Chapter 13

51 12 0
                                    

Elle's POV

Maaga akong nagising dahil lunes nanaman, may pasok nanaman ako... Dali-dali akong lumabas sa kwarto ko at nagtungo ako sa banyo upang maligo at mag-ayos. Pagkatapos kong mag-ayos ay umalis na ko ng bahay at nagtungo sa eskwelahan.

Bago makarating ay narinig kong nagbeep ang phone ko kaya't ihininto ko muna sa tabi ang kotse ko at saka ko tinignan ang phone ko.

From: Kart

Have you eaten breakfast na ba?

Akala ko naman sobrang halaga ng text nya. Tatanungin lang pala nya ko kung kumain na ko. Tsk.

To: kart

Not yet, papunta pa lang ako sa school bakit?

From: Kart

Punta ka sa Cozy Cabean katapat lang ng starbucks... We're here kasi, dito ka na kumain libre daw ni jat.

Umoo na ako dahil bukod sa gutom na ako ay libre naman. Minsan lang manlibre ang baklang yun kaya sasamantalahin ko na.

To: Kart

Sige papunta na ko.

Dahil sa natanggap kong text ni kart, pumunta muna ako sa Cozy Cabean bago pumasok sa school.

Hindi naman kalayuan ito sa MH kaya mabilis lang rin akong nakarating.

Maaga rin ngayon kaya wala pang masyadong sasakyan kaya nakaiwas rin sa traffic...

Pagpasok ko sa CC ay bumungad agad sa akin ai Jat at patakbo akong sinalubong.

"Goodmorning Elle!" bati nito sabay beso. Tinaasan niya pa ako ng kilay matapos tumingin sa relo. "Ang bilis mo ah"

"Sabi ko kasi libre mo" ani Kart saka pa nginisian si Jat.

"Hindi no, imbento ka Kart ah!" Kontra ko sa kaniya dahil talagang magmumukha akong gusto lang ng libre. "Malapit na kasi ako sa school nung mareceive ko yung text mo kaya imbis na pumasok, pinuntahan muna kita. Saka hoy!...May pera kaya ako!"

Bwisit na to ilalaglag pa ako.

"Okay fine, galit na galit ah! G na g ka!"

"So hindi na kita ililibre dahil may pera ka nanaman, Elle diba? Tama ba?" pagkaklaro naman ni Jat. Mabilis akong umiling sa kaniya.

Libre na nga tatanggihan ko pa?

"May pera ko pero parang mas gaganahan akong kumain kapag libre!"

"Tskkk... Kunat mo!" Ani Kart.

"Di naman sa ganun. Di na kasi ako pabata. Atsaka ganto talaga siguro kapag wala ng sumusuporta"

Alangan namang gastusin ko pa ng gastusin ang pera nila e ayoko na nga ng may maisusumbat pa sila sa akin kahit tungkulin naman talaga nila yun.

Simula kasi nung umalis ako sa bahay ay hindi narin katulad ng dati ang ipinapadala nila. Sapat lang talaga sa gastusin araw-araw at para sa mga school projects o kung ano pa man.

Naalala ko pa ang sinabi nila sa akin nun. "Kapag hindi ka bumalik, tatanggalin namin sa  pangalan mo ang mga ari-ariang dapat ay sayo." At ginawa nga nila.

Nilipat nila sa pangalan ni Kuya ang lahat ng properties kasama ang sa akin... Binawasan rin nila ang allowance ko at kinuha ang dalawang kotseng nasa akin.

The Game [Milestonian Series 1] (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon