Chapter 4

86 13 0
                                    

"Introduce yourself," utos ni Tj saka tumabi sa akin.

Pormal siyang nagtungo sa harapan habang nakapamulsa.

Wala sa itsura niya ang pagiging isang mananayaw... Kung titignan ko siya ay mas mukha siyang supladong lalake na hindi gugustuhing makasama sa mga ganitong klaseng grupo.

"I'm Qeinn Xavier Kingston, a transfer from Sapphire High, and I came to Milestone High to learn new things and improve," kalmadong pakilala niya.

Saglit niya pa akong sinulyapan kaya agad kong iniiwas sa kaniya ang tingin ko.

Iba ang pakiramdam ko sa lalaking 'to. Parang may kakaiba sa kaniya.

I don't mean to be judgmental, but I sensed something odd about this man.

I'm not sure if I should seek more or just keep it hidden.

"Sige Xavier umupo kana," utos ni Tj. Simpleng tango lang ang ibinigay ni Xavier saka umupo  sa bakanteng upuan sa may bandang harapan ko.

Tahimik lang siya, seryoso ang mukha parang dating sikat sa eskwelahan nila dati.

Yes, I just assumed... I really don't know anything about his school.  

He has a gorgeous face, a pointed nose, red lips, thick curled eyelashes, blue eyes, he's brunette, and I would say that he's really muscular.

In the eyes of those who don't have a boyfriend.

"Ah Elle?" Agad akong nag-angat ng tingin nang marinig ko si TJ.

"Yes?"

"In a week, we'll have an acquaintances' party." Hindi na naman ito bago kaya tumago-tango na lang ako.  "Ikaw na ang bahala... Alam kong kayang-kaya mo naman ang Fusion."

"Yes... Maaasahan mo," tipid kong sagot.

"Aalis na muna ako mag-usap na muna kayo."

Pagkalabas n'ya ay pumunta na ako sa unahan para kausapin ang mga kagrupo ko.

Huminga muna ako ng malalim bago inisip ang sasabihin. Hindi na ito bago at alam kong medyo kabisado na nila ang linyahan ko.

Pwera na lang sa mga bago.

"Fusion, we will have a serious rehearsal this whole week... You need to postpone all of your errands for a week." Saglit kong iginala ang mata ko para matignan ko sila at malaman ko kung sino ang mga mukhang hindi interesado. "Kung hindi n'yo kayang isakripisyo ang isang linggo n'yo ay pwede na kayong umalis.... But once you leave you can't come back... Is that clear?"

Kailangan kasi talaga nilang maging seryoso sa lahat ng bagay... Lalo na sa bagay na 'to.

Kung heto ang gusto nila then they need to prove it.

Kung ngayong simpleng okasyon pa lang ay wala na silang pokus, papaano pa sa mas malaking obligasyon.

"Yes Elle," sagot nila.

"After class dito sa studio walang malelate, Fusion... Sige na pwede na kayong umalis." Binigyan ko sila ng kalmadong ngiti para man lang maramdaman nila na I can be their friend pa rin.

Pagkatapos magsalita ay kinuha ko na ang gamit ko... Pero bago pa ako makaalis ay may narinig akong nagsalita sa likuran ko.

"Terror," sabi nito kaya't agad ko siyang nilingon.

The Game [Milestonian Series 1] (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon