Chapter 52

35 6 0
                                    

Umidlip lang ako ng sandali saka muling bumangon sa higaan at lumabas. Nakasalubong ko naman si Janica na kanina pa pala lumabas para bumalik sa Gymnasium.

Ibinalita na nya sa akin na nanalo na raw ang Jade University at nakakalamang ngayon ang Miracle sa Angelite.

Inaya niya ako na bumalik sa Gymnasium pero tumanggi ako dahil balak kong mag tungo ngayon sa para pumunta sa Fitness Gym para mag stretching para bukas ay hindi mabigla ang katawan ko. Sumama narin sa akin si Janica.

Pagdating namin sa FG ay wala kaming nadatnang tao na siyang mabuti para sa amin dahil malaya kaming gawin ang gusto namin ng walang umaabala sa amin.

Natapos na akong mag stretching at Workout na rin. Pawis na pawis kaming lumabas ni Janica sa FG saka nag punta sa dorm para maligo. Ginising na rin namin si Kart dahil malapit nang mag umpisa ang laro.

Dumaan rin kami sa Gymnasium at nabalitaan naming panalo ang Miracle. Unang lalaban ang Milestone at Jade at ang mananalo ay lalaban naman sa Miracle. Ewan ko pero para saakin ay unfair yun dahil kung sino man ang manalo sa Milestone at Jade ay dalawa ang magiging laban samantalang isa lang ang sa Miracle pero basta. Hindi ko naman alam ang patakaran nila.

Mabilis kaming kumilos at pumunta sa Gymnasium. Nandoon na ulit ang mga estudyante ng Milestone at Jade at ang iba pang estudyante sa kanikaniyang eskwelahan.

Nag simula na ang laban. Hindi muna pinalaro sina Kart sa simula diskarte siguro nila yun para mamaya ay may sapat na enerhiya sila at siguro ay kikilatisin muna nila kung paano lumaban ang Jade University saka sila papasok.

Napansin kong wala rito si Xavier. Luminga linga pa ako para masigurado na wala nga siya rito at tama nga ako. Kinuha ko ang Phone ko para saka siya tinext.

To: Xavier

Where are you? Aren't you going to watch the game?

Hinihintay ko ang respond niya pero wala akong nakitang Text o anuman. Kaya napag pasiyahan kong itext ulit siya.

To: Xavier

Please reply... I'm worried...

katulad nang sa una ay hindi rin siya nag reply kaya nag bakasakali ulit ako.

"Di ka mapakali ah. Anong problema?" tanong sa akin ni Janica na nasa tabi.

"Nothing. Masyado lang sigurong mainit rito" I lied. Hindi ko naman pwedeng sabihin na nag aalala ako kay Xavier dahil malamang sa malamang ay tutuksihin niya ako.

To: Xavier

Are you alright? Reply. *_*

Nang makita kong wala parin siyang reply ay tatayo na sana ako para hanapin siya. Natatakot rin kasi ako na baka balikan siya ng mga tropa ni Jastin. Mahilig kasi sila sa ganoon saka susugod kapag nakatalikod ang kalaban.

"Where are you going?" tanong ni Janica saka nag pout.

"Outside? Mainit kasi dito eh."

"Aishhh liar. Ang lamig kaya dito" hindi ko na siya sinagot at naupo na ulit.

To: Xavier

I'll find you if you don't reply.

Pag talaga hindi to nag reply ay aalis na ako. Makikicongratulate na lang ako kina Kart mamaya kung panalo. Basta hahanapin ko siya. Bumilang pa ako dahil pag hindi siya nag reply sa loob ng sampung segundo ay lalabas na ako. Siyam pa lang ang nabibilang ko ay narinig kong mag beep ang phone ko kaya agad ko iyong binuksan.

The Game [Milestonian Series 1] (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon