Chapter 69

40 5 0
                                    

Xavier's POV

Paalis na sana kami ni Calix pero huminto kami ng tawagin siya ni tita Demna kasama ang asawa nito.

"Elle I'm so sorry... Anak" aniya. Agad akong napalingon kay Calix para tignan ang magiging reaksyon niya.

Hindi niya ito nililingon at pilit pinipigilan ang pag tulo ng luha. Hanggang ngayon ayaw parin niyang ipakita sa iba ang kahinaan niya.

"Ayoko munang makausap kayo..."

"No Elle, sasama ka sa amin" ani Tito Maurizio saka hinawakan ang pulsuhan ni Calix pero agad niya itong nabawi.

"No... Ako ang mag dedesisyon sa sarili ko... Hayaan niyo akong mag isip, ng ako lang" patuloy pa rin ang pag tulo ng luha niya ganun din ang pag hikbi niya.

Para akong tinutusok ng paulit ulit dahil sa nakikita. Gustuhin ko mang yakapin siya at patahanin ay hindi ko magawa dahil hindi pa kami mag kaayos.

Pagkasabi ni Calix niyon ay agad siyang tumakbo papalayo. Nilingon ko ang mga magulang niya. Halos mapaluhod na si Tita Demna habang umiiyak at hawak hawak ng asawa.

"Susundan ko po muna si Calix. I'm sorry po"

"Salamat iho"

Patakbo ko siyang hinabol. Ang bilis niyang tumakbo pero naabutan ko rin naman siya ng tumigil siya sa may kanto.

Nakaupo siya sa lupa habang takip takip ang mga matang lumuluha.

Lumapit ako sa kaniya saka hinawakan ang magkabilang braso at itinayo siya.

Nagulat ako ng bigla niya akong salubungin ng yakap. Idinantay niya ang ulo sa balikat ko at doon umiyak ng umiyak. Inilagay ko ang kaliwang kamay sa ulo niya habang ang kanang kamay ay naka yakap sa kaniya.

Hindi rin nagtagal ang yakap na iyon dahil agad siyang kumalas at umayos ng tayo saka ako tinignan.

"Dalhin mo ako sa bahay mo" aniya.

"Bahay ko?" dalawa ang tinitirahan ko.

"Sa bahay mo kung saan mo ako dinala matapos kitang sagutin" aniya.

Hinawakan ko ang baba niya at itinaas iyon para makita ang kabuuan ng mukha niya. Kitang kita ko ang nag dudugong sugat sa gilid ng labi niya at ganoon rin ang mahahabang gasgas sa pisngi at noo niya.

"I'm sorry Calix pero mas mabuti siguro kung dumaan muna tayo sa hospital para ipalinis iyang mga sugat mo" Nakita ko ang pag iling niya. Halatang hindi siya sang-ayon. hinawakan niya ang sugat sa gilid ng labi saka iyon tinignan.

"Please?"

Paano ko pa mahihindian ang isang salitang sinabi niya? Paano ko mahihindian ang ganoong kamo niyang mukha.

kahit gaano ako kadesidong dalhin siya sa hospital ay pumayag parin akong iuwi siya sa bahay ko. Hindi ko kayang tanggihan ang babaeng pinakamamahal ko.

Binigyan ko siya ng Band aid para hindi dapuan ng kung ano ang sugat niya at hindi iyon madumihan. Sumakay na kami sa sasakyan ko saka ako nag maneho papunta sa bahay.

Agad kaming nakarating doon. Nakita ko ang pag linga linga niya na parang kinakabisado ang bawat parte ng bahay. Agad siyang tumakbo paakyat ng makarating kami sa hagdanan.

Nag dala ako ng dalawang upuan para sa aming dalawa ng makarating na kami sa rooftop. Nakita kong ipikit niya ang mga mata habang naka tingala.

The Game [Milestonian Series 1] (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon