Chapter 45

32 7 0
                                    

Matapos namin mag almusal ng Bulalo ay umuwi na din kami kaagad dahil nasabi ko kina Kuya na babalik din agad ako sa Milestone.

"Ikaw ba hindi ka pa uuwi?" Tanong ko kay Xavier. Alam ko kasing wala silang dalang sasakyan ni Areseyrrih dahil sinundo lang sila ni Kuya.

"Mag babyahe na lang ako. Maya maya pa naman dadating si Sir Jix." sagot niya. Tinignan ko sya ng may pag dududa. Nahihiya to.

"Hindi na sumabay ka na sakin." alok ko saka tumingin sa pwesto nina Kiya at Areseyrrih." Mukhang mamaya pa din naman mag yayakag ang ate mo. Mukha masaya na kasama ang Kuya ko."

Saglit siyang napangisi sa akin saka tinignan rin ang pwesto nina Kuya. Nakita kong bahagya siyang napa iling ng makitang umangkla ang Ate niya sa braso ni Kuya.

"Ano sasabay ka na?" nag aalinlangan niya akong tinignan. Sigurado akong nahihiya nga to. "Ikaw na mag drive para hindi ka naiilang."

Tinanguan niya ako saka kinuha ang mga gamit na naiwan niya sa guest room.

"Kuya aalis na muna kami ni Xavier" paalam ko nang maka balik na si Xavier.

"Sige mag iingat kayo ah" anito. Nakita ko naman ang pag kamangha ni Areseyrrih dahil sa di ko malamang dahilan.

"So kasali ka rin sa Interhigh?" tanong ni Areseyrrih. Nagulat siya dahil dun? Tinanguan ko lang siya.

"Cheerleading" lalo pa siyang namangha.

"Wow. Xave ingatan mo to ah! Bihira na lang ang mga babaeng maganda na talentado pa." sabi nito sa kapatid. Tinanguan lang siya ni Xavier.

Matapos ang paalaman ay umalis na kami ni Xavier at gaya ng napag usapan ay sya nga ang nag maneho.

Kinuha ko ang phone ko sa bag saka kinontact si Yastin. Ilang ring palang ay sumagot na ito.

"Hello Elle?"

"Yastin kamusta na yung inaasikaso niyo?" Pangungumusta ko. Narinig ko naman ang buntong hininga niya. Halatang nahirapan sila.

"Ghorl Pagod na pagod kami pero don't worry ayos na lahat"

"Okay papunta na ako dyan mag pahinga na kayo"

Binaba ko na ang tawag saka isinilid ang phone ko sa bag.

"Busy?" Tanong ni Xavier sa akin pero nakatutok pa rin sa pag mamaneho.

"Not really. Naassign ko nanaman sina Yastin sa iba Choreo na lang ang akin"

"Sayang hindi ako kasali"malungkot na sabi niya saka siya nag pout. Tinakpan ko naman ang bibig ko ng mapansin na ngumingiti na pala ako.

"Masaya din naman siguro sa swimming competition."

"Mas napepressure ako dahil alam kong hindi ako dun magaling." anito. Napawi naman ang ngiti sa mga labi ko ng marinig na nawawalan siya ng kompyansa sa sarili.

"Manalo ka man o matalo proud pa din ako sayo. I know you'll do your best to win that competition." Saglit siyang lumingon sa pwesto ko saka ngumiti sa akin at sinabi ang thank you ng walang boses.

Mabilis kaming nakarating sa Milestone dahil walang gaanong traffic dahil maaga kaming umalis.

Bago pa ako makarating sa Circle kung saan naroroon ang mga kasama ko ay naharang na agad kami ni Jat at Kart sa gate.

"Oh lovebirds" Pang aasar ni Kart.

"Teh ang saya ko may chika ako!" tuwang tuwa na sabi ni Jat. Nilapitan naman ako ni Xavier.

"I have to go. Nag text na si Sir Jix." Tinanguan ko naman siya saka siya umalis.

"Ano yun mama!?" ani Jat.

"Nanliligaw na?" tanong naman ni Kart. Tinanguan ko sila kaya magkasabay silang nag tinginan at pareho ring nanlaki ang mga mata sa pagka bigla.

"Kailan pa?!" tanong ni Jat. Napansin kong ilan sa mga estudyanteng nandito ay nag tinginan sa amin kaya sinensyasan ko si Jat na hinaan ang boses niya. "Ok kailan pa?"

"Medyo matagal na?" sagot ko.

"Harot? May lovelife na pala di manlang nag sasabi" sabi ni Jat. Hinarap naman siya ni Kart. Mag tatalo nanaman to panigurado.

"Mabuti nga at naka move on na sya" ani Kart. Inirapan naman siya ni Jat at hindi na sinagot pa.

"So what's your chika?" oo na conyo na!  Sinasabayan ko lang naman sila.

"Ayun na nga tanggap kami ni Kart sa volleyball!" ayun na naman ang tono ng boses nya na parang nag wewelga.

"Hey, nandito lang kami oh. Stop shouting." saway ni Kart kaya inirapan nanaman siya ni Jat.

"Ano nga?"

"Ayun nga tanggap kami pero hindi kami magkasama"

"Malamang ghorl lalaki ka" Sabi ko

"Mas pakak pa nga ang make up ko sayo. Ansakit ng lalaki mo ah" nag pout sya saka humawak sa dibdib na parang nasasaktan.

"Ayaw mo pa nun? Lalaki ang ka team mo" si Kart naman ngayon ang nambara.

"Masaya naman pero kasi iniisip ko pag nasa Batangas na tayo aakalain ng mga boys na makakakita sa akin Straight ako. Duh isa sa rason ko kaya sa pag sali ko dito ay dahil sa boys."

"Edi mag kilay on fleek ka tas rainbow eyeshadow. Gusto mo mag Rapunzel wig ka pa ewan ko na lang ha" sabi ko. Ang hilig sa jowa.

"HA-HA nakatulong ka Elle shemay ka"

"Welcome sa uulitin" binigyan ko siya ng mapang asar na ngiti kaya inirapan niya ako.

Nag paalam na ako sa kanila dahil alam kong hindi matatapos ang kwento ni Jat at hindi na ako makakarating sa Circle.

Nadatnan ko sina Yastin, at iba pang fushion kasama na rin ang bagong myembro namin.

Napansin kong ilan sa mga bagong myembro ay hindi ko matatawag na bago dahil ilan sa kanila ay nakakasama na namin sa tuwing may Interhigh.

Ibinaba ko na ang gym bag ko saka nag tungo sa harapan. Inilibot ko ang tingin ko sa lahat. Nakita ko ang iba na mukhang maattitude pero hindi ko na sila pinansin pa.

"Para sa iba na hindi pa ako kilala. I'm Elleoveyah Calixta Adler . Elle for short ,choreographer ako ng Fushion. Mabait ako oo pero hindi sa oras ng pag eensayo. Kung nandito ka para mantrip, walang pinto itong Circle pwede kang umalis. Kung nandito ka para sa wala pwede ka ulit umalis. Dalawa lang ang ibibigay kong pamimilian sa inyo.  You leave or you stay. Kung mananatili ka sigurahin mong hindi ka mantitrip o mang gugulo."

"Sis ang tapang pala niyan?" narinig kong pabulong na tanong nung isang baguhan.

"Hindi ganyan lang yan para maayos." sagot nung isa. Hindi ko na sila pinansin pa sa halip ay nag turo na ako.

Matapos kong ituro sa kanila ang lahat ng steps ay pumunta ulit ako sa harapan para panoorin sila.

"One. Two. And Three. Hagis!"

"One. Two. And Three. lipat!"

"One. Two. And Three. Tumbling!"

"One. Two. And Three. Hagis!"

Habang nag tuturo ay hindi ko maiwasang kabahan dahil naasakin ang mabigat na gampanin. Alam kong kapag hindi kami nanalo ay kagagawan ko rin.

Mas lalo akong kinabahan dahil alam kong malaki ang tiwala ng marami sa amin dahil sa sunod sunod naming pag kapanalo. Pero hindi pa rin mawala sa isip ko ang posibilidad na baka hindi na kami manalo sa pagkakataong ito.

The Game [Milestonian Series 1] (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon