Chapter 8

62 13 0
                                    

Maaga akong gumising dahil napag-usapan namin ng fusion na magkikita-kita kami bago magsimula ang acquaintance party para magrehearse.

Bago bumaba at mag-ayos ay kinuha ko muna ang phone ko at chineck kung may mga tumawag ba, nagreply, o nagtext... pero wala.

Miski si Cayleb ay 'di ako tinext o tinawagan man lang. Ang huling usap namin ni Cayleb ay noong gabi na nagalit s'ya sa'kin dahil tumawag ako ng may laro s'ya.

Simula no'n 'di na ulit ako nagparamdam o nangulit. Dahil sa mga nangyayari ay nakakasanayan ko na tuloy na wala si Cayleb, parang ngayon ay masasabi ko nang kaya ko na.

Kaya ko nang hindi maging malungkot, kaya ko nang maging masaya nang wala s'ya.

Even though I'm used to living without him, ayoko pa rin s'yang tuluyang maglaho o lumayo, and I don't want to lose the right to call him mine.

Habang hawak-hawak ko ang phone ko ay narinig kong nagbeep iyon kaya tinignan ko.

From: Ate Yuki/ Couz

Hey couz! Good morning! Smile lang 'lagi ah. Enjoy the party later. Good luck with your dance. I love you.

Gumagaan talaga ang pakiramdam ko sa tuwing nakakausap o nararamdaman ko na naaalala ako ni ate Yuki.

Pero bukod kay ate Yuki, may text pa akong gustong matanggap o gustong mabasa. Ilang araw nang hindi nagtetext si unknown number sa'kin. 

Siguro pansamantala lang talaga s'ya.

Elle, you still haven't really learned at all.   Get used to it, everything changes.  There is nothing permanent, everything is only transient.

Imbis na isipin nang isipin si unknown number ay agad na lang akong bumangon sa kama at bumaba para mag-ayos at kumain.

Matapos mag-ayos at kumain ay kinuha ko na ang susi at bag ko saka umalis papuntang studio.

Gaya nang dati ay mabilis akong nakarating sa Milestone. Bago makapasok ay kinuha muna ng guard ang Id ko saka ini-scan.

"Kuya naman, ang tagal-tagal ko nang estudyante rito sa Milestone High, from high school through college nandito ako at sa tuwing magaganap ang acquaintance ay pumapasok ako ng sabado. Hanggang ngayon ba naman ay pinapa-scan mo pa rin ang id ko?" sabi ko kay kuya guard.

Matagal na 'ko rito sa Milestone. May highschool din kasi rito. Kaya mula highschool hanggang college rito ako nag-aral. 

'Diba loyal Milestonian.

"Kailangan Elle eh," sabi nito.

"'Di ba ako katiwa-tiwala?" pabirong sabi ko at ngiti lang ang sinagot n'ya.

Matapos i-scan ang id ko ay pumasok na ako. 'Di pa ako nakakalayo sa gate ay sinalubong na ako ni Xavier.

"Good morning Calix," bati nito sa'kin.

"Good morning, Xavier," bati ko rin sa kan'ya.

"Ako na ang bahala rito," sabi n'ya saka kinuha ang bag ko na may lamang mga pamalit kong damit kung sakali mang pawisan ako.

Hindi ko iniabot iyon sa kan'ya pero hawak n'ya na iyon.

"Are you sure? This is heavy," paninigurado ko. Baka sabihin niya ay inaalila ko siya.

"Yeah, kaya ko to nagwowork-out ata to" sabi nya saka itinaas ang black shirt nya at ipinakita nya ang six packs abs.

"S-six packs? Shocksss takpan mo ang mata mo Elle, faithful ka okay?" bulong ko sa sarili saka iniiwas ang mga mata

"May sinasabi ka?" sabi nya na natatawa pa.

"Wala ah, sige dalhin mo na yan kaya mo naman eh" sabi ko saka siya tinalikuran. "May six packs ka naman eh" bulong ko ulit.

"Calix?" tanong nito na parang may gustong klaruhin

"Wala" sabi ko saka nagtuloy-tuloy na sa paglalakad.

Magkasabay kaming naglakad ni Xavier papunta sa studio kaya magkasabay din kaming nakarating dito.

"Ayie!" panunukso ng mga myembro ng fusion samin ni Xavier ng makapasok na kami.

"Anong ina-ayie-ayie niyo?"tanong ko sa kanila.

"In denial Ate ah" panunukso pa ni Enrine sakin.

Nakuha ko na ang ibigsabihin ng ayie nila.

Magkasabay kami ni Xavier nakarating sa studio at nakita pa nilang bitbit ni Xavier ang bag ko kaya akala nila ay mayroong namamagitan samin.

Baka kailangan ko na silang isabay sa check-up ni Jat.

"Hoy kayo ah ang issue nyo... Hindi pwedeng tinutulungan lang?" sabi ko at narinig ko namang natawa si Xavier sa gilid.

"Weh?!" sabay-sabay na sabi ng fusion.

"Shh! Mag simula na tayo." seryosong sabi ko para matigil na sila.

bago magsimula ang practice ay inilagay muna ni Xavier ang mga gamit ko sa locker ko.

"Salamat ah" pagpapasalamat ko.

"Wala yun." sabi nito saka muling itinaas ang black shirt nya para ipakita ang abs nya.

"Aish yabang" sabi ko sa kaniya at natawa lang sya. Napansin ko naman na nakatingin samin ang fusion kaya iniiwas ko na ang tingin kay Xavier at nilingon sila.

"Andumi ng mga utak nyo no? Mag practice na nga!"sabi ko sa kanila at nagmake face lang sila sakin saka sinimulan ang ensayo.

Ilang oras lang ay natapos na ang rehearsal namin kaya maaga kaming nakauwi.

Nasa bahay na ko ng marinig kong mag-ring ang phone ko, nakita ko na si Cayleb ang tumatawag kaya't agad ko itong sinagot.

"Babe?" nagdadalawang-isip kong bati sa kaniya baka kasi galit pa sya sakin.

[babe, i miss you na] sabi nya

"I miss you na din. Di ka na ba galit sakin?" tanong ko sa kaniya.

[Hindi naman ako nagalit sayo nun... Mainit lang talaga ulo ko natalo kasi kami nun pero di ako nagalit sayo promise.]

"Ang Tagal mo kong di kinausap o tinext man lang" nagtatampo kong sabi.

[Wag ka ng magtampo. Bawi na lang ako mamaya sa acquaintance, may surprise ako sayo.]

"Ano naman yun?"

[Secret syempre di na yun surprise kapag nalaman mo na... Pero goodluck mo ako tutugtog kasi kami ulit mamaya]

Oo tumutugtog sina Cayleb may banda sila.

Siya ang vocalist, maganda ang boses ni Cayleb. Lagi nya akong kinakantahan sa tuwing nag-aaway kami pero ngayon ewan ko ba nabawasan ang paglalambing nya sakin.

"Oo naman gusto mo pagawan pa kita ng banner eh." sabi ko narinig ko naman syang tumawa.

[Hindi na kailangan babe basta nakikita kong sinusuportahan mo ko ayos na ko dun... Goodluck nga din pala sa sayaw nyo]

"Thank you babe. I love you" 

[I love you too babe. See you]

Namiss ko si Cayleb ng sobra. Namiss ko ang I love you niya, Namiss kong tawagin nyang babe.

Namiss ko ang lahat sa kaniya.

The Game [Milestonian Series 1] (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon