Chapter 7

60 13 0
                                    

Mga ilang oras lang ay umuwi na agad kaming tatlo.

Hinatid ko na sina Kart at Jat sa mga bahay nila... Nagtext na kasi ang Mommy ni Jat sa kan'ya.

Prinsesa kasi ang turing ng Mommy ni Jat sa kaniya simula ng aminin nito na bakla s'ya. Instead of rejecting or shaming Jat, they supported her, cared for her more, and loved her more. 

She's my friend but I can't help but be jealous of her... Because of the support and love she receives from her family, that I've always wanted, that I wish I had too.

Na sana mayroon din akong pamilya na sobra akong mamahalin.

I wish I also had parents who would be happy for me and will support me in the things I want.

Pero taliwas sa hinangad ko ang ibinigay sa akin.

I was given parents who never made me feel the love I always wanted to feel. 

I was given parents who never showed me the support I ought to have had.

May pamilya ako pero hindi ko ramdam. Hindi ko ramdam na may pamilya ako dahil sa 'di ko nararamdaman ang presensya nila.

I never heard them say. "We're just here whenever you need someone to lean on."

Masakit pero dapat na akong masanay. Dapat ko nang sanayin ang sarili ko dahil kailanman ay hindi ko 'yun mararanasan...

Kahit ilang sana pa ang sabihin ko.

Kinuha ko ang kahon na nasa loob ng cabinet ko at binuksan ko ito.

Bumungad sa akin ang isang parisukat na litrato. Nandoon ang litrato naming apat.

Bata pa lang ako rito at karga-karga pa ako ni Mommy.

"Ang sarap tignan ng litrato natin, ang saya pa natin dito... I can still feel your presence... Nararamdaman ko pa na may pamilya pa 'ko," sabi ko habang hawak-hawak at tinitignan ang litrato namin nina mommy, daddy, at kuya.

Kumpleto kami at masaya pa. 'Di ko namalayan na lumuluha na pala ako. Ang sakit.

I was holding my chest as I sobbed while I could feel its tightness and pain as if it was gradually getting wounded...

6:30 AM.

It is morning. I was unaware that I had slept off while crying... Iba talaga ang epekto ng sakit at lungkot sa puso.

I hurriedly stood up and dressed. I took my car keys after getting ready and drove right away to school.

Mabilis naman akong nakarating sa Milestone High kaya nakakain pa ako sa Cafeteria ng breakfast.

Pagkatapos kong kumain ay agad akong pumunta sa building namin.

Ilang oras lang ay natapos na rin ang klase namin kaya't kinuha ko na ang gamit ko nang puntahan ako nina Kart at Jat.

"Magpapractice ka ulit?" malungkot na tanong ni Jat.

"Oo, dalawang araw na lang naman at matatapos na rin 'to."

"Namimiss ka na raw ni Jat," ani Kart.

"Huh? Eh kahapon lang magkasama tayo ah?... Miss mo na 'ko agad? Baka straight ka talaga ah tapos crush mo lang ako," natatawa kong biro. 

Idinaan ko na lang sa biro iyon para hindi na siya malungkot. 

Kahit gustuhin kong sumama na lang sa kanila at makipag-kwentuhan maghapon ay hindi pwede.

"Next time na lang ulit... Aalis na 'ko," paalam ko sa kanila saka ko sila iniwan.

Pagkatapos kong magpaalam sa kanila ay bumaba na ako at pumunta sa studio.

Nadatnan ko ang Fusion sa studio... 'Di talaga sila nalelate.

They really respect me so much that they never disobeyed my orders. They know I don't like them being late so they are always on time. 

Ilang minuto lang ay itinuro ko na sa kanila ang steps sa pangalawang sayaw na sasayawin namin sa acquaintance party.

Agad naman nilang nakuha ito kaya't ang sunod na itinuro ko ay ang pangatlo.

Mabilis din nilang nakuha ito katulad ng pangalawa. Bilib talaga ako sa Fusion. Never nila akong dinisappoint.

Dahil sa mabilis nilang nakuha ang mga steps, maaga kaming nakauwi.

Pagdating ko sa bahay ay dumeretso ako sa kitchen para magluto ng pagkain.

Ako ang nagluluto ng sarili kong pagkain dahil wala akong katulong dito sa bahay. Ako lang ang nakatira rito dahil gaya ng sinabi ko ay ayokong iasa sa iba ang mga bagay na alam ko sa sarili ko na kaya ko itong gawin.

Narinig kong nagring ang phone ko kaya't kinuha ko ito at agad na sinagot.

"Hello? Who's this?"

[Hey couz, nakalimutan mo na 'ko?]

Oh shems si ate Miyuki pala... Number lang kasi... Siguro ay nagpalit siya ng Sim.

"Couz, how are you doing? It's been a while since we spoke." 

[I'm doing good. I missed you... 'Di ka na kasi pumupunta rito. How about you, how are you?]

"I'm fine."

[Eh love life? How's your love life?]

S'ya lang ang pinagsasabihan ko ng mga tungkol sa buhay pag-ibig ko. Siya kasi ang naging ate ko at una kong naging bestfriend.

Nagtitiwala rin ako sa kaniya... I know my secrets are safe with her.

"'Di ako kinakausap ni Cayleb... He changed... a lot."

[Ikaw naman kasi. Sobra mong minahal ayan tuloy lagi kang nasasaktan.]

Bigla tuloy akong napaisip sa sinabi niya.

Hindi ba't dapat nga ay mahalin mo ng sobra para mahiya siyang saktan ka?

[You know, Calix, I learned something from you... That when you love someone, you can forgive them no matter what they did to you, and you can forgive them completely.]

Ganun naman yata talaga?... Mahal mo siya kaya kahit ang sakit-sakit na ay tatanggapin mo pa rin.

Kamartiran na ba ang tawag do'n?

[Pero 'wag mong ibigay lahat ng pagmamahal sa kaniya kasi 'pag 'yan nagbago, lumayo, at iniwan ka? You'll have a hard time getting up, fixing yourself... Calix love and time are never enough for a cheater, but love and time are too much for the person who truly loves.]

[If you think Cayleb won't cheat on you like he did before, don't give him too much of your time and love just so he won't leave you... If he really loves you, he will realize that you're giving too much, and that too much will be the reason why he'll stay with you.]

Tama siya. Kung gagawin niya ay gagawin niya.

Hindi ko kailangang ubusin ang sarili ko manatili lang siya sa tabi ko.

Dahil kung totoong mahal niya ako ay iisipin niya ang mararamdaman ko.

Iisipin niya ako.

Iba ang naramdaman ko matapos kong marinig ang mga sinabi ni ate sa'kin.

Iba talaga kapag s'ya ang nag-aadvice sa'kin, iba ang epekto...

The Game [Milestonian Series 1] (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon