Chapter 56

37 5 0
                                    

"Elle may nag hahanap sayo" ani Janica habang nag aayos ako para sa laban mamaya.

"Sino?" ngumuso lang ito sa may pintuan kaya dali dali akong bumaba at nag tungo roon.

Bumungad sa akin si Xhantal at ang mga maleta nito. Nakatitiyak akong pinaalis na sya. Buti na lamang at wala na dito si Kart kaya hindi iisipin ni Xhantal na nag sumbong si Kart sa akin o kakilala ko ito.

"Hinihintay mo ba ang goodbye ko?"panunukso ko saka siya binigyan ng nakakapikon na ngisi.

"Ikaw ang may kasalanan kung bakit ako pinaalis rito!"galit na galit na aniya ngunit imbis na matakot ako ay mas lalo ko pang itinodo ang pag ngisi para lalo siyang mabwisit.

"Ikaw ang may kasalanan. Ikaw ang nananakit ng mga tao rito. Ikaw ang nag pi-feeling reyna rito. Ikaw ang may kasalanan sa lahat ng nangyayari sayo. Kaya wag na wag mo akong sinisisi sa kasalanang ikaw mismo ang gumawa" pag tatama ko sa kaniya. Kitang kita ko ang pangingilid ng mga luha sa mata niya. "Binalaan na kita... Kung gusto mong saktan ako, saktan mo ako. Wag mong dinadaan sa banta at baka maunahan pa kita"

"Xhantal tapos na ang oras mo. Kailangan mo ng umalis. Mag paalam ka na sa mga kaibigan mo" sabi ng babaeng nasa likod niya. Officer din siguro iyon dito sa Miracle high.

"Bye sis ingat ka"  pang-aasar ko saka ikinaway ang kamay sa kaniya. ,

"Whatever!" gigil na sabi nito saka nag simulang hatakin ang mga maleta nito. Natatawa akong bumalik sa higaan ko para mag ayos ng lumabas si Janica mula sa banyo.

"Ay iba den"

"Kasalanan niya yun"

"Bye bye Xhantal---" hindi naituloy ni Janica ang sasabihin ng pumasok si Kart.

"Bakit nanggaling rito si Xhantal?" tanong niya bago inilapag ang mga dalang pagkain.

"Aalis na kasi siya rito baka gustong magpaalam muna" natatawa kong sagot sa kaniya.

"Aalis? Bakit? Elle?"

"Don't worry Kart hindi ko siya sinaktan, hindi ko ginamit ang apelyido ko, at hindi ko binanggit ang pangalan mo pati ang usapan niyo."

"Pero paanong napaalis siya rito?" nag tatakang tanong niya.

"Dahil sa akin." hinihintay niya ang kasunod kong sasabihin, halatang kulang pa ang sagot ko. "Umalis ako kanina para mag lakad lakad lang naman. Pero sa tingin ko pumapabor sa akin ang hustisya. Nakita ko siya na may sinasaktang studyante rin kaya yun ang naging alas ko"

"Galing diba?" pagsingit ni Janica sa usapan. Napailing na lang si Kart at halos hindi makapaniwala sa narinig.

"Ewan ko sainyo. Kumain na nga kayo baka hinihintay na kayo sa Gymnasium" Gaya ng sinabi niya ay tinapos na namin ang pag aayos saka kumain ng agahan para hindi naman kami mukhang mga lantang gulay mamaya.

Dumiretso na kami sa Gymnasium matapos kumain. Isinama namin ni Janica si Jat at Kart sa backstage pinayagan naman kami ni TJ.

Pang huli pa kaming mag tatanghal kaya mag tatagal pa sila na kasama kaming dalawa ni Janica. Saka na lang daw sila lalabas pag kami na. Naputol ang kwentuhan namin ng marinig kong mag beep ang phone ko.

From: Xavier

Nasan kayo?

To: Xavier

The Game [Milestonian Series 1] (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon