Chapter 70

47 5 2
                                    

Elle's POV

Nagising ako sa isang puting kwarto. tumingala ako at nakita ko ang dekstroz na nakasabit sa may ulunan ko.

Nagulat ako ng pumasok sina Mommy ng umiiyak at bigla akong niyakap.

"Anak, thank god nagising ka na" sabi niya saka umiyak ng umiyak sa akin habang yakap yakap ako.

"Anong nangyari?"

"Nag collapse ka... Buti nga at agad kang dinala rito ni Xavier." sagot ni Kuya Elix.

Naaalala ko ngang mag kasama kami ni Xavier sa bahay niya kagabi.

"Elle bumalik ang sakit mo sa puso" sabi ni Daddy.

"B-bumalik?" ibig sabihin ba nito ay hindi ko na ulit pwedeng gawin ang mga ginagawa ko ngayon? Hindi ko na magagawa ang gusto ko? "Paaalisin niyo ba ulit ako sa Fushion?"

"Kung kailangan." ani Mommy.

"Anong dapat gawin? Ooperahan ba ako? Magpapahinga? Ano?"

"Kailangan nating humanap ng Heart Donor , heart transplant" paliwanag ni Daddy.

Kailangan puso na ipapalit sa puso ko. Iniisip ko palang ay hindi ko na kaya iyon pa kayang gagawin na iyon kapag naka hanap na sila.

"Wag mo ng isipin iyon anak. Mag pahinga ka" utos ni mommy saka hinimas ang noo ko para maayos ang buhok ko.

Sinunod ko siya at nag pahinga na lang muna ako pero hindi ako mapakali dahil hanggang ngayon ay hindi ko pa naririnig ang paliwanag nila tungkol sa nangyari kagabi.

"Gusto kong marinig ang paliwanag niyo."

"Anak" ani mommy. Naparang nakikiusap.

"Ipaliwanag niyo sa akin lahat. Tungkol sa nangyari kahapon. Lahat ng kaya niyong ipaliwanag. Makikinig ako" tinignan ko sila isa isa. "Please"

"Naging mag kakilala kami ni Magnus dahil naging mag kaklase kami... Matalik ko siyang kaibigan noon hanggang sa nag trabaho na kami sa iisang ospital... Nagtayo ng malaking pader ang inggit sa pagitan naming dalawa. Nagalit siya sa akin dahil sa mga papuring natatanggap ko." paliwanag ni Daddy. Tumingin siya saglit kay Mommy at muling ibinalik ang tingin sa akin. "Sinagot ako ng mommy mo kasabay nun ang pag tatapat ni Magnus sa akin na matagal na niyang gusto si Demna kaya lalong nasira ang pag kakaibigan namin"

Dahil sa inggit? Akala siguro niya ay inaagaw ni Daddy lahat sa kaniya.

"Nang malaman na ni Magnus na nagkaanak kami ni Maurizio... Nakipag ayos siya kay Maurizio at tinanggap niya iyon. Inimbitahan namin si Magnus sa dati nating bahay at doon niya ako nagawang pagsamantalahan" naluluhang kwento ni Mommy.

"Bakit hindi niyo sinabi kaagad sa akin na hindi ako tunay na anak ni daddy?"

"Dahil hindi pa kami handa" -mommy.

Biglang bumalik sa akin lahat ng sakit. Sumula ng ituring nila akong na parang hindi nila anak.

"Kaya ba ganun niyo ako ituring?"

"Hindi namin matanggap, lalo na ako kaya nagalit kami sayo ni Demna pero maling mali iyon dahil wala kang kasalanan sa anomang nagawa ni Magnus" ani Daddy. Ngayon ay medyo nalilinawan na ako. "Hindi rin namin sinabi noong bata ka dahil hindi mo maiintindihan"

"Maiintindihan ko"

lumapit sa akin si Mommy saka ako niyakap ng mahigpit.

"I'm sorry Anak" aniya. Lumapit rin sa akin si Daddy.

The Game [Milestonian Series 1] (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon