Chapter 15

49 12 0
                                    

Maaga akong nagising para mag impake ng mga damit at gamit na dadalhin ko.

Nasa kalagitnaan ako ng pag-iimpake ko ng marinig kong nag beep ang phone ko kaya't kinuha ko ito at binuksan.

Si Unknown number pala. Napaka mysterious niya talaga. 

Nagtataka na ako sa kaniya. Ano ba kasing pakay niya?

From: 09*********

Good morning Calix.

Di ko akalaing magtetext pa sya ulit sa akin. Antagal kaya nyang hindi nagparamdam. Hindi sa inaabangan ko talaga ang text nya.

Wala napansin ko lang talaga.

To:09*********

Good morning... Tagal mong di nagparamdam ah. 

Pagkatapos isend iyon ay nagtungo na ako sa kusina para mag-ayos.

Ilang minuto ang lumipas bago muling magbeep ang phone ko.

From:09*********

Yes, I've been busy lately... Why? Did you missed me?

Shockss naka lunok ba sya ng Electric fan ang hangin eh.

Pero di ko naman sya masisisi tunog ganun kasi ang reply ko. Pero ang hambog niya ah.

To:09*********

Tsk di no yabang.

As if I really missed him... Muntik ko na nga siyang nakalimutan eh.

And Elle... Just to remind you, you have a boyfriend... Yes you have. 

From:09*********

Okay, who would admit that they missed someone? No one.

At ini-insist niya talagang namiss ko siya? Talaga lang ah.

Kung kilala ko lang talaga kung sino sya.

Hindi ko rin naman maiwasang replyan siya dahil curious rin ako kung sino talaga siya.

And what was really his motive.

To:09*********

Alam mo ewan ko sayo... Sige na may ginagawa pa ko.

From: 09*********

Sige Calix. Bye! :)

Di ko na sinagot ang huli nyang text sa halip ay itinuon ko na ang atensyon ko sa ini-empake ko.

Nang matapos na ako sa pag-aayos ng mga gamit ay dali-dali na akong bumaba para maghanda ng kakainin at mag-ayos para maka-alis na.

Matapos kong mag-ayos ay kinuha ko na ang mga gamit ko at umalis papunta sa Pampanga kung saan nakatira si Ate Miyuki. 

Nakakapagod magmaneho. Oo nanakapagod dahil limang oras nadin akong nagmamaneho.

Matapos ang ilang oras na pagmamaneho ay sa wakas at nakarating narin ako sa bahay nina Ate Miyuki. 

Nang makita na ako ni Ate ay patakbo niya akong sinalubong ng mahigpit na yakap.

"Couz na miss kita sobra" sabi niya habang yakap-yakap pa din ako.

"Namiss din kita couz sobra pa sa sobra" sagot ko saka sya kumalas sa pagkakayakap sa akin.

Sinalubong naman ako ng malawak na ngiti at isang mahigpit na yakap ni Tita.

The Game [Milestonian Series 1] (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon