chapter 29

32 9 0
                                    

Agad akong pumunta sa circle dahil dun ang lugar kung saan kami mag kikita ni Xavier. Naputol kasi ang kwentuhan namin kanina.

Ang lalaking yun ang hilig hilig sa chismis. Gusto nya lahat ay alam nya tskkk.

"Calix" tawag ni Xavier sa akin habang itinataas ang kanang kamay.

Lumapit ako sa kaniya at umupo sa tabi niya.

"Ano bang gusto mong malaman?" diretso kong tanong sa kaniya. Trenta minutos lang kasi ang break namin kaya dapat direct to the point.

"uhmm gusto ko lang malaman kung anong sinasabi nina jat at kart kanina tungkol sayo" sagot niya. Bakas naman sa mukha nya ang sobrang pag tataka.

"tinuruan ako ng lolo ko si Elleustero ng Karate. Bla---"

"si Elleustero Aisel ba ang lolo mo?" tanong nya sa akin dahilan para maputol ang kwento ko.

"Oo" bakas sa kaniya ang pag ka bigla dahil sa sagot ko. Kilala ang lolo kong si Elleustero na mahusay sa karate. Kaya siguro sobra ang pagka bigla niya.

"Black belter ako noon. Pero simula ng mapansin ko na iba ang pakikitungo ng mga magulang ko sa akin, ginamit ko ang husay ko sa pang lalamang o pananakit ng iba. Naisip ko na baka pag ginawa ko yun ay lumuwag ang pakiramdam ko dahil nailalabas ko ang sama ng loob ko. Nalaman ng Hanshi ang ginagawa ko kaya napag desisyunan nilang tanggalin ako at bawiin sa akin ang belt na meron ako" kwento ko. (Ang hanshi ang itinuturing na head master) "Pero kahit na tanggalan na ako ng belt hindi parin ako natinag sa pang bubully. Sa tuwing napapatawag kasi sina mommy sa principal's office natutuwa ako dahil pakiramdam ko nabibigyan nila ako ng oras kahit sandali. Third year highschool ako nung itransfer ako ni mommy dito sa milestone. Ilag ang mga estudyante sa akin dahil alam nila kung bakit ako nandito. Hanggang sa inalok ako ni Tj na sumali sa grupo nila at yun ay ang Fushion ngayon. Sina jat at kart lang ang tanging nag lakas ng loob na lumapit sa akin at kausapin ako. Kinuwento nila ang nararamdaman nila sa tuwing nabubully sila kaya simula nun tinigilan ko na ang pambubully dahil nalaman ko ng sobra palang nakakaapekto yun sa kanila." mahabang paliwanag ko pero kahit ganun ay halata parin sa mukha ni Xavier na nakikinig sya.

"Nasaan na si Elleustero ngayon?" tanong niya. Kayat hindi ko naiwasang maging emosyonal. Dahil si lolo lang ang tanging nag pakita ng pag mamahal sa akin noon.

"Namatay siya sa sasakyan." sagot ko sa kaniya.

"Car accident." aniya. Napailing naman ako sa sinabi niya.

"Sa tingin namin hindi. Hindi accidente ang nangyari sa lolo ko. Sinadya iyon at intention talaga ng taong gumawa nun na patayin ang lolo ko. Papunta sya sa London para asikasuhin ang negosyo namin. Hindi pa sya nakakarating sa airport ng biglang pasabugin ang kotsesng sinasakyan nya." mangiyak ngiyak kong sabi sa kaniya. Hanggang ngayon ay di parin namin malaman ang dahilan ng pag patay sa lolo ko at hindi kami mag sasawang alamin kung sino ang walang pusong gumawa nun.

"sobrang grabe ang pinag daanan mo Calix. I cant believe na malalampasan mo lahat yan ng walang tulong ng sino man." aniya. Pinunasan ko ang luha ko para maging makatotohanan ang sinasabi niyang kaya ko.

Napansin kong tumutunog ang cellphone ko kayat agad kong kinuha ito sa bulsa ko at sinagot ang tawag.

"Hello?" -ako

"Babe ako to si Cayleb. Nag palit ako ng number eh." -cayleb

"oh babe. Bakit ka napatawag?" -ako

"uhmmm may klase ka pa ba mamayang hapon?" -cayleb

"Wala na, last nanamin to pag katapos ng thirty minutes break" -ako

The Game [Milestonian Series 1] (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon