Chapter 26

37 11 0
                                    

Pagkatapos ng klase namin ay atat na atat na akong umuwi sa bahay at nag bihis para sa date namin ni cayleb.

Siguro ito na yung oras na mas mag lalaan na sya ng oras sa akin.

Siguro ito na yung oras na napag isip isip nya na ako dapat yung priority nya.

This time ako na siguro yung pipiliin nya.

Papazok na sana ako sa kotse ko para pumunta sa meeting place namin ng biglang nag beep ang phone ko.

From: Babe

Sunduin kita sa bahay mo. <3

Naks! Nag eeffort na sya ngayon? Nag babago na. Hindi na sya ang Cayleb na adik na adik sa laro yung tipong grabeng nagagalit pag natatalo.

To:Babe

Sige babe ingat ka. Love you <3

Ilang minuto lang ang lumipas at dumating na din si Cayleb para sunduin ako.

"natagalan ka ba?" tanong ni Cayleb sa akin habang nag mamaneho.

"Hindi naman masyado." sagot ko sa kaniya.

Nginitian lang nya ako saka nag maneho. Isang oras lang ang lumipas bago kami makarating sa lugar na napag usapan namin.

Pag karating namin ay agad na kaming umorder at umupo na para mag usap tungkol sa buhay buhay.

"ang tagal nating di nag kita namiss kita" pag sisimula nya.

"lalo naman ako babe. Sobra kitang namiss." sabi ko sa kaniya.

"Anong ginawa nyo nina ate miyuki nung mga tatlong araw?" tanong nya sa akin.

" Pumunta kami sa Bataan. Ang saya nga eh. Namimiss ko na nga ulit sya ngayon eh" sagot ko sa kaniya.

"Namiss ko na nga rin sila eh. Di na rin kami nakakapag laro ni kuya ghi." sabi niya. Hanggang ngayon ba naman laro pa naman ang nasa isip nito.

"Naitanong ka nga sa akin ni kuya ghi. Wala eh masyado ka----" di ko na naituloy ang sinasabi ko dahil biglang nag ring ang phone nya.

"Excuse me" paalam nya kaya tinanguan ko sya.

'Parang mauudlot na naman yata ang date namin nito ah'

"Babe sorry ah pero emergency eh" sabi niya. Sabi ko na eh mauudlot nanaman to.

"Ah ok lang babe. May next time pa naman eh. Naiintindihan ko." sabi ko sa kaniya saka ngumiti.

"Thank you babe. Hatid na lang kita" aniya.

"wag na ti-text ko na lang sina kart. Sakanila na lang ako mag papasundo." pag tanggi ko sa alok nya.

"ok sige bye babe. Love you" sabi niya sa akin sabay halik sa noo ko.

"ingat!" sigaw ko nang aalis na sya. Hindi na sya sumagot sa akin sa halip ay kinawayan na lamang ako at patuloy na lumakad papaalis.

Kinuha ko ang phone ko para maitext ko sina kart.

To: kart

Pasundo naman ako dito sa mall. Umalis na kasi si Cayleb emergency raw.

Ilang minuto pa ang hinintay ko pero hindi padin nag rereply sa akin si Kart. Kaya napag desisyunan kong mag byahe na lang.

Habang nag aabang ng jeep na sasakyan ko ay may narinig akong bumusina sa akin.

The Game [Milestonian Series 1] (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon