Chapter 17

43 12 0
                                    

Elle's POV


"Hay sa wakas!" Sigaw ni ate Miyuki nang sa wakas ay nakarating na kami sa Morong Bataan.

Sobrang haba rin ng binyahe namin makarating lang rito. 

Umalis kami ng tanghali at nakarating kami rito ng gabi na. 

"Nakakapagod" daing ko saka pa nag-unat kahit wala akong ginawa kung hindi umupo ay ramdam ko parin ang pagod.

"Wow ah parang mas napagod naman ako... Ako kaya nag maneho" Pagkontra pa ni Kuya. 

May punto naman siya pero nakakapagod rin kayang maupo lang ng ganun katagal. 

"Eh sabi ko naman kasi sa inyo ako na ang magmamaneho, ayaw nyo namang pumayag" 

"Pagod ka nga kasi nun" ani Xavier kaya't hinarap ko sya at sinamaan ng tingin. 

Look who's talking.

"Eh ikaw? Aren't you tired?" 

"No" tipid nyang sagot saka iniiwas sa akin ang tingin. 

Hindi ba talaga siya makatagal sa titig ko?

"Sinong niloko mo?" 

"Wala... Never naman kasi akong nanloko" seryosong sagot nya dahilan para mahina akong mapa asik. 

Humuhugot ba siya? 

"Woah!" pang aasar nina kuya Ghi at ate Miyuki saka pa kami sabay na nilingon. 

"Heh!" Bulyaw ko sa kanila kaya agad rin nilang inialis ang mga mapanuksong titig sa amin. 

Kinlaro ko ang lalamunan ko saka nag-isip ng bagong itatanong para makalimutan nila ang kanina. 

"Saan tayo matutulog?"

"Dun! Sa Crescent Resort" sagot ni Ate habang abala sa pagtitig sa cellphone niya. 

Nagsesearch pa siguro siya ng mga magandang pasyalan rito. 

"Hon, tanungin mo nga si kuya kung may bakanteng rooms pa sila." utos ni ate kay kuya kaya't ibinaba ni kuya ang salamin nya at tinawag ang isa sa mga empleyado ng Crescent Resort. 

Sigurado akong emplayado iyon dahil sa suot niyang uniporme na may pangalan ng resort. 

"Excuse me" tawag ni kuya sa empleyado kaya't agad na lumapit ang empleyado sa amin. 

"Yes sir?"

"Tatanungin lang sana namin kung may vacant Rooms pa kayo?" tanong ni kuya ghi.

Saglit nya pa kaming sinilip na parang binibilang ang nasa loob ng sasakyan. 

"Ah Sir isa na lang po kasi ang available na kwarto dito."  Dismayadong sagot niya saka muling ibinaling ang atensyon kay Kuya.

"Ilang kama ang meron?" tanong naman ni ate saka idinungaw ang mukha niya sa bintana. 

"Isa lang po" 

Halos mapasukan na ng langaw ang bibig ko sa pagkagulat ko. 

No, ibig ba nitong sabihin ay magkakasama kami sa iisang kwarto at magkakatabi sa iisang kama? 

WHAT?

"Isa lang? Apat kasi kami hindi kami kakasya sa isang kama lang." pagkaklaro ni Ate. 

The Game [Milestonian Series 1] (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon