Chapter 32

36 9 0
                                    

Elle's POV

Nang magising ako ay agad kong kinapa ang noo at leeg ko para malaman ang temperatura ko. Hindi na ito gaanong mainit kumpara sa kahapon kayat napag desisyunan kong pumasok na dahil baka mahirapan akong mag habol sa mga lessons na namissed ko.

Hindi na ako gaanong nag tagal sa paliligo dahil baka magkasakit ulit ako.

Nang makalabas na ako sa banyo ay narinig kong nag riring ang phone ko kayat mabilis ko itong kinuha at sinagot ang tawag.

"Hello? Bakit ka napatawag?"

"kakamustahin ko lang sana ang pakiramdam mo."

"Maayos na ako Xavier. Kaya ko ng pumasok."

"Are you sure? Baka mabinat ka nyan." bakas sa tono ng pag sasalita nya ang pag aalala.

"Oo okay na ako. Iniisip ko din kasi yung mga namissed baka mahirapan akong mag catch up pag hindi pa ako pumasok."

"Wag mong pilitin ang katawan mo Calix kung hindi ka pa talaga magaling. Im sure bibigyan ka ulit nina Jat ng copy para nakakapag aral ka sa bahay" pag papaliwanag pa nya. Para siyang tatay kung mag aalala.

"Ayos na ako Xavier. Promise"

"Okay sige ayusin ko muna ang mga gamit ko. Bye" pag papaalam niya saka ibinaba ang tawag.

Bumaba na ako para kumain at ayusin ang mga gamit na dadalhin ko. Kinuha ko na din ang folder na ibinigay nina Kart sa akin para maisubmit na ito sa prof namin dahil nasagutan ko na din naman.

Nang matapos ko ng asikasuhin ang nga gamit ko ay pumanhik ulit ako sa kwarto para kunin ang susi ng kotse ko.

"Shocks! Nasan na yun?" natataranta kong sabi sa sarili habang patuloy na hinahanap ang susi.

"Andyan ka lang pala!" sabi ko sa susi ng makita ko itong nakapatong sa tabi ng lampshade ko.

Bumaba na ako para umalis na pero nakita kong wala sa garahe ang kotse ko.

"Ay pateng! Naiwan ko pala sa parking lot ng milestone! Letchugas kasi si Cayleb may pa aya aya pa."

Kinuha ko sa bulsa ko ang phone ko at tinext si Xavier.

To: Xavier

Uhm nakaalis ka na ba?

Shocks sana hindi pa nakakaalis to! Seven to twelve pa naman kami. Malelate ako.

From: Xavier

Oo naka alis na ako.

Nak ng! Wala na akong magagawa kailangan kong lakarin ang palabas ng subdivision para makahanap ng masasakyang jeep dahil wala namang pumapasok na public vehicle dito sa subdivision.

Papalabas na sana ako nang marinig kong mag beep ang phone na nasa bulsa ko.

From: Xavier

Nandito ako sa tapat ng bahay mo.

Dali dali akong lumabas kayat nakita ko si Xavier na nag aabang sa tapat ng bahay ko.

Binuksan nya ang pinto sa shotgun seat at doon ako pinaupo.

"Paano mo nalaman na nandito pa ako?" nag tatakang tanong ko.

"Sabi mo kahapon kaya ka nabasa ng ulan dahil wala ang kotse mo at nilakad mo ang subdivision papunta sa bahay mo. Kaya naisip ko na sunduin ka" seryosong sagot niya habang nakatingin sa daan.

Napangiti ako ng maisip ang lahat ng ginagawa ng lalaking ito. Una, nandiyan sa sa tuwing kailangan ko ng maiiyakan at karamay. Pangalawa, nandyan siya para tulungan ako sa mga bagay na hindi ko magawa gawa. Pangatlo, sa oras na hindi ko inaasahan ang prisensya nya ay nandyan parin sya para alalayan ako.
At ang mga bagay na nagagawa nya ay hindi nagawa ni Cayleb sa akin ni minsan.

"Nandito na tayo" agad akong lumabas ng maipark na nya ang kotse nya sa tabi ng kotse ko.

"Ah Xavier salamat ah. Una na ako seven to twelve kasi kami eh. Bye!" atat na atat kong paalam at hindi ko na sya hinintay na sumagot pa dahil mabilis akong tumakbo papunta sa first class ko.

Nang makapasok na ako sa silid ay nakita ko sina Jat at Kart na nakaupo sa may bandang dulo kayat doon din ako umupo.

"Oh bakit pumasok kana?" nag aalalang tanong ni Kart.

"Ghorl keri bels na ba?" ani jat.

"Oo kaya ko na wag na kayong masyadong mag alala dyan. Sinat lang naman yun malayo sa bituka"

"Sensya na ah hindi kami naka bisita sayo kahapon. Pinaiwan kasi kami ni prof jerico kahapon. Namiss ata ako" nag bibirong ani Jat.

"Okay lang."

"Okay lang kasi nakarating naman si Xavier baks?" tanong ni Jat. Ang issue ng baklang to.

"Ang issue mo ah. Palinis natin utak mo ang dumi na"

"Nakuha mo ba yung Hardcopy na pinaabot ko kay Xavier? Sabi ni prof isubmit mo daw yun pag naka pasok ka na." Pag papaalala ni kart sa akin kaya binuksan ko ang bag ko at hinanap ang Folder.

"Shocks! Naiwan ko!" natataranta kong sabi.

"Anak ng teteng ka Elle yari ka kay prof. Jaime" pananakot ni Kart sa akin.

"Kay prof. Jaime ba yun?"

"Yaz ghorl! Yaz! Terror pa mandin yun yari ka!" panggagatong pa ni Jat.

"Ang galing nyong manakot no? Effective!" sabi ko saka sila pinandilatan ng mata. "sure naman ako na nakuha ko yun bago umalis ng bahay eh."

"Anong oras na ba?" tanong ko dahil umaasa akong pwede ko pang makuha yun at maipasa ngayon.

"ghorl six fifty three na. Ano keri mo pa bang umuwi?" ani Jat. Sa tingin nya ba kaya ko pang baybayin ang daan pa uwi sa subdivision sa loob ng pitong minuto? Edi lalo akong na pompyang ni Prof jaime pag late ako.

"Hindi na eh baka pwe--"

"Elle excuse ka daw sabi ni!" sigaw nung isa naming blockmate na nasa tabi ng pinto. "Ni Xavier!"

Nanlaki ang mata ko ng marinig ang pangalan ni Xavier at mag tilian ang mga ka block ko. Syempre kasama na dun sina Jat pwede bang hinde?

Tumayo ako at nabuhayan ng loob ng makita kong itinaas ni Xavier ang Folder na naiwan ko. Patakbo ko syang nilapitan kaya lalong lumakas ang tilian sa loob.

"Naiwan mo sa kotse. Nag mamadali ka kasi eh" aniya saka inabot ang folder sa akin.

"Salamat ah!" pag papasalamat ko saka sya umalis kayat bumalik na ako sa pwesto ko kanina.

"Naks naman! Iba pag Xavier!" panunukso ni Kart habang tumatawa.

"Iba talaga! Pag si Xavier lagi kang ise-Xave. Nak ng pateng HAHAHA!" panggagatong ni Jat. Ang tino nilang kaibigan tsk.

"HEHE happy?" tanong ko habang naka taas ang kilay pero hindi sila natinag dahil lalo nilang nilakasan ang tawa.

"Naman! Xavier the Xavior!" tuwang tuwang buska ni kart.

"Ang witty sarap tuktokan" sabi ko saka sila tinalikuran dahil mas lalo pang lalakas ang pang aasar nila sa akin kung hindi ko aalisin ang atensyon sa kanila.

Ang kaibigan kong malalakas ang TOYO!

The Game [Milestonian Series 1] (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon