Chapter 38

30 9 0
                                    

"Ikaw yung unknown number? At ikaw rin ba ang lalaking nag salita sa parke?" Marahan niya akong nilingon at tinanggal ang salamin niya. Nakita kong mugtong mugto ang mga mata nya katulad ng saakin.

"Ako nga"maikli niyang sagot pero hindi inaasahan mag bibigay iyon ng kakaibang kirot sa aking puso.

"Bakit mo ginawa ang mga bagay na yun?" tanong ko. Napaiwas siya ng tingin sa akin saka isinuot muli ang salamin at tumingin sa kalangitan.

"Sapat na siguro ang salitang mahal kita para gawin ko ang mga bagay na yun." seryosong tugon niya. Hindi ko inaasahang may tutulong luha sa aking mata.

Bakit parang ngayon ko lang naranasang makarinig ng ganoong salita. Hindi ko maiwasang isipin si Cayleb. Bakit hindi ako nakaramdam ng ganito sa kaniya? Bakit hindi sya ang kasama ko ngayon? Bakit hindi siya ang nag sasabi sa akin kung gaano niya ako kamahal?

"Hindi bat nung nasa Bataan tayo ay tinitignan mo pa ang litrato ni Maidall?"

"Nag papasalamat ako sa litrato niya dahil sa kaniya nakilala kita. Kung hindi niya ako niloko wala ako sa tabi mo ngayon. Kung hindi siya nag mahal ng iba hindi kita magagawang samahan tuwing nalulungkot ka."muli niya akong nilingon. Diretsyo nya akong tinignan habang sinasabi ang mga salitang iyon. "Kung nakuntento sana siya saakin noon, Hindi kita pwedeng mahalin ngayon"

Hindi ko inaasahang sasabihin niya ang bagay na iyon. Makikita ang pagkabigla ko dahil sa narinig. Unti unting prinoproseso ng utak ko ang sinabi niya.

Iniisip ko kung dapat ba akong maging masaya gayong nandito siya at handa akong samahan sa lahat ng oras. O dapat akong malungkot dahil siya ang nandito ngayon sa tabi ko at hindi ang pinangarap kong lalaki na handa akong gabayan sa lahat ng oras.

"Pero bago ka makapasok sa fusion ay nagkita na tayo sa parke."

"Inabutan kitang nag sisisigaw non parang ambigat bigat ng dinadala mo. Nung oras na yun, ay ang oras at araw kung kailan ko nalaman na may iba na si Maidall. Gusto kong palakasin ang loob mo kahit mismong ako hindi ko yun magawa sa sarili ko" napalunok na lang ako sa sinabi niya. Ibig sabihin hindi niya talaga intensyon na kausapin ako nun.  Sabagay kung ako din siguro ang nasa posisyon niya gagawin ko iyon.

Masyado ng mainit ang usapan namin at pareho na kaming seryoso kayat nag isip ako ng paraan para mawala ang tensyon sa pagitan namin.

"Uhm baka kailangan na tayo ni Tita sa taas." pag yayaya ko. Tinanguan namin ang isat isa at sabay kaming pumasok sa loob ng bahay para tulungan si tita sa mga gawain.

Napansin kong sobrang dami ng taong naririto ngayon. Mapapansin mo sa mukha nila ang panghihinayang at kalungkutan.

Ngayon na nakikita ko kung gaano kadami ang tao ay mas lalo akong napahanga kay ate miyuki. Naisip ko kung gaano siya kabuti noong nabubuhay pa siya kayat madami ang mga taong handang makiramay sa kaniya.

Luminga linga ako hinahanap ko si Kuya ghi sa paligid. Napansin kong wala pa siya kaya tinanong ko si Xavier na nasa gilid ko.

"Wala pa si Kuya ghi?"

"Sabi niya papunta na siya"sagot niya. Tinanguan ko naman siya at binaling ang tingin sa ibang bagay.

Ilang minuto lang ang nakalipas ng may marinig kaming hagulgol. Nakita ko si Kuya Ghi na patakbong pumunta kay ate miyuki at niyakap ang coffin. Nag papadyak siya na parang isang batang inagawan ng kendi.

"Hon bakit naman ganito? Bakit ka nang iiwan?"

"Gumising na dyan oh! Ang daya daya mo!" tumulo ang luha ko dahil sa nakikita. Naramdaman ko ang kamay ni Xavier na nasa likod ko gusto niyang pagaanin ang loob ko dahil alam niyang naaapektuhan ako sa nangyari. Nilingon ko siya at tinanguan.

Napansin ng Mayor ang sobrang sakit na nararamdaman ng anak kaya inakay niya ito pa layo. Niyakap nito ang anak para sabihin na nandoon lang ito at handa siyang samahan.

Nang mahimasmasan si Kuya ghi ay niyaya ko si Xavier na lapitan ito.

"Coffee?" alok ko saka umupo sa tabi niya. Inilingan niya lamang ako habang diretsyo pa din ang tingin.

"Ano bang nangyari?"tanong niya. Nag tinginan naman kami ni Xavier.

"Nakita daw ni Tita si ate miyuki sa kwarto niya na bumubula na ang bibig. Simula ng dalhin nila si ate miyuki sa hospital hindi na ito gumigising." putol putol na kwento ko dahil sa tuwing naaalala ko ang nangyari ay naiiyak ako. "Sabi ng doktor nilason raw"

Nagulat siya sa sinabi ko kayat awtomatiko syang lumingin sa akin. Napapikit siya at walang nagawa kung hindi sapuhin na lang ang noo. Nababasa ko sa mukha nya ang inis, galit ,at kagustuhan nitong mag mura. Kung bibigyan lang siya ng pagkakataon na pumatay ay gagaqin niya iyon

"Pina-autopsy nila si ate miyuki" ani Xavier kayat sa kaniya nabaling ang atensyon ni kuya ghi.

"Pwede ba tayong mag pa imbistiga?" tanong ni Kuya ghi.

"Ganun nga ang gagawin natin kuya pag nakuha na natin ang resulta ng autopsy." para siyang nabuhayan ng dugo sa sinabi ko. Pumasok sa isip ko ang kaibigan ni Kuya Elix. Pwede akong humingi ng tulong sa kaniya para sa embistigasyon.

Matapos ng usapan ay umuwi na rin sina Kuya ghi. Gusto niyang dito muna manatili ngunit hindi siya pinapayagan ng ama. Sinabihan na lang ito na bumalik kung kailan nito gusto.

Alas dose na ng hating gabi kayat kokonti narin ang taong naririto ngayon. Aapat na lang kami nina Xavier dito sa salas dahil ang ibang bisita ay nasalabas. Kita ko na ang pagod sa mukha nina tita at tito.

"Tita, Tito ,Xavier mag pahinga po muna kayo ako na po muna ang bahalang mag bantay dito"pag piprisinta ko.

"Mag babantay rin ako" ani Xavier.

"Hindi na kaya nanamin ito. Kayo ang kailangan ng tulog" sabi ni Tito sa aming dalawa.

"Hindi na po tito mas kailangan niyo po ng pahinga. Kahapon pa po kayo walang tulog dahil sa pag babantay sa hospital. Ayaw po ni ate miyuki na pabayaan natin ang kalusugan natin" napatingin sa akin sina tita at tito na para bang napipilit ko na sila sa sinasabi ko.

"Oh sige mag papahinga muna kami pero bukas kayo naman ang mag pahinga ah" sabi ni tita. Tinanguan naman namin sila ni Xavier.

Umupo na kami sa tabi ng Coffin ni ate miyuki. Noong una kong ginawa ang bagay na ito ay noong si lolo pa ang nawala.

"Hindi ka papasok bukas?" tanong ni Xavier kayat nilingon ko siya.

"Hindi, kailangan kasi nina tito ng kasama."nakangiti kong sagot. "ikaw ba?"

"Hindi rin, dahil kailangan mo rin ng kasama" napangiti naman ako sa sinabi niya. Simple at maikli lang ang sinasabi ni Xavier pero laging may Kahulugan. Makikita mo rin ang senseridad sa kaniya.

Habang nag babantay ay hindi ko inaasahang biglang mag ring ang phone ko. Kinuha ko ito sa bulsa ng pantalon ko at sinagot ang tawag.

"Where are you?" nag aalalang tanong sa akin ni Kart.

"In my cousin's wake" simpleng sagot ko.

"Sorry to hear that. Akala ko hindi totoo." akala ko din hindi totoo at patuloy kong pinapaniwala ang sarili ko na hindi ito totoo. Hindi ako mapapagod isiping hindi ito totoo.

"Are you okay?" tanong niya.

"Not really."

"Hindi ka makakapasok bukas?"

"Yeah kailangan kong tulungan sina tito dito."

"Gusto sana naming pumunta ni Jat dyan kaso may pasok tayo"

"Wag na kayong mag absent. Send-an mo na lang ako ng soft copy para nakakahabol ako"

"Yeah sure. Condolence Elle" sagot niya saka ibinaba ang tawag. Tumulo ang luha ko ng marinig ang sinabi niya 'Condolence' hindi ko inaasahang makakatanggap ako ng ganitong salita dahil kay ate miyuki. Ang sakit.

"You need to rest" utos ni Xavier.

"Pwede?"tanong ko saka tinignan ang braso niya. Tinanguan niya ako kayat ipinatong ko na ang ulo ko sa balikat niya saka ipinikit ang mga mata at nag pahinga.

The Game [Milestonian Series 1] (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon