chapter 30

33 10 0
                                    

Cayleb's POV

"oh babe, natagalan ka yata" sabi ko sa kaniya habang hawak ang mga kamay niya.

"Halika na babe kumain na tayo. Tapos na yung niluluto ko" dagdag ko pa saka sya inalalayan pa punta sa dining pero pansin ko ang pag hawi nya sa kamay kong naka hawak sa kaniya. Nakikita ko din iniiwasan nya ako ng tingin.

"Ayos ka lang ba? Parang iniiwasan mo ako" Tanong ko sa kaniya at ibinaling nya na sa akin ang tingin niya na kaninang iniiwas nya.

"Magiging ayos ba ang isang taong naloko?" tanong niya bakas sa mukha nya ang sobrang kalungkutan at kitang kita ng dalawang mata ko ang pangingilid ng mga luha sa kaniyang mga mata. Ramdam kong sobra syang nasasaktan.

"Babe" mahinahon kong sabi.

"Kailan pa? Kailan nyo pa ako niloloko?" tanong nya saka bumagsak ang mga luha nya na nag dulot ng kirot sa aking dibdib.

"Mag eexplain ako---"

"Para a-ano? Mabilog mo ulit ako? P-para ayos na ulit ang lahat? P-para maloko mo ulit ako ganun ba Cayleb?" nauutal na tanong niya at halatang pinipigilan nyang bumuhos ang mga luha niya.

"Binlock mail ako ni Chollette" maigsi kong sagot pero halatang hindi siya kuntento doon.

"Block mail? Ano ka bata? Be matured Cayleb! Puro kasi laro ang nasa isip mo!" galit na galit na aniya habang pinupunasan ang luha niya.

"Ang sabi niya kapag hindi kita hiniwalayan at hindi naging kami sasabihin niya kay daddy at kay tito Maurizio na may namamagitan sa atin at hindi natin itinigil yon." sabi ko at ngayo'y nangingilid na rin ang luha ko.

"Sana hiniwalayan mo na lang ako! Para di ako nasasaktan!" sigaw nya na nag dulot ng matinding sakit sa dibdib ko. Ang sakit na sa kaniya ko na ririnig ang ganung salita.

"Elle let me explain"

"sige mag explain ka. Pero ito ang tandaan mo, hindi na ako mag papauto sayo" aniya kaya tuluyan ng bumagsak ang kaninang pinipigilan kong luha.

"Natatakot ako sa pwedeng gawin ni Daddy. Natatakot ako dahil nag banta siya na gagawin niya ang lahat para mapabagsak lang ang companya at mga negosyo niyo" paliwanag ko nakita ko namang napangisi si Elle sa sinabi ko.

"Natatakot ka na mapabagsak ang negosyo ng pamilya ko? Sa tingin mo ba ay papayag si daddy na ganun ganun na lang mawawala ang pinag hirapan niya?" aniya habang napapailing iling.

"Iba si daddy Elle" sabi ko pero hindi siya nag paawat.

"mas iba ang kayang gawin ni daddy. At alam nating hanggang salita lang si tito addox" pag tukoy nya kay daddy.

Matalik na mag kaibigan si daddy at tito maurizio (daddy ni Elle)
Nagkaroon ng negosyo sina daddy at tito maurizio. Noon pa man ay balak na nila kaming ipakasal ni Elle para makasiguradong ang negosyo nila ay maipag papatuloy namin. Naging kilala ang negosyo nila at marami ang naging kasyosyo nila rito. Si Daddy ang itinuturing na may ari niyon dahil sya ang may pinaka malaking share. Base sa paliwanag ni Elle sa akin noon. Gusto raw tanggalin ng mga stockholders si Daddy sa kompanya dahil sa ugali nito. Pero pinigilan sila ni tito Maurizio. Kaya naisipan ng mga stockholders na ibenta ang shares nila kay tito para siya na ang mag may ari ng negosyo. Nang malaman ito ni daddy ay napagkasunduan nila na hindi na pwedeng mag karoon ng koneksyon ang pamilya Blainne sa pamilya Adler at ng pag papakasal na balak nila sa amin ni Elle ay itinigil na rin.

"Tchhh ang hina mo Cayleb! Ang hina hina mo!"

" Mag kaiba tayo ng sitwasyon Elle kaya hindi mo pwedeng sabihin yan dahil hindi mo alam ang sitwasyon ko" pag tatanggol ko sa sarili.

"Mag kaiba talaga tayo. Dahil ako kaya kong ipag laban ang taong mahal ko, kaya kitang ipag laban Cayleb. Mag kaiba din tayo ng sitwasyon dahil ako ang niloko at ikaw ang nangloko." bigla akong naestatwa sa sinabi niya. Parang may kung anong nag pa alala sa akin ng mga kalokohan ko noon at kung paano ko sinaktan si Elle na walang ginawa kung hindi mahalin ako.

"Aalis na ako." paalam niya at saka nag lakad papalabas pero bago pa sya makalabas ay agad kong nahawakan ang kamay niya na agad na nag patigil sa kaniya sa pag lakad.

"ihahatid na kita" pag aalok ko. Naramdaman kong inaalis niya ang kamay kong naka hawak sa kaniya kaya lalo kong hinigpitan ang hawak.

"Let me go Cayleb. Kaya ko na ang sarili ko at wag ka ng mag kunwaring nag aalala ka sakin dahil ang totoo ay hindi" sabi niya habang patuloy na inaalis ang kamay niya sa pag kakahawak ko.

"Nag aalala talaga ako Elle"

"Kung nag aalala ka hindi mo ako sasaktan. Kung nag aalala ka hindi mang yayari to. Bitiwan mo ako kaya ko na ang sarili ko" malamig na utos niya kayat binitawan ko na sya. Hindi na niya ako muling nilingon dahil nag lakad na sya papaalis at wala akong nagawa kundi pag masdan na lamang siyang umalis habang nasasaktan.

------------

Elle's POV

Pagkalabas ng subdivision nina Cayleb ay nag abang na ako ng jeep na sasakyan ko pauwi.

Habang nasa byahe ay hindi ko mapigilang maiyak dahil sa mga nangyari. Hindi ko akalain na ang pangako ni Cayleb sa akin noon na hindi nya na ako muling sasaktan ay mapapako na lamang ng ganun ganun lang.

Hindi ko maisip kung anong mga pag kukulang ko at alam ko sa sarili kong wala dahil puro pag mamahal lang ang ibinibigay ko sa kaniya. Pero ito ako patuloy na sinisisi ang sarili ko.

Ilang minuto lang ay nakarating na ako sa subdivision namin.

"tch dapat kasi di ka na pumayag makipag kita dun sa mokong na yun eh" paninisi ko sa sarili habang nag lalakad pa pasok ng subdivision.

"Oh Elle bakit nag lalakad ka? Nasan na ang sasakyan mo?" tanong ni kuya Marvi sa akin. Sya ang guard dito sa subdivision.

"Naiwan ko sa Milestone kuya nag mall kasi kami nina jat" palusot ko dahil ayoko ng humaba ang usapan.

"sige ihahatid na kita. Anlayo pa naman ng bahay mo" alok ni luya marvi sabay turo sa motor niya.

"Wag na kuya marvi kaya ko na to. Saka exercise na din. Salamat" tangi ko sa alok nya saka muling nag lakad pa uwi.

Habang nag lalakad ako ay hindi ko namamalayang tuloy parin sa pag patak ang luha ko.

Pansin kong lumiliit na rin ang bukas ng mata ko dahil sa namamaga na ito.

Maya maya lang ay biglang bumuhos ang ulan pero imbis na sumilong ay ito ako parang batang pinayagang maligo sa malaming na ulan.

Kung gaano ako kabagal sa pag lalakad kanina ay ganun parin ako kabagal ngayon. Kasabay ng pag buhos ng ulan ang pag buhos ng luha ko na bunga ng sakit na nararamdaman ko.

"Bakit?! Bakit ako na sasaktan?! Bakit ako paulit ulit na sinasaktan?! Anong maling ginawa ko?! ANO!!!" sigaw ko habang nakaluhod sa gitna ng kalsada at nakatingin sa kalangitan habang basang basa sa ulanan.

The Game [Milestonian Series 1] (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon