na estudyante dahil gabing gabi na at sino ba naman ang gugustuhing mag punta sa library ng ganitong oras? Hehe ako.

Kusang bumukas ang glass door nitong Library ng makatapat na ako rito. Dati ay iilan pa lang ang mga automatic rito pero parang balak nilang lahatin ang lahat ng bagay na nandito.

Matahimik akong naglakad lakad papasok sa Library pagkatapos kong mag sign. Dapat ay dito ko dinadala si Kart. Hindi lang tungkol sa pag aaral ang mga librong nandito dahil marami ring Novels ang nandito. Hindi nga lang lantarang ipinapakita dahil baka yun na ang ipunta ng mga estudyante dito imbis na pag aaral.

"Elle"

"Ay anak ng kabayong bundat" sabi ko sa sarili saka nabitawan ang librong hawak hawak ko. Nilingon ko ang tumawag sa akin. "Ara. Susmaryosep ka"

"Namiss kita" mahina nyang sabi sa ako niyakap.

"Ako din. Dito ka pa rin ba nag aaral?"

"Uh uhm Loyal na Milagrosa ako eh" milagrosa/ milagroso ang tawag sa mga estudyanteng nag aaral dito sa Miracle High.

"Naks"

"Osige na aalis na ako. Ito lang naman ang ipinunta ko rito." aniya saka itinaas ang librong hawak niya. Tungkol sa Law iyong libro kaya sigurado akong tungkol sa Law ang kurso niya. "Bye goodluck sa Inter"

The Game [Milestonian Series 1] (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon