Chapter 54

35 5 0
                                    

Napatayo kami ng makita si Kart sa harapan namin. Bakas ang lungkot at pagka dismaya sa mukha ganon din ang pagod.

"Are you okay?" tanong ni Janica saka ipinatong ang kaliwang kamay sa braso ni Kart.

"Yah. Di naman big deal" tinanggal rin agad ni Janica ang kamay matapos marinig ang sagot ni Kart. Namayani ang katahimikan sa aming apat dahil walang mag lakas loob na mag simula ng usapan. "Anong oras ang laro nina Jat?"

"Sabi ni Tj kasunod nito." sa pag kakataong ito ay ako na ang sumagot.

"Sige. Nasan ang upuan niyo?" tanong nito. Inilahad ko naman ang kamay ko sa direksyon ng upuan namin. Naunang umupo roon si Kart at nag tataka pa kaming tinignan. "Hindi ba kayo mauupo?"

Hindi na kami sumagot pa at umupo na lang gaya ng sinabi ni Kart. Para kaming mga tauhan niya dahil hindi man lamang kami umaapila sa kahit anong sabihin o iutos niya dahil siguro sa ayaw namin siyang patulan ngayon dahil alam namin ang pinag daraanan niya.

"Aren't you going to rest?" binigyan niya lang ako ng blangkong tingin.

"No, I'll support Jat." aniya saka itinuon ang atensyon sa unahan.

"But you need to rest. Maiintindihan naman ni Jat yun dahil alam niyang napagod ka"

"I'll stay here Elle."Napa singhal na lang ako saka ibinalik ang atensyon sa laro at hinayaan na siyang manatiling kasama namin.

Mag kalaban ngayon ang Milestone at Miracle High. Saglit na nalamangan ng Milestone ang Miracle High pero hindi iyon sapat para manalo sila sa laro. Natapos ang laro ng mabilis at nag wagi ang Miracle.

Rinig na rinig ko ang pag buntong hininga ni Kart kaya napa tingin ako sa kaniya. Wala paring emosyon na mabasa sa kaniyang mukha at nananatili parin siyang nakatutok sa pinapanood.

Sa pangalawang laro ay nanalo ang Milestone pero nabawi ulit ng Miracle ang pag kapanalo sa pangatlong laro.

Nanalo ang Miracle.

Nang makarating na sa amin si Jat ay nauna ng umalis si Kart. Sinigawan pa namin siya na dumiretso sa Cafeteria para kumain.

"Atleast nanalo kayo diba. Yun naman ang mahalaga saka kitang kita na malakas ang Miracle." pag papagaan ko sa loob ni Jat.

"Uhm. Tama si Calix magaling kayo. May next time pa naman" pag sang-ayon sa akin ni Xavier. Napa tango naman si Jat sa kaniya.

"Alam mo Jat kung bakit kayo natalo?" tanong ni Janica. Tinaasan lang siya ng kilay ni Jat na para bang tinatanong kung ano ang sagot. "Kasi may monster silang kasama. You" napakagat agad ako sa ibabang labi ng mairehistro ang panunukso ni Janica upang hindi ako matawa dahil ayoko ding gatungan pa si Janica.

"Aish!!! Impaktita ka talaga!" hiyaw ni Jat dahil medyo nakalayo na si Janica sa amin dahil akala nito ay hahablutin siya ni Jat.

"Ano palang nangyari kay Kart? Bwiset ba?" biglang nag iba ang tono ng pananalita ni Jat ng tanungin kami ni Xavier. May halong pag aalala sa tono ng boses niya.

"I don't know. Bigla na lang nag change yung mood niya." sagot ko.

"Maybe because of the game? Nag iba yung mood niya nung natalo sila. Baka dahil dun" ani naman ni Xavier. Napatango na lang ako sa kaniya.

"Baka may dalaw."

"Ayyy baliw ka talaga!" sabi ko saka siya hinampas sa braso.

The Game [Milestonian Series 1] (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon