Chapter 6

66 14 0
                                    

Hindi naman nagtagal ay natapos na rin kaagad ang practice namin kaya't maaga akong nakauwi sa bahay. 

Agad akong pumunta sa studio na nasa second floor ng bahay ko para gumawa ng mga steps para sa susunod na sasayawin namin.

Tatlong sayaw daw ang ipe-perform namin sabi ni TJ kaya kailangang walang oras na masasayang.

Matapos kong gumawa ng steps para sa pangalawang sayaw ay narinig kong nagbeep ang phone ko kaya't kinuha ko iyon at binuksan.

From:09*********

Hello Calix :) You did really great earlier.

Earlier? What did I do earlier? Nagtataka na talaga ako rito ah.

I'm not sure if I should respond to him or end our communication but there is a part of me that really wants to continue talking to him.

To:09*********

What do you mean? Saan ako magaling?

Kailangan kong malaman kung sino ba talaga siya at kung ano ang pakay niya.

From:09*********

Sa pagsasayaw... Ang galing kaya.

Nagturo ako sa Fusion kanina pero 'di ako sumayaw sa labas ng studio.

Parang, siguro... Sigurado na ako, kabilang siya sa amin.

To:09*********

Alam ko na Fusion ka... But who are you?

I waited for his reply, but after five minutes, he still hasn't. 

I put my phone down before going to the kitchen to get some water. 

May narinig akong nagbeep kaya patakbo kong binalikan ang phone ko.

From:09*********

Yeah Fusion ako... Sige na Calix, I have to go...

I'm going crazy and...and this is not good...

Is he watching me?... He always knows what I'm doing... Is he a stalker of mine?.

Why is he doing this?!

Kahit mahirap ay kinalimutan ko na muna ang mga nangyari kanina.

Wala rin naman akong makukuhang sagot kung patuloy kong tatanungin ang sarili ko.

5:15 pm, maaga pa pwede pa kaming pumunta sa Mall nina Jat at Kart.

I remembered my promise to them that we would have a bonding, so I took out my phone and called them right away.

"Are you guys free today?"

[Aha, why?]

"Ah let's go out?"

[G na G ako r'yan sissy namiss kita eh!]

Mabilis kong inilayo sa tenga ang telephono dahil sa lakas ng boses ni Jat.

Basta talaga gala ay g na g s'ya.

[Yeah G din ako natapos ko na kasi yung book na binabasa ko,] sagot ni Kart.

"That's good! I'll pick you up." 

The Game [Milestonian Series 1] (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon