Chapter 28

33 10 0
                                    

Habang nag lalakad kaming apat papunta sa kaniya kaniya naming klase biglang lumapit sa akin si Xavier.

"Ano ba ang meron kay Elleoveyah Calixta adler dati?" tanong nito dahilan para mapatigil ako sa pag lalakad. Mukhang narinig naman nina jat at kart ang tanong niya kayat lumapit sila sa amin.

"Nako kung noon palang nakikita kita mo na si Elle nako hindi mo babalaking makipag usap dyan. Baka mamaya pag uwi mo may black eye ka na" sabi ni jat na may halong pag babanta.

"Ah ganon? Bat nyo ko kinaibigan?" tanong ko sa kanila.

"Wala malakas loob namin eh. Saka lagi kaming napag titripan noon kaya nakipag kaibigan kami sa bully para may mag tatanggol sa amin. Diba jat?" Sagot ni kart. Naks naman ginamit lang ata ako ng dalawang to eh!.

"Bully? So bully ka dati?" tanong ni Xavuer sa akin. Halatang gusto na nyang makasagap ng chismis sa ginagawa niya eh.

"Ganto kas---" -ako.

"Oh my god! 5 minutes na lang mag sta-start na tayo. Halika na!" sigaw ni Jat habang naka tingin sa relo niya saka kami hinatak pa alis ni Kart.

"Sige mamaya na lang ah!!! Atat tong si jat eh si sir Jerico kasi prof namin!!!" nag papaalam na sigaw ko kay Xavier. Ayoko namang maging bastos kaya nag paalam parin ako kahit hinahatak na kami ni jat.

"ill text you" sagot naman niya saka umalis kaya mabilis na kaming umakyat sa building namin.

Nang makarating na kami sa BSCE room agad na kaming umupo sa may bandang dulo. Ilang minuto lang ay dumating na ang prof namin na si sir Jerico. Siya ang pinaka batang prof namin sa year na ito.

"Im Jerico Manalastas and ako ang mag te-take over ng klase ni Sir Johan" pag papakilala ng prof namin. Liningon ko naman si Jat na ngayon ay parang inaasinan na sa sobrang kilig.

"Please pass your index" utos ng prof namin kaya agad naming pinasa ang kaniya kaniya naming mga index kung saan naka sulat ang aming mga pangalan.

"Ok graded recitation tayo. I-ready nyo na ang mga stock knowledge nyo" dagdag pa niya.

"Si sir ang hilig mag pa graded recitation" angal ni jat. Parang narinig iyon ni sir Jerico dahil napatingin ito kay Jat.

"Saan ako kukuha ng grade nyo kung walang graded recitation?" nakangiting tanong ni sir.

"Joke lang sir. Sa totoo nga gustong gusto ko pag nag papa graded recitation kayo eh" sabi ni jat sa ka naka ngising lumingon sa akin.

"Joke lang hindi ang prepared" bulong nito. Nakita ko namang napa tawa si kart.

"Dahil excited ka sa graded recitation una ka Mr. Easton" tawag ni sir sa apelyido ni jat kaya agad na tumayo si Jat. Kitang kita ko ang kaba sa mukha nito

"Can you tell me the history of computer?" tanong ni sir.

"Yes sir" sagot ni jat.

"Sige ano yun?" tanong ni sir.

"Hala sir. Ang tanong niyo lang naman po ay answerable by yes or no. Sir one question at a time lang po" pangangatwiran ni jat. Namayani naman ang tawanan sa loob ng BSCE room.

"Mr. Easton?" tanong ni sir.

"Sir pwedeng Call a friend?" tanong ni jat kay sir.

"Sige" pag payag ni sir. Agad namang tumingin sa amin si jat.

"Hoy ipapasapak kita kapag ako ang pinili mo." banta ni kart kay jat kaya napatawa naman ako.

"Hindi ikaw. Alam ko namang puro istorya lang ang laman ng isip mo." sabi ni jat kay kart kaya inirapan naman siya nito.

The Game [Milestonian Series 1] (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon