Chapter 9

51 12 0
                                    

10:00 Pm magsisimula ang Acquaintance party. Ang oras ngayon ay 8:09 Pm ilang oras na lang ay magsisimula na ang party kaya sigurado akong nag-aayos na sina Kart at Jat ngayon.

Nagdadalawang-isip ako kung susuotin ko ba talaga ang piniling dress sakin nina Jat at Kart. Masyado kasi itong pasexy.

Habang nag-iisip ako narinig kong nagring ang phone ko kaya kinuha ko ito at sinagot.

"Hello?"

[Elle! si Kart to nagpalit ako ng number kasama ko si Jat ngayon.]

"Oh bat napatawag kayo?"

[Girl tatanungin ko lang kung nakaayos ka na] sabi ni Jat.

"Hindi pa bakit?"

[Ayun tumpak! Isang malaking check ng roygbiv na ballpen! Sama ka samin ni Kart magpapaayos kami] masayang anito.

[Oo Elle sama ka samin ni Jat... Pero syempre sunduin mo kami ah] ani Kart.

"Sabi na eh! Nako kayo ah, sige punta na ko" sabi ko sa kanila saka pinatay ang tawag.

Ginagawa talaga nila akong personal driver nila tsk.

Bumaba na ako at naligo. Pagkatapos maligo ay binlower ko ang buhok ko... Dinadala ko narin ang bag ko na may lamang mga damit at sapatos ko na kakailanganin mamaya saka ko kinuha ang susi ng kotse at umalis ng bahay papunta sa bahay nina Kart.

Nang makarating na ko sa bahay ni Kart ay tinext ko na sila para malaman na nandito na ko.

To: Kart

Nandito nako labas na.

Di naman nagtagal ay nakita ko na silang lumabas ng bahay at pumasok na sa sasakyan ko.

"Uy sis, may sandals ka na ba na iteterno sa dress mo?" tanong ni Jat sakin.

Naisip ko wala pa nga akong sandals. Ano naman kayang iteterno ko dito?

"Wala pa nga eh. Pero diba uso naman yung mga sneakers ang itineterno sa dress... Sneakers na lang kaya"

"Huh? Baduy naman sis naka gold dress ka tapos sneakers? girl acquaintance party yun ah." sabi ni Jat.

Makatanggi naman siya para namang sobrang kadiri ng sinabi ko ah.

"Maaga pa naman saka malapit lang yung Mall... Elle daan ka muna sa Mall bago tayo pumunta sa salon bili muna tayo ng sandals mo." sabi ni Kart na parang may nasa isip na syang bibilhin.

Sinunod ko ang utos nya at dumaan muna kami sa Mall. Pumunta agad kami sa Celine dahil yun ang sabi ni Kart.

Nakakita sya ng transparent glass sandals na may two inches heel at yun ang pinasukat nya sakin.

"Kart ano to Cinderella lang ang peg? Nakakatakot kaya maglakad pag alam mong salamin ang tinatapakan mo."

Kahit kailan talaga ay hindi ako nagpakababaeng-babae. Iyon pa nga lang na magpalda ay inaayawan ko na.

"Maganda naman ah" Ani Kart saka tinignan iyon muli.

"Oo te maganda... Nako kung babae lang ako makikipag-agawan pa ko sayo dyan sa sapatos na yan." Paggatong pa ni Jat.

Anong magagawa ko e mas babae ka pa nga sa akin.

"Bilhin na natin Elle kasya naman eh saka bagay sa paa mo... Dali na malapit ng magsimula ang acquaintance magpapaayos pa tayo." sabi ni Kart.

The Game [Milestonian Series 1] (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon