Chapter 44

37 7 0
                                    

Mag kasama kami ni Areseyrrih ngayon sa tabi ng mga souvenir dahil hinihintay namin sina Kuya Elix at Xavier na matapos sa pag babayad ng entrance fee namin.

Luminga linga ako at pinag masdan ang paligid. Masaya ako dahil ilang taon na rin ang nakalipas nung huli akong pumunta dito pero nalungkot rin ako habang pinag mamasdan ko ang paligid. Konti na lang ang puno, hindi na pantay pantay ang mga damo, nabawasan na ang preskong hangin, at hindi na ito katulad ng dati.

"Ang ganda rito no?" ani Areseyrri habang abala sa pag kuha ng litrato.

"Mas maganda ito dati."

Itinigil nya ang pag kuha ng litrato saka ibinalik sa bag niya ang phone niya.

"Elle pala ang pangalan mo."

"Oo bakit?"

"May tinatawag kasing Calix si Xave. Akala ko ikaw yun"

"Ako nga yun. That's my second name Calixta." nginitian ko siya. Nakita ko naman ang pag kagulat sa mukha niya.

"Oh? Ang ganda ng pangalan mo." Tumingin siya ng diretso sa akin at animoy kinikilatis ang bawat parte ng katawan at mukha ko. "Hindi ako nag tataka kung paano ka na gustuhan ng kapatid ko. Maganda ka"

"Thank you"

"Alam mo ang saya ko dahil sa wakas nabaling na rin ang atensyon ni Xave sa iba. Noon kasi ay masyado siyang seryoso, walang gustong kausap, laging mag isa sa kwarto."

"Bakit?" naisip kong baka dahil sa Ex niya na si Maidall pero para makasigurado ay itinanong ko pa rin.

"Dahil sa Maidall na yun." saglit siyang napa irap matapos bangitin ang pangalan na yun. "Nag tataka nga ako dahil ang lakas ng loob niyang saktan at ipag palit ang kapatid ko eh hindi naman siya kagandahan, hindi mukhang matalino, hindi sexy ,at higit sa lahat nakakasuka ang ugali."

Nagulat ako sa sinabi niya. Naconscious tuloy ako bigla. Baka ganun din ang isipin niya sa akin. Mukhang napansin niya ang pagka ilang ko.

"Don't worry mas lamang ka kay Maidall. Hindi ko nga alam dahil kahit saan parte kita tignan wala akong makitang kapintas pintas sa iyo. You're close to perfection." Nasamid ako sa sariling laway dahil sa papuri niya. Iba talaga ang pakiramdam kapag maganda ang pumuri sayo.

"Paano kayo nag kakilala ni Kuya Elix?"

"Ka blockmate ko siya. Una ko palang kita sa kaniya nakita ko ng habulin siya ng mga babaeng easy to get at hindi nga ako nag kamali doon. Nung una rin tinatak ko sa sarili ko na never akong mag papaligaw sa lalaking katulad niya dahil sa sobra syang maloko. Pero ang ibig sabihin pala nung sinabi ko noon na di ako mag papaligaw sa katulad niya ay dahil gusto ko ay sa kaniya mismo." Kwento niya. base sa pag sasalita ni Areseyrrih halata na pranka siya na may pagka seryoso katulad ni Xavier.

"Pinag uusapan niyo nanaman ang kagwapuhan ko" mayabang na ani Kuya sabay akbay sa amin ni Areseyrrih.

"Yabang! Alam mo naiisip ko minsan baka hindi kita kapatid masyado kang mahangin. Try mo kayang itanong kina Mommy kung may kapatid kang ipo ipo." inirapan ko siya saka tinanggal ang kamay sa akin. Luminga linga ako para hanapin si Xavier pero hindi ko siya nakita.

"Looking for Xavier?" tanong ni Kuya. Hindi ko siya sinagot. "Nasa Cr siya baka tinawag ni inang kalikasan."

Narinig kong hinampas siya ni Aresyerrih kayat hindi ko na siya pinag tuunan ng pansin sa halip ay derederetsyo na lang ako sa pag lalakad.

The Game [Milestonian Series 1] (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon