Chapter 58

30 5 0
                                    

Dumeretso muna ako sa Comfort Room para mag ayos ayos dahil ayoko namang makita nina Janica ang mata ko na namamaga dahil sa pag iyak.

Nang matapos na sa pag aayos ay lumabas na ako at pinuntahan sina Kart.

"Oh anong nangyari?" parang nag aalalang tanong ni Jat. Teka nahalata ba niya ang mata ko? "Oy teh ano kakong nangyari sa usapan niyo ng ex mo?"

Ikinwento ko na sa kanila ang nangyari dahil alam ko namang mag tatanong talaga ang isa sa kanila kaya di na ako kinabahan o nagulat.

Pinigilan ko ang pag bagsak ng mga luha sa mata ko dahil ayoko namang mamaga nanaman ang mata ko at mapansin pa ito ni Xavier. Wala rin kasi akong balak sabihin sa kaniya ang nangyari dahil ayokong kung ano pa ang isipin niya.

"Alam mo Sis dati puno lang ng inis ang nararamdaman ko sa tuwing nakikita ko si Cayleb pero dahil sa kwento mo nagkaroon ako ng awa sa kaniya" Ani Jat.

"Kahit sino naman. Sabihan ka ba naman ng Ex mo ng ganun na wala ng chance"dagdag pa ni Kart. Bakit parang kasalan ko pa yata ngayon na niloko ako.

"Alam kong masakit ang mga salitang binitawan ko, aminado ako dun. Pero mas pipiliin kong saktan siya gamit ang katotohanan. Ayoko namang alakain niya na kahit anong oras, araw tatanggapin ko siya dahil sa parehong pakikitungo na ibibigay ko sa kaniya." Napatango tango pa sila na para bang sumasang-ayon. Hindi ko sinasabi ang mga salitang iyon para palinisin ang pangalan ko kundi yun ang totoo. "At ayokong masaktan si Xavier"

"Isang malaking check ng pink na ballpen Sis! Happy na kami at boto kami kay Xavier. Nice choice"ani Jat. "Hoy bruha bat parang hindi ka makapagsalita diyan? Tameme kasi bet parin ang basketbolistang Cayleb?" tanong ni Jat kay Janica na ni ha ni ho ay walang inadvice o sinabi.

"Duh ofcourse not. Ex na ng kaibigan ko yun alangan naman gustuhin ko pa, ano ko sagip kapamilya?"pag depensa ni Janica sa sarili. Nagbangayan na naman sila.

"Sana naisip mo yan noon pa"

"Kaya nga nag sorry diba?"

"Oh sinong bago?" tanong pa ni Jat. Chismoso to akala mo nasa chika minute.

"Huh?"painosenteng tanong ni Janica.

"Ay bingi? Sinong bago!? Wag mo kong lokohin na wala dahil imposible yun sayo"

"Si karl---"

"Ay bruha! Kaya pala panay ang kausap mo kay Elle nung kinakausap siya ni Karl! Talandi ka." pang aasar pa ni Jat.

"Malamang. Malalaman ba niyang may Janica na humihinga at buhay  ngayon kung di niya makikita at walang mag sasabi sa kaniya? Duh gumawa ng paraan!" Sagot ni Janica sabay hawi ng buhok at irap kay Jat.

"Wag mokong titigan ng ganyan. May sarili akong boyfriend" saway ni Kart kay Janica na parang binabantaan siya .

"Dapat lang" -Janica.

"Ako ang titigan mo!" pag piprisinta naman ni Jat.

"At bakit? Kala mo naman jojowain ka ni Karl. Managinip ka pa ng tulog at gising di mangyayari yun"

"Di mo sure"

"Sure na sure! Kahit araw araw ka pang kasama ni Karl di ka papatulan nun" Pag mamalaki pa ni Janica na para namang siguradong sigurado na kay Karl.

"Paano mo nasabi?"

"Kasi di siya pumapatol sa Monster"Akmang hahatakin na ni Jat ang bujok ni Janica ng pigilan ko siyam Alam ko na kasi kung saan nanaman mapupunta ang usapan nila. Mag tatakbuhan sila ganggang sa mawala sila sa mga mata namin.

The Game [Milestonian Series 1] (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon