Chapter 34

35 9 2
                                    

"Nakakainis di tuloy ako nakakain kanina" naiiritang sabi ni Jat habang naka busangot. Kasalanan ko bang nagka plano ng ganun sina Cayleb?

"Ayaw mo pa nun naka pag diet ka? Diba matagal mo ng gustong gawin yun? Umpisahan mo na ngayon" ani Kart habang abalang i-highlight ang notes niya at ako naman ay naka pangalumbaba ay malayo sa katotohanan.

"Tse!"

"Whoiii nag di-day dream ka ba? Kanina ka pa naka tunganga dyan" ani jat at para akong na buhusan ng tubig nang marinig ko ang snap niya.

"Wala sumakit lang ang ulo ko bigla." palusot ko saka hinawakan ang ulo.

"Tapos nanaman ang klase natin eh. Bili muna tayo ng makakain natin para may laman na din yang tiyan mo." sabi ni Jat habang kinukuha ang wallet sa bag niya.

"Sa cafeteria? Ayokong pumunta doon" nag tataka akong tinignan nina kart at Jat na para akong may sinabing mali. "Baka kasi nandoon si Cayleb. Sa circle na lang tayo hindi nya alam na pumupunta ako doon"

Tinanguan lang nila ako saka kami umalis para pumunta sa circle ni Kart habang si Jat naman ay abalang pumunta sa Cafeteria para bumili ng mga pagkain.

Ilang minuto lang ay agad ring nakarating si Jat dala ang mga pagkain.

"Ayos na ba ang pakiramdam mo?" tanong ni Kart habang sumusubo.

"Oo naman hindi na masama ang pakiramdam ko di gaya kahapon."

"Alam ko" sabi niya kaya inirapan ko siya.

"Para kang ewan. Alam mo naman pala eh tatanong ka pa" sabi ko habang nakataas ang kilay.

"Ang ibig kong sabihin kamusta na ang pakiramdam mo matapos mangyari yung kanina sa quadra." she asked.

"Hindi okay pero kailangang maging okay." sagot ko.

"Eh ano namang nakuha mong aral sa nangyari sa inyo ni Cayleb?" chismosong chismosong tanong ni Jat sa akin.

"Dont depend your happiness on other person, you need to prepare yourself for the possibility that you may be hurt. Dapat kung mag mamahal ka wag mong kalilimutang tirahan ng pag mamahal ang sarili mo"

"Naks may lesson din naman palang nakuha si gurl eh!" proud na proud na sabi ni Jat habang pumapalakpak. Nakita kong tumingin sa amin ang isang estudyanteng nag rereview sa circle kayat agad kong hinawakan ang kamay ni Jat para matigil sya sa kapapalakpak. Nag peace sign naman siya. Pero di na siya pinansin ng estudyante sa halip ay tumayo na lang ito at umalis.

"Quiet ka lang kasi sis masyado kang na eexcite eh" saway ni Kart.

Tapos na kaming kumain at mahina na lang kaming nag kukwentuhan ng biglang dumating si Janica at sagiin lahat ng inumin na nasa tapat namin kaya mabilis na gumapang ang tubig at agad na natapon  ito sa aming tatlo.

"Bruha ka. Anong trip mo?!"nang gigigil na sabi ni Jat. Buti na lang at wala ng estudyanteng nag rereview dito dahil kung hindi ay baka galit na galit na sila sa amin.

"Mukha ka kasing hindi pa naliligo" pang aasar ni Janica kaya lalong napikon si Jat.

"Ah talaga? Ikaw kaya paliguan ko" kinuha ni Jat ang natirang baso ng tubig at akmang ipapaligo nga ito kay Janica kaya agad namin itong pigilan ni Kart.

"Calm down. Be patient" utos ni Kart kay Jat.

"Patient? Konti na lang din sa akin yan magiging Patient yang babaeng yan!" galit na galit na sabi ni Jat at pinipilit na alisin ang kamay naming naka hawak sa kaniya.

"Why can't you try? Try Jat, Try" nanunubok na sabi ni Janica halatang ng aasar.

"kung wala tong dalawang to nagawa ko na" tinignan niya kami ni Kart na parang kami pa ang may kasalanan pero hindi namin sya binitawan. "Ang sarap mong pusunan para mag ka dysmenorrhea ka kahit wala kang dalaw!"

"I dont Care Mr. Easton so shut your mouth hmm?" sabi niya saka lalong lumapit kay jat.

"Can you please stop? Ano bang ginagawa mo dito?" naiinis na tanong ko. Nakakagigil eh.

"Nandito ako para sabihin sayong masyadong mataas ang tingin mo sa sarili mo. Nag mamakaawa na si Cayleb sayo pero wala kang pakialam" sagot niya.

"Nandito ka para lang sabihin yun? Ang effort ah sarap kutusan" ani kart habang seryosong seryoso pa din ang mukha. Kaya di ko napigilang matawa. Nakita ko namang naningkit ang mata ni Janica.

"Hindi mo alam ang kwento at labas ka na dun Janica wag kang epal"hindi niya inaasahan na masasabi ko yun sa harapan niya kayat lalong naningkit ang mata niya"at kung ako sayo hindi na lang ako mang hihimasok dahil bukod sa bida bida ka hindi ka naman talaga kasali."

"Ano ba ang kwento? Na niloko mo sya dahil shinota mo ang bagong myembro ng fusion?" anlakas makisali wala naman palang alam sa nangyari. Dakilang Pampam.

"Wala ka ngang alam. Una sa lahat walang kami ni Xavier hindi ko sya shinota dahil alam kong may boyfriend ako. Pangalawa, hindi porket nakita niyong nag mamakaawa si Cayleb ay siya na ang kawawa." paliwanag ko sa kaniya saka ako lumapit sa kaniya. "Bakit ka na gagalit? Hindi ba ito ang gusto mong mangyari? Wag kang peke hindi ka naman made in China"

"kung hindi mo na sya mahal please Elle. Nag mamakaawa ako wag mo syang pahirapan at---"

"At ibigay ko sya sayo ganun ba?"

"Pathetic ka ghorl?" narinig kong bulong ni Jat sa gilid ko.

"Hindi ko magagawa yun dahil hindi ko na sya hawak ngayon. Minsan na kitang naging kaibigan Janica at pinahahalagahan ko pa rin yun. Pinaaalalahanan lang kita, tigilan mo na si Cayleb masasaktan ka lang. Alam kong hindi mo gustong matulad sa akin kaya tumigil ka na, kung hindi mo mapigilan tali mo ang sarili mo baka gumana." sabi ko nakita kong manlisik ang mata niya kaya napangisi ako ng saglit at nakita ko rin sina Kart na pinipigilan ang tawa.

Aalis na sana kami pero gusto kong dagdagan ang advice sa kaniya kaya bumalik ako.

"baka sabihin mo di kita binibigyan ng choices. Kung gusto mo pa din. Lumuhod ka sa harapan niya, sambahin mo baka umubra." nakangisi kong sabi. Saka iniwan siyang nakatulala.

"Iyak ka?"nilingon ko si Jat ng marinig ko ang sinabi. Nakita ko ang mapang asar niyang mukha habang kinakausap si Janica at kitang kita ko rin kung gaano kagusto ni Janica na sakmalin ang mukha ni Jat.  "wala tayong magagawa santa santita ka eh"

"Grrrr. Monster!"gigil na gigil na sigaw ni Janica kay Jat ng makalayo na kami ng konti.

"Tama na" saway ni Kart kay Jat ng akmang lilingon pa ito.

"Alam mo ang boring mo"sabi ni Jat saka niya inirapan si kart.

"Last na lang papabaunan ko lang" pag papaalam niya.

"ewan sayo" sagot ni Kart kaya agad na nilingon ni jat si Janica

"impaktita!"sabi ni Jat kaya malakas ang naging pag tawa namin

The Game [Milestonian Series 1] (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon