Chapter 43

33 7 0
                                    

Papunta na ako sa Milestone para tulungan ang mga kasamahan ko na pumili ng mga bago naming makakasama pero mag tatagal lang sila hanggang sa matapos ang Interhigh.

Tuwing magkakaroon ng Interhigh ay ginagawa namin ito dahil hindi ganoon kadami ang miyembro ng fusion.

Palabas na ako ng marinig kong nag ring ang phone ko. Kinuha ko ito sa bulsa ng pants ko at sinagot ang tawag.

"Elle" masayang bati ni Kuya Elix.

"Oh kuya bakit ka tumawag?"

"Busy ka ba? Yayayain sana kita ngayon dito sa Bahay tas kung pwede bukas ka na lang umuwi."

"Papunta sana ako sa Milestone." sagot ko pero naisip ko na wala naman din akong gagawin duon dahil may in-assign na ako sa fusion. "Nasa Tagaytay ka ba?"

"Oo"

"Sige pupunta ako" sagot ko saka ibinaba ang tawag. Tinawagan ko si Caline. Isa siya sa inassign ko.

"Caline" bati ko.

"Hello po ate Elle. Bakit po kayo napa tawag?"

"Sabihin mo kina Yastin na hindi na muna ako makakapunta dyan. Bukas ng Tanghali na lang ako pupunta okay?"

"Sige po sasabihin ko na lang" Hindi ko na siya sinagot at ibinaba na ang tawag.

Dumeretso na ako sa Kotse ko at nag maneho papunta sa Tagaytay. Ikino-nect ko sa speaker nitong sasakyan ang phone ko saka nagpatugtog ng mga kanta ng One Direction.

Habang nag mamaneho ay sinasabayan ko ang kanta. Hindi ko namalayan ay nakarating na pala ako sa Family House namin.

Pagka baba ko ng sasakyan ay nakita ko na agad si Kuya Elix na naka abang sa may gate.

"Excited kang makita ako" Pag mamayabang ko.

"Luh? Naamoy kasi kita. Sabi ko ay may mabantot si Elle na yun." Pang aasar niya.

"Wow ha!" sabi ko saka kami nag lakad papasok sa loob.

" Nasan Mommy at Daddy mo?" sarkastikong sabi ko.

"Maka MO ka naman akala mo di mo din magulang." sagot niya saka bahagyang ginulo ang buhok ko kaya hinampas ko ang braso niya dahil sa ginawa niya. "May business trip sila sa Singapore mga isang buwan rin."

Tinanguan ko lang siya saka pumasok sa loob. Nagulat ako ng makita ang isang babae na naka upo sa salas. Maganda siya at maamo ang mukha.

"Hi" bati nito sa akin.

"Oh hi?" nag aalinlangang bati ko pabalik.

"Girlfriend?" Tanong ko habang itinuturo si kuya na nasa tabi ko.

"No. Hindi pa." sagot nito. " By the way my name is Areseyrrih"

Lumapit ito sa akin para makipag kamay. Masyadong pormal ang pakikipag kamay para sa akin.

"My name is Elle" lumapit ako kay Kuya. "Ikaw ha hindi ka na nag sasabi"

"Busy ka eh"

"Nasa school lang naman ako. Saka pwede ka kayang tumawag" pabulong na sabi ko.

Nagulat ako ng makita si Xavier na nag lalakad galing sa may kusina.

"Xavier?!"

"Gulat na gulat ka ah" pabirong sabi niya.

"You know each other?" tanong ni Kuya Elix.

The Game [Milestonian Series 1] (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon