Prologue:

334 17 0
                                    

Elleoveyah Calixta Adler Daughter of Maurizio and Demna Adler...

Marangya ang pamumuhay ng pamilya namin or should I say 'pamilya nila' dahil hindi na naman talaga ako talagang kasama roon.

Dala ko lang ang apelyido ng tatay ko pero hindi ako kabilang sa kanila.

Sabik sa pagmamahal at kalinga ng magulang... Hinanap ko ang kakulangan na iyon sa ibang tao at dahil dun hindi ko na naisip na nasasaktan ko na pala ang sarili ko.

------------------------

Elle's POV

"Elle, kailan mo ba titigilan ang pagpapakabulag 'dyan sa walang kwenta mong nobyo?" sabi ni Kartie na matalik ko ng kaibigan.

Ewan ko kung bakit ang daming sinasabi ng babaeng 'to ngayon eh ang tipid nito sa salita.

O baka trip niya lang akong sermunan.

"Oo nga bakla, kailan ba matatapos 'yang pagtitiis mo? Nako ah, kung may mabisang gamot lang sa kamartiran binilhan na kita! Oo mars gwapo at hot ang junakis mo pero sis tantanan mo na s'ya," sabi naman ni Jat na matalik ko na ring kaibigan na may pagka-malambot. He's gay.

Ayaw na ayaw talaga nila kay Cayleb dahil daw sa wala itong oras sa akin at mas ibinabaling pa ang atensyon sa ibang bagay kaysa sa akin.

"Eh kasi naman eh akala ko s'ya na yung magpapakulay sa buhay ko... Akala ko s'ya na eh." Mas lalo ko pa silang inasar saka nagkunwaring umiiyak.

Masarap lang talaga silang asarin paminsan-minsan. Hindi naman ako ganito parati sa kanila so why not?

Minsan lang akong umaktong bunso sa kanila dahil madalas na ako ang tumatayong ate sa dalawang 'to.

"Hoy Elleoveyah Calixta! tantanan mo na 'yang kulay-kulay na 'yan. Kung gusto mo ng kulay pala edi sana pumunta ka ro'n sa school supplies punuin mo ng colored paper at krayola 'yang uniporme mo! Dagdagan mo pa ng glitters para shining shimmering splendid tutal uso naman ngayon ang Aladin!" Konti na lang ay parang gusto na akong tusukin nitong si Jat dahil sa lapit ng ballpen niya sa mukha ko.

Gigil yarn?

"Basta ang alam ko lang... mahal ko kasi s'ya," sagot ko sa kanila.

Hindi ko naman kasi basta-basta matuturuan ang puso kong i-unlove ang isang tao.

Marami na rin kaming pinagsamahan ni Cayleb... Ngayon lang naman siya nagbago pero minsan ko ng naramdaman na nandyan siya kapag kailangan ko siya.

"Ewan ko sayo! Sana girl minahal mo muna 'yang self mo bago mo mahalin 'yang boyfriend mong wapakels! Tara na nga Kart iwanan na natin 'yan!" dagdag pa ni Jat saka sila bumalik sa silid-aralan habang ako ay nananatili sa bench na kanina ay inuupuan namin...

Pa'no ko hihiwalayan ang lalaking lagi kong hinahanap? Pa'no ko matitiis na maging masaya siya sa iba?

Madali lang sabihin ang mga bagay na yun pero hindi para sa akin... Ayokong magsalita ng tapos.

Lalo't nagsisimula pa lang ang istorya ko.

The Game [Milestonian Series 1] (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon