Chapter 39

29 8 0
                                    

Apat na araw na ang nakalipas simula ng mawala si ate miyuki. Ngayon na ang araw na napag pasiyahan nina tito at tita na ipa-cremate si ate dahil unti unti naring nawawala ang mga gamot sa katawan niya.

Mas pinili nina tito na ipa-cremate dahil ayaw nilang iwan si ate Miyuki. Mas maganda raw na makakasama pa din nila si ate dito sa bahay kahit abo na lang.

Matapos ang pag papa-cremate ay inuwi na rin ang abo ni ate rito sa bahay. Nalulungkot at hindi ko pa rin matanggap ang nangyari pero niisang butil ng luha ko ay wala ng pumatak.

"Uuwi ka na din ba mamaya?" tanong sa akin ni Xavier. Handa na ang mga gamit nito dahil paalis na rin sya ngayon.

"Oo pero kukunin ko pa yung Autopsy result ni ate Miyuki sa hospital."

"Pwede naman akong mag stay dito ng ilang oras. Sabay na tayong umuwi"

"Hindi na madami ka pang requirements na ipapasa."pag tanggi ko. Tinanguan lang niya ako.

Kinuha nya ang mga naiwan pang gamit sa guest room saka ibinaba rito sa salas.

"Tita, tito, mauna na po muna ako"pag papaalam niya saka lumapit kina tito at tita para mag mano.

"O sige iho mag iingat ka"ani tita. Sinamahan ko si Xavier hanggang sa gate.

"Ingat ka"maikling paalala ko. Gunulo niya kaunti ang buhok ko saka ngumiti.

"Ikaw rin. Don't forget to smile"sabi niya kayat sinagot ko lang siya ng ngiti. Nangmakasakay na siya sa kotse niya at makaalis ay agad na akong pumasok sa loob ng bahay.

"Ikaw Elle kailan ang uwi mo?" tanong ni tito ng makapasok na ako.

"Maya maya po ay uuwi na rin ako." sagot ko at binigyan lang nila ako ng ngiti."Ah pwede po bang ako na lang ang kumuha ng autopsy result ni ate?"

"Hayaan mo na kami Elle. Maaabala ka pa" sagot ni tita saka umupo sa dining.

"Ah gusto ko po kasing makita yung resulta. Balak po kasi namin nina kuya Ghi na mag pa imbistiga" tinanguan lang nila ako saka ngumiti muli.

"Kung yan ang nais mo pero saluhan mo muna kami sa pagkain" utos ni Tito kaya naupo na rin ako at kumain kasama nila.

Nasa kalagitnaan ako ng pagkain ko ng mapansin kong wala si Yaya Lin. Liminga linga pa ako para hanapin sya pero wala akong nakitang yaya Lin sa loob ng bahay.

"Nasaan po si yaya Lin?"

"Nag paalam siya kani kanina lang dahil bibisita raw siya sa mga anak niya." sagot ni Tita sa akin at tinanguan ko lang siya.

Nang matapos na akong kumain ay nag paalam na agad ako sa kanila at saka umalis.

Nang makarating na ako sa hospital ay agad akong nag tungo sa opisina ng doktor na nakausap namin tungkol sa pag papa-autopsy.

Nang maibigay na sa akin ang sobre na nag lalaman ng resulta ay nag lakad na ako papaalis.

Nasa may tapat na ako ng elevator ng makita ko si yaya Lin na pumasok sa opisina ng doktor.

Kinuha ko ang phone ko at balak kong bidyuhan ang pag labas ni yaya Lin sa opisina ni Doctor Raizall Carter.

Nang makalabas na si yaya Lin at natapos ko na ring bidyuhan ang nangyari ay agad akong pumasok sa elevator na kakabukas lang.

Nang makarating na ako sa parking lot nitong hospital ay agad na akong pumasok sa kotse ko para buksan ang envelope na binigay ng doktor.

"Asphyxia by strangulation" pagbasa ko sa naka sulat. Ibig sabihin sinakal muna si ate miyuki. Balak talaga syang patayin at hindi iyon aksidente lang.

Kinuha ko ang phone ko sa bag ko saka pin-lay ang video.

"Yaya lin, anong kinalaman mo sa mga nangyayari?"

Bumalik na ako sa bahay nina ate miyuki at patakbong pumunta kina tita at tito na nasa loob.

Agad kong inabot sa kanila ang sobre. Nang mabasa na nila iyon ay namuo ang galit sa mukha nila.

"May kakilala po kami ni Kuya Elix na investigator makakatulong po siya sa pag hahanap natin ng hustisya sa nangyari kay ate miyuki." sabi ko. Tinanguan lang nila ako na parang bang sumasang ayon sa akin kayat lumayo ako sa kanila at kinuha ang phone ko saka kinontact si Kuya.

"Kuya Elix"

"Oh Elle bat ka napatawag?"

" Kilala mo pa si Kuya Richmond?"

"Oo bakit?"

"Balak naming mag pa investigate. Can i have his number?"

"Yeah ofcourse. Text ko na lang sayo. " sabi niya saka binaba ang tawag. Nang ma receive ko na ang text ni kuya ay agad kong kinontact si Kuya Richmond.

Ilang ring palang ay agad na sinagot na ito ni Kuya Richmond. 'Kala ko di sumasagot ng number. Hay thanks god'

"Hello who's this?"

"I'm Elleoveyah Adler. Your friend's sister" pag papakilala ko rinig ko naman ang pag ow nya ng marinig na ako yun.

"Elle bakit ka napatawag?"

"May ipapainbistiga sana ako sayo"

"Sino yun?"

"Our cousin. Miyuki Xandra Adler, based on what the doctor says Poison ang ikinamatay ni ate Miyuki. Hindi kami nakuntento doon kaya pina-autopsy namin siya and based on the autopsy asphyxiation ang isa sa ikinamatay niya." paliwanag ko.

"Okay send me the location pupunta kami sa bahay nila. Pakisabi sabi rin sa tita o tito mo dyan wag nilang galawin ang anumang bagay dyan matapos ang nangyari, wag muna silang maglinis"

"Okay"

"And lastly, may Kasambahay ba sila dyan?"

"Yes meron"

"Tell them na wag hahayaang umalis ang kasambahay hanggat walang nangyayaring imbestigasyon okay?"

"Yah i will" binaba na nya ang tawag kayat katulad ng paalala niya ay sinabi ko ang mga bagay na yun kina tita at tito.

Kinuha ko na ang mga gamit ko sa kwarto at ibinaba na ito. Papaalis na sana ako ng makasalubong ko si yaya Lin sa salas.

"Ow kamusta ang mga anak mo yaya?"tanong ko kitang kita naman ang biglang pamumula ng mukha niya.

"A-ah maayos naman m-maam" pautal utal na sagot niya. Gumuhit naman lalo ang ngiti sa aking mga labi.

Ang sarap makarinig ng kwentong hindi totoo kapag alam mo na mismo ang totoong kwento. LIER

"Malapit ba ang bahay mo sa hospital?" lalo siyang nabalisa sa tanong ko. Napansin kong napalingon sa akin sina Tito dahil sa tanong ko.

"No Elle ang alam ko malapit sa bukid ang bahay nina Lin, diba Lin?"ani Tita.

"A-ah o-opo maam" hindi makatingin sa akin si yaya habang sumasagot.

"Bakit Elle?" tanong ni Tito.

"I think i saw her in the Hospital"sagot ko saka tinitigan si yaya.

"W-wala po a-ako sa hospital kanina"pilit niyang itinutuwid ang sagot niya pero palagi itong nauuwi sa pautal utal.

"Okay fine nevermind baka namalikmata lang ako" sabi ko saka lumapit kina Tita at Tito para mag paalam. Bineso ako ni tita at niyakap naman ako ni tito bago ang umalis.

Bago sumakay sa kotse ay tinignan ko muna ulit si yaya ngunit agad itong nag iwas ng tingin sa akin.

Naisip ko na hindi ko agad sasabihin sa kanila ang nakita ko kanina dahil hihintayin ko muna ang kalalabasan ng imbistigasyon at sa oras na si yaya Lin ang lumabas na may sala at tumanggi siya ay saka ko ibabato ang alas ko.

Pray yaya. Matatapos ang lahat ng ito at mag babayad ang may kasalanan. Hindi ako titigil hanggat hindi ko nalalaman ang puno't dulo ng lahat ng nangyayari.

Kung pwede ko lang gamitin ang kasabihang buhay ang kinuha, kaya buhay rin ang kapalit pero hindi ako ganoong tao.

The Game [Milestonian Series 1] (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon