Chapter 16

41 12 0
                                    

Xavier's POV

"Parehas tayo... Di naman ako nagagalit. As long as nararamdaman ko na mahal nya parin ako okay na ko dun, atsaka dun sya masaya eh... Isn't that exactly how it is? When you love someone, you should understand where he is happy and support him in whatever way he desires" sabi ni Calix "Kahit nasasaktan ka" dagdag pa niya.

"Tinde mo magmahal Elle... Selfless." ani Kuya Ghi. 

Tama siya sobra nga kung magmahal si Calix... Ibibigay nya ang lahat.

Sobrang swerte ni Cayleb, pero mukhang hindi niya yun nararamdaman sa sarili niya. 

"Tulog muna ko. Nakakapagod magmaneho kanina" aniya saka akmang pipikit na nang bigla akong magsalita. 

"Pagod pala pero gustong magmaneho" bulong ko.

"Ano ano?"

"Wala... Sabi ko matulog ka na" sagot ko saka iniiwas ang tingin sa kaniya. 

Sandaling katahimikan muna ang namayani sa amin saka siya muling nagsalita. 

"Sige na gisingin nyo na lang ako kapag nandun na tayo" bilin nya sa amin saka ipinikit ang mga mata at isinandal ang likod sa sandalan ng upuan.

Ilang minuto pa lang ang nakakalipas bago magpaalam sa amin si Calix na matutulog na sya pero mukhang tulog na tulog na sya. 

Pagod na pagod siguro to. 

Ang ganda pala talaga nya.

Ang mahahaba at makakapal na pilikmata nya na parang inayusan, matangos ang ilong nya, ang mga kilay nya ay maganda ang hugis hindi na kailangang iguhit, ang mga labi nya ay mapupula, at ang kutis nyang mala porselana. 

Sobrang swerte ni Cayleb kay Calix. Mabait,matalino, maganda, mapagmahal, maunawain, mapagpatawad, at mabuting kaibigan.

Nasa kaniya na ang mga katangian ng isang baabeng pinapantasya ng mga kalalakihan.

"Huy baka matunaw pinsan ko nyan" biro ni Ate Miyuki kaya't agad kong inalis ang tingin kay Calix sa hiya ko. 

Why am I staring at her? 

"Sira... Tinitignan ko lang kung kamukha mo sya." 

"Oh kamukha ko ba?" paninigurado niya saka pa nag paganda sa harap ko. 

Kailangan ba talagang palaging sinasabi sa kaniya kung gaano siya kaganda?

Maganda naman talaga siya pero wala, gusto ko lang siyang inisin ngayon.

"Try to take a bath first, huh" Pang-aasar ko pa sa kaniya saka ako umilag ng akmang hahatawin niya ako ng unan niya. 

"Aba loko to ah! Hon ibaba mo to!" aniya.

"Oy ikaw ah maganda kaya tong hon ko." 

Palihim pa niya akong kinindatan na hindi ko naman pinalampas

Kailangang mabawasan ang kayabangan ng pinsan ko... Lumulutang na siya. 

Hindi ko hahayaan na lamunin siya ng kayabangan.

"Syempre kung sinabi mong hindi, edi nag-away kayo"

"May point ka a-aray-" patangu-tangong ani Kuya dahilan para mapangisi ako. 

"Ghimwell!" Nagdadabog na pagtawag sa kaniya ni Ate habang hinahampas ng kamay ang braso ng Boyfriend niya. 

Ayan tama lang yan, masyado kayong sweet. 

The Game [Milestonian Series 1] (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon