chapter 31

38 9 0
                                    

Xavier's POV

Katatapos lang ng klase namin kaya agad na akong bumaba papunta sa building nina Calix. Pag karating ko ay naabutan ko sina Jat na para bang nag mamadali.

" jusko ka naman kasi eh gusto mo palang mag paulan bat hindi umaga. kakaiba din kasi ang trip mo eh no?Buti na lang at pwede kita bigyan ng copy ng ginawa namin tsk. " Paninermon ni Kart sa kausap.

"sige papunta na kami" ani Jat saka ibinaba ang phone saka dali daling bumaba.

" Oh Xavier! anong ginagawa mo rito sa building namin?" Bati sa akin ni kart na may halong pag tataka.

" Ah wala napadaan lang ako " pag sisinungaling ko dahil ang totoo ay nandito ako para puntahan si Calix.

" Ah ganun ba? sige mauna na kami ni kart ah dadalhin pa kasi namin to kay Elle eh" pag papaalam ni jat saka ipinakita ang mga gamot na hawak niya.

"Bakit? Anong nangyari kay Calix?" nag aalalang tanong ko sa kanila.

"Alam mo naman na kakaiba ang trip ng babae na yun kaya ayun nag ligo sa ulanan at ngayon di naka pasok dahil inaapoy ng lagnat. Ayaw namang mag padala sa hospital at gagaling rin naman daw siya" kwento ni Jat na para bang asar na asar sa kaibigan.

"Sige Xavier ah una na kami baka kung ano ng nangyari kay Elle" paalam ni kart pero bago pa sila makaalis ay may tumawag sa kanila.

" Kartie at Jat mamaya na raw kayo umalis may ibibilin lang raw sa inyo si Prof. Jerico" Sabi nung blockmate nila.

"Pano to walang mag bibigay nito kay Elle?" nag aalalang tanong ni Kart.

"Ako na ang bahalang mag dala niyan kay Calix. " Pag piprisinta ko.

"Sige Xavier alam mo na naman kung saan ang bahay niya diba?" Tanong ni kart.

" Oo" maikli kong sagot saka niya ibinigay sa akin ang kaninang dala dala nilang gamot at Folder na nag lalaman siguro ng mga copies ng ginawa nila kanina. pag ka bigay nun ay ska sila umalis.

"Xavier wait lang! ito pala yung Duplicate ni Elle. If ever na nakalock ang pintuan niya wag mo na lang katukin. " Pahabol ni Kart saka ibinigay sa akin ang susi
Papasok na sana ako sa subdivision nina Calix ng may madaanan akong lugawan kaya pumunta muna ako doon at bumili para kay Calix. Nang maka bili na ako ay umalis na ako at saka nag tungo sa bahay ni Calix.

Papasok na sana ako pero pag ikot ko ng door knob ay naka lock ito kayat inilabas ko ang duplicate na ibinigay sa akin ni Kart kanina.

Pag pasok ko sa loob ay wala akong marinig na kahit anong ingay kaya na kasisigurado akong natutulog nga si Calix kayat dumiretso ako sa kwarto na naka kaliwa dahil mukha nandoon sya.

Pag pasok ko sa kwarto ay nakita ko nga si Calix na natutulog at naka talukbong ng kumot. mukha siyang giniginaw. Lumapit ako sa kaniya at kinapa ko ang leeg nya ng marahan para hindi sya magising.

"Ang init nya." Sabi ko sa sarili ng maramdaman ang init ng katawan ni Calix. Naisip kong kunin ang towel ko sa bag at saka ito inilay sa planggana na may lamang tubig. Piniga ko ito saka ipinatong sa noo ni Calix para mabawasan ang init nya.

Naisipan ko ring ihanda na ang lugaw na binili ko para sa oras na magising siya ay may kakainin na siya.

"Xavier?" Tawag ni Calix mula sa likuran ko.

"Tamang tama gising ka na. Ito kainin mo para magka laman ang sikmura mo" Sabi ko saka iniabot sa kaniya ang mangkok na nag lalaman ng lugaw.

"Anong ginagawa mo rito?" Tanong niya habang kumakain. "Nabalitaan ko kasi kina Jat at Kart na may sakit ka" Paliwanag ko. Nakita kong hindi nya na masyadong ginagalaw ang pagkain kayat binati ko ito.

"Calix ubusin mo. Kailangan mong mag palakas" bilin ko sa kaniya. Kayat napabuntong hininga na lang sya.

"Hindi ko kayang ubusin. Ang pait ng panlasa ko Xavier"

"Hindi ka pa nga nakakainom ng gamot eh. Paano papait ang panlasa mo?" tanong ko sa kaniya habang naka taas ang kilay. "ubusin mo na, para mas bumuti ang pakiramdam mo"

"okay okay!" aniya habang nakataas ang dalawang kamay na parang sumusuko. "bakit nga pala ikaw ang pumunta dito sa halip na sina Jat?"

"Napadaan ako sa building niyo at naabutan ko sina Jat at Kart na kausap ka. Sila talaga ang mag dadala ng mga gamot mo at mag aalaga sayo pero tinawag sila nung blockmate nyo ipinapatawag raw ng Prof niyo kaya hindi sila nakarating." mahabang paliwanag ko.

"Ipinapaabot rin pala nila to sayo." Sabi ko sabay abot nung Folder na ibinigay ni Kart.

"Salamat ah. Ah paano ka pala nakapasok dito sa bahay ko?" tanong niya kaya itinaas ko ang duplicate na ibinigay nina Kart saakin.

Ilang minuto nag tagal ang katahimikan sa pagitan naming dalawa kayat muli akong nakaisip ng pag uusapan.

"Ano ba kasing pumasok sa utak mo at naisipan mong maligo sa ulan ng gabi?" Tanong ko at narinig ko ang maikling tawa nya.

"Para kang tatay ko kung manermon ah! " tawa rin ako sa sinabi niya dahil yun ang tono ko kanina.

" Umuwi akong mag isa dahil nga nag away kami ni Cayleb at sakto namang umulan. Naisip kong basa na rin naman ako kayat di ko na binilisan ang lakad ko. Dinama ko na lang ang bawat pag patak ng ulan dahil nag eemote rin naman ako." paliwanag niya.

"So trip mo nga."

"Kalahating oo kalahating hindi, fifty fifty" Sabi nya kayat napatawa nanaman kaming dalawa. ikinuwento nya ang nangyari sa kanila ni Cayleb kahapon at habang nag kukwento siya ay may panginginig sa boses nya. Kitang kita ko rin sa mata niya ang sakit na nararamdaman niya sa tuwing pag uusapan ito dahil kitang kita ko ang pangingilid ng mga luha niya.

"Ang hina niya. Isipin mo mag padala ka sa Block mail? napaka immature diba?"

"Wala na nga kayo. Hindi mo na ba sya ulit bibigyan ng pag kakataon na patunayan ang sarili niya sayo?"

"Sa tingin ko hindi na. Tama na siguro yung ilang beses na pinatawad ko siya. sinyales na siguro to na dapat na akong mag move on at hindi na umasa na mag babago siya."

"Sige na Calix mag pahinga ka na. You need to rest para maka pasok ka na bukas." Utos ko saka kinuha ang mangkok sa kaniya ay pinainom sya ng gamot. Napa ngiti naman ako ng makita ko siyang umakyat at pumasok sa kwarto niya para mag pahinga.

Ilang minuto ang naka lipas ng umakyat si Calix sa kwarto para mag pahinga. Lumabas ako para bumili ng makakain ni Calix para mamaya ay hindi na sya mag abalang mag luto ng sariling pagkain.

Nang mailipat ko na sa plato ang mga pagkain na binili ko ay napag desisyunan ko ng umalis dahil naalala kong may quiz pa pala kami bukas.

Bago umalis ay sinilip ko ulit si Calix sa kwarto nya. Nakita kong mahimbing na siyang natutulog kaya hindi ko na sya ginising. Nakakita ako ng sticky note at ballpen na nakapatong sa study table nya kaya't sinulatan ko ito at idinikit sa Headboard niya.

Umuwi na ako may quiz pa kasi kami bukas sa gen math kailangan kong mag aral. Naghanda na din ako ng pag kain mo sa kusina para hindi ka na magluluto. Nasa side table din ang mga gamot na dapat mong inumin mamaya pag naka kain ka na.

Mag pa galing ka :)

~ Xavier ~

The Game [Milestonian Series 1] (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon