Chapter 68

44 5 2
                                    

Nakita kong nagkatapat na ang pangalan ni Kart at pangalan ni Calix kaya sigurado akong nandito na kami.

"Ihinto mo na" sabi ko kay Cayleb kaya agad niyang inihinto ang Kotse ko saka ako lumabas roon.

Nakitang kong hawak hawak ng isang lalaki ang phone ni Calix kaya naisipan kong tawagan iyon at agad rin naman itong sumagot.

"May mapapala ba kami sa pag tawag mo?" mayabang na tanong niya.

"Wala pero kami meron" sabi ko saka nag pakita sa kanya. Agad niyang ibinulsa ang phone ni Calix saka tumayo.

Nasa likod ko si Cayleb kaya agad kong hinubad ang relo ko at inihagis ang dalawang phone at relo ko sa kaniya.

"Hey bro! Muntik na yun" anito. Hindi ko na siya pinansin at agad na sumugod sa lalaking sumagot ng tawag ko.

Patakbo nya akong sinalubong ng suntok. Agad kong na nasalo ang kamao niya saka hinawakan ito at ipinilipit. Sinipa ko siya sa dalawang tuhod kaya bumagsak siya sa harapan ko.

Itinunan ko ng tuhod ang sikmura niya kaya lalo siyang nang hina at hinawakan ko pa ang leeg niya para hindi siya makatayo.

"Nasaan si Calix!" Nang gigigil na tanong ko sa kaniya. Kahit nang hihina ay nagawa niya pang ngumisi ng nakakaloko kaya lalo akong naasar at lalong hinigpitan ang pag sakal sa kaniya.

"Bakit ako aamin? Wala akong mapapala kung aamin ako!" pautal utal na sagot niya. Lumapit sa amin si Cayleb matapos patumbahin ang ibang nandito.

"Pero mamamatay ka kung hindi mo sasabihin" ani Cayleb.

"Xave nasan si Elle?" Napalingon ako pero nandoon parin sa akin posisyon kanina nakita ko si Elix na nakatayo sa likod ko kasama ang isang lalaki at babae na inaakala kong mga magulang nila.

Tumingin ang mga magulang niya kay Cayleb alam kong nag tataka rin ang mga ito.

"What are you doing here Cayleb?" tanong ng tatay nila.

"Mamaya ko nalang po ipapaliwanag Tita, Tito" ani Cayleb saka siya tumingin sa akin.

"Oh my god iho namumutla na siya!" Sabi ng nanay ni Calix habang nakatingin sa lalaking sakal sakal ko.

"Aamin ka o tutuluyan kita?" Nang gigigil na tanong ko pero hindi parin siya nag salita. Lumingon sya sa kanan niya kaya sinundan ko iyon.

"Nandito na pala kayo" Nagulat ako ng bumungad sa akin si Maidall. Kasama siya rito?

"Nasan si Calix?" tanong ko pero inismiran niya lang ako

"Kalma lang kayo okay? Ayaw niyo muna bang batiin ang isa't isa? My ex's Xavier and Elix hi." patawa tawang aniya. Kung hindi lang siya babae ay papatulan ko talaga siya.

Kinagat ko ang ibabang labi para pigilan ang sarili dahil alam kong may lalabas na salita sa akin na alam kong makakasakit sa kaniya

"Shut up Chollette! Just tell us where Elle is! Where's my sister!" matigas na ingles ni Elix. Halata naman ang pagkagulat ni Maidall sa sinabi ni Elix.

"Sabihin mo na Chollette" ani Cayleb sa mahinahong paraan.

"Hi babe! Andito karin pala. Gusto mo rin bang makita ang Ex mo?" aniya. Narinig ko namang nag "what" ang nanay nila Elix at agad na tumingin sa akin si Elix. Naging sunod sunod ang pag lunok ko dahil hindi ko rin alam ang sasabihin sa kaniya.

The Game [Milestonian Series 1] (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon