Chapter 21

45 12 0
                                    

Matapos akong turuan ni Cayleb lumangoy ay umahon na kami sa pool dahil dumating narin sina ate Miyuki at kuya Ghi.

Naligo na kaming apat at nag palit ng tuyong damit saka kami naglakad-lakad sa may tabing dagat at lumanghap ng sariwang hangin. 

"Hon may nakita akong nag-iihaw dun!" sabi ni ate Miyuki kay kuya Ghi habang nakaturo sa malayo.

"Gutom ka na naman? Di ka ba nabubusog hon?" tanong ni kuya Ghi saka sinimangutan si Ate. 

"Eh hon naman eh gutom na ko eh... Sige wag nalang" nagtatampong sabi ni ate Miyuki habang nakakrus pa ang braso nito at nakanguso pa. 

Mahinang tum-tsk pa si Kuya nang kuhanin n'ya ang pitaka n'ya sa bulsa at nakasimangot na tignan iyon.

"Tsk gutom na rin yung pitaka ko wala ng laman" ani kuya Ghi habang tinitignan ang pitaka.

"Hindi naman ikaw ang magbabayad eh! Libre ko na nga"

Bigla namang nanlaki ang mata ko sa narinig. 

Lumapit ako kay ate saka umangkla sa braso n'ya. 

"Libre mo?... Ako din ah!" panunulsol ko pa.

"Kuripot" maikling komento ni Xavier dahilan para mapatingin ako sa kan'ya at samaan s'ya ng tingin.

Tinanggal ko ang pagkakaangkla ko sa braso ni Ate saka diretsyong tinignan ang asungot na ito. 

"Bakit mas nakakagana kayang kumain kapag libre... Saka 'di ako mayaman" 

Kinunutan n'ya pa akong nang marinig ang huling pahayag ko na para bang hindi kapani-paniwala ang sinabi ko. 

"Really?  Your family is well-known as a result of your businesses... You are all extremely wealthy" proud pa na sabi n'ya na tila sobrang dami n'yang alam tungkol sa amin. 

"Wow! It's as if you're looking into us! You appear to have done some research" nakangiting sambit ko sa kan'ya. "Then it's THEIR business and it's THEIR money, I'm not in it" dagdag ko pa at lalong pinagdiinan ang salitang nila. 

Totoo naman, kasi simula ng tumira akong mag-isa ay ramdam ko nang hindi nila ako tinuturing na kapamilya pwera nalang kay kuya.

Dala ko lang ang apelyido nila, yun lang.

"S'ya tama na yan, sige lilibre ko na kayong lahat para wala ng away... Iiwan muna namin kayo ulit d'yan. Tara na Hon!" sabi ni ate Miyuki saka hinila si kuya Ghi papunta sa kung saan n'ya itinuturo ang kainang nakita n'ya. 

Tamad naman na nagpahila si Kuya Ghi at padabog na naglakad dahil sa pagod na rin raw s'yang magpalakad-lakad. 

Sobrang gala kasi ni Ate, ang takaw pa... Ewan ko ba pero parang hindi s'ya napapagod. 

"Nakakapagod tumayo, tara muna run" sabi ko kay Xavier saka pumunta sa bench...Sumunod naman s'ya sa akin at magkatabi maming umupo.

Diretsyo kong pinagmasdan ang kalangitan sa harapan namin. 

Palubog na ang araw pero tanaw parin namin ang mataas na bundok sa harapan. 

"Ganda ng sunset" sabi ko habang itinuturo ang sunset na nasa harapan namin.

Ang ganda ng kulay nun. Naghahalo ang kulay rosas, kahel, at pulang kulay ng kalangitan.  

"Wait" rinig kong ani Xavier saka kinuha ang cellphone sa bulsa at kinuhanan ako ng litrato.

The Game [Milestonian Series 1] (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon