Chapter 24

34 12 0
                                    

"Tita, tito thank you po aalis na po kami" pagpapaalam ko sa kanila bago kami tuluyang umalis.

"Oh sige Elle at Xavier mag-iingat kayo ah" sabi ni tita. 

Patakbong namang lumapit sa akin si ate saka ako mahigpit na niyakap.

"Mamimiss ko kayo... Lalo na ikaw Couz 'wag mong kakalimutang balitaan ako ah!" ani ate sa ako hinalikan sa noo matapos kumalas sa pagkakayakap sa akin.

"Naman couz ikaw pa" nakangiting sabi ko saka kumalas sa pagkakayakap niya. Ibinaling ko naman ang tingin ko kay kuya Ghi na ngayon ay katabi ni Xavier. "Kuya, 'wag mong papaiyakin 'tong pinsan ko ah!" may pagbabantang sabi ko kay kuya Ghi.

"Naman Elle!" sagot niya.

Matapos naming magpaalam sa isat-isa ay sumakay na ako sa kotse ko saka nagsimulang magmaneho. 

Habang nagmamaneho ay 'di ko maiwasang maluha, noon pa man ay si ate Miyuki na ang itinuturing kong nakatatandang kapatid at ang mga magulang n'ya ang nagsilbi kong mga magulang kaya sa tuwing uuwi na ako ay pakiramdam ko malalayo nanaman ako sa pamilya ko.

 Sa totoo lang mas nasasaktan pa ako sa tuwing napapalayo ako kina ate Miyuki kaysa sa tunay kong mga magulang. 

Wala eh nasanay na ako.

Sa kalagitnaan ng pagmamaneho ko may narinig akong nagbeep sa phone ko kaya't dali-dali kong ihininto sa tabi ang kotse ko saka tinignan ang phone ko.

From: 0925*******

Calix Nasan ka na?

Nakakunot noo kong binasa ang text na iyon. Hindi ko alam kung rereply-an ko ba s'ya o ano.

Pero hindi ko rin maiwasang mag-isip kung sino s'ya kaya't nagreply na rin ako.

To:0925*******

Who's this?

Hindi naman nagtagal ay muling nagvibrate ang phone ko at kaagad ko rin iyong tinignan at binasa.

From:0925*******

Si Xavier 'to, I'll take you out, I mean let's get some coffee... Is it alright with you?

Tsk akala ko naman kung sino na naman ang nakakuha ng number ko si Xavier lang pala. Agad kong nilagyan ng name ang number n'ya at sinave na 'to.

To:Xavier

Sige.

From: Xavier

Aantayin kita. Ingat :)

Hindi ko na nireplyan ang huli n'yang text dahil pinaandar ko na ang kotse ko at agad na tinahak ang daan papunta sa napag-usapan naming lugar.

Ilang minuto lang ang lumipas at nakarating na ako sa meeting place namin.

Nagulat ako ng may biglang humawak sa balikat ko kaya agad akong napalingon saka hinawakan ang kamay n'ya nang mahigpit.

"Hey! Easy ka lang" sabi ng lalaking humawak sa akin na si Xavier lang pala kaya binitiwan ko rin s'ya kaagad. 

Handa na sana akong bigyan s'ya ng malakas na sipa kung hindi ko s'ya kaagad na naalala.

"Bigla-bigla ka kasing humahawak!" naiinis na sigaw ko dahilan para takpan n'ya ang bibig ko.

"Shh 'wag kang maingay... Baka paalisin tayo ng guard"utos n'ya sa akin... Imbis na sagutin ko s'ya ay tinanggal ko nalang ang kamay n'ya na nakatakip sa bibig ko saka naglakad papasok sa cafe.

The Game [Milestonian Series 1] (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon