Chapter 42

31 8 0
                                    

Maaga akong nagising kaya hindi ako nag madaling gawin ang mga bagay na kailangan kong gawin.

Matapos kong mag ayos ay agad na akong nag tungo sa kusina para mag handa ng makakain ko.

Ngayon ko lang naisip na mapapadali ang mga gagawin ko kung maaga ako magigising araw araw. Tsk late.

Nang matapos na akong kumain ay kinuha ko na ang susi ng kotse ko. Pag kalabas ko ay bumungad sa akin ang kotse ni Xavier at tanaw ko siya dahil nakababa ang salamin sa may Shutgun seat.

Imbis na bumalik pa sa loob para ibalik ang susi ng sasaktan ay ipinasok ko na lang ito sa loob ng bag ko saka lumabas at sumakay sa kotse ni Xavier.

"Tototohanin mo talaga? Sigurado ka?" Sabi ko ng makasakay na ako. Tumingin siya sa akin ng saglit saka pinaandar ang sasakyan.

"Oo. Hindi ko ugaling mangako ng hindi totoo at alam kong hindi ko gagawin" Ang simple lang ng sinagot niya pero eto ako todo na ang kilig na nararamdaman.

Hindi ko na siya sinagot dahil wala na din akong maisip na isasagot. Masyado kasi siyang seryoso.

Tahimik kaming tinatahak ang daan palabas dito sa subdivision. Huminto siya saglit sa tabi ng guard house para kunin ang lisensya niya. Hindi ka kasi makakapasok dito kung wala kang I.D o lisensyang ipapakita.

"Uy Elle!" Nagulat ako ng biglang dumungaw si Kuya Marvi sa bintana sa pwesto ko.

"Kuya Marvi" bati ko.

"Andaya ah nag papahatid kana sa iba pero sa akin ayaw mo. Nag seselos na ako" Sabi niya. Nakita ko naman ang pag singhal ni Xavier kaya nilingon ko siya. Nakita kong tinaasan niya lang ako ng kilay kaya kinagat ko ang labi ko para mapigilan ang pag tawa.

"Sige na Kuya Marvi mauuna na kami baka mahuli pa kami sa klase" paalam ko. Tinanguan lang ako nito kayat sinenyasan ko na si Xavier para maka alis.

Napuno ng katahimikan sa loob ng kotse. Walang nag sasalita sa aming dalawa. Seryoso si Xavier sa pag mamaneho at mukhang badtrip.

"Galit ka ba?" Tanong ko.

"Hindi" dapat ang kasama nito ay si Kart eh. Parehong matipid sa letra akala mo naman may bayad.

"Weh? Hmmm are you jealous?"
Hindi niya ako sinagot sa halip ay itinuon lang ang pansin sa daan.

"Selos ka ih!" Alam kong pabebe Ang pag kakasabi ko at sinadya ko yun dahil gustong makita ang pag ngisi niya. Katulad ng inaasahan ko ay saglit siyang napangisi at ng mapansin ito ay agad niyang tinakpad ng kaliwang kamay ang bibig.

"Ayaw pang aminin" nag cross arms ako saka tumingin sa bintana. Muntik na akong sumubsob dahil sa pag preno niya. Kung hindi lang talaga ako naka seatbelt siguradong subsob ako rito.

"Bat nag preno ka?! May nabangga ka ba?!" Hindi niya ako sinagot sa halip ay nginisian lang niya ako at itinuon ang atensyon sa akin.

"Oo nag seselos ako" Sunod sunod ang naging pag lunok ko dahil sa narinig. Pinaandar niyang muli ang sasakyan at muling itinuon doon ang buong atensyon.

"Nag seselos ka kay Kuya Marvi? Eh parang so Kuya Elix na yun eh. Kuya nga ang tingin ko dun"

"Kuya ang tingin mo pero hindi ang tingin niya"may point naman pero ANLAKI NG AGWAT NG EDAD NAMIN NUN!

"Alam mo ipalinis na natin yang utak mo masyado ng madumi."

"I think he likes you" awtomatiko akong napalingon sa gawi niya. Ano to mind reader?

The Game [Milestonian Series 1] (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon