: Weapons

568 26 0
                                    

Meron nalang 26 students ang natitirang nanalo sa training na naganap kanina. All in all 52 kameng lahat. 'Yung kalahating natalo ay out na. May rewards daw ang mananalo sa lahat ng quarter.

Tinignan ko ang paligid at napansing nakaupo lahat ng ibang sections at mukhang kanina pa kame pinapanood.

Nahagip ng mata ko ang p'westo nila Claire at nakitang nakatingin ang mga ito sa'kin.

Nginitian nila ako at binigyan ng Okay sign, kaya tinanguan ko sila.

"Okay five minutes break is over. Now let's move on to the 2nd quarter which is the weapon training. All you have to do now is to pick the assigned weapon for you first." paninimula ni ma'am

"Only your section nalang ang hindi pa nahahanap ang assigned weapon ng bawat isa. Doon sa mga natalo, next training n'yo pa makukuha ang sa inyo, so let's start." dugsong ni ma'am at pumunta sa gitna

Sumunod kame kay ma'am at nakitang lumapit s'ya sa isang table na maraming nakalatag na weapons.

"Mahahanap n'yo ang assigned weapon n'yo kapag nag-react ang hahawakan n'yong weapon. Hindi ito para sainyo kapag nakoryente kayo. Now hanapin n'yo na!" paliwanag ni ma'am

Lumapit kame sa table. Ang iba sa mga kaklase ko ay inisa-isang hawakan ang mga weapon at panay ang daing nila. Ang iba naman ay nahanap agad ang kanila.

Tinignan ko muna isa-isa ang mga weapons na nakalagay dito. Swords, daggers, whip, gun, bow and arrow, knives, wands, sharp cards, and etc.

Habang tinitignan ko isa-isa ang mga weapons, nakaramdam ako ng enerhiyang nagmumula sa dulo ng table na ito sa may left side.

Nilapitan ko ito at tinignan ang mga nakalagay dito.

May tatlo na weapons ang nakalagay dito na sa tingin ko ay mga kakaiba. Merong bow and arrow na may symbols na nakalagay, same with the wand and scythe.

"These are the powerful weapons we have."

Napalingon ako sa tabi ko dahil biglang nagsalita si ma'am. 'Di ko naramdaman ang presensya n'ya.

"Five powerful weapons ang meron tayo. 'Yung isa ay ang sword na nakay Princess Eichine, the symbol of the sword is 'Light' which creates life. Princess Eichine is the Goddess of Darkness but the sword choose her so hindi s'ya nakabase sa Meiz ng holder." she explained

"The second weapon which is the whip is nakay Claire, ang simbolo naman ng whip na 'yun ay 'suffering'. Claire is a powerful student who has the power of  Necromancy, she can summon demons and could transfer into one. 'Pag hawak n'ya ang whip na 'yun ay sobrang lakas n'ya, to the point na p'wede sya'ng maging prinsesa ng kadiliman." ma'am continued

Napansin kong nakikinig na rin pala ang iba kong kaklase.

Sword of light which creates life is handled by the Goddess of Darkness? Not bad. And Claire having the power of 'Necromancy'? Isama pa ang whip of suffering? What a powerful person they are. Ang swerte ko naman at guardian ko si Claire, ligtas na ligtas ako!

"The symbol of that bow and arrow is 'Peace'. Kayang i-frozen ng weapon na 'yan ang mga matatamaan n'yan. Frozen hindi gamit ang yelo,but 'yong buong katawan talaga."

"I thought kay Prince Gabriel ang bow and arrow na 'yan?" I asked

"Yes, sakan'ya nga iyan. Na'ndito 'yan kase gusto n'yang makita ng mga bagong estud'yante. But he can summon it naman kahit malayo s'ya." ma'am answered

"Iyong wand naman symbolizes 'Intelligence'. That wand can make everything you want to make. May limitations ba ito? Meron po, and that is anything related to the owners of the five powerful weapons for example, the future owner of that weapon wants to make or steal the sword of light and copy that power. Hindi n'ya p'wedeng gawin ang ganung bagay." What a powerful weapon this is.

"Last is the scythe, that symbolizes 'Death'. Maraming kayang gawin ang weapon na 'yan katulad ng sword of light. Kinakatakutan ito dahil ang matutulis na edges nito ay nakakapagdala sino mang matatamaan nito sa kamatayan."

"Eh ma'am hindi po ba magkalaban ang may hawak ng sword of light and scythe of death?" tanong ng isa kong kaklase

"Depende sa kanila 'yon kung anong gugustuhin nila." sagot ni ma'am

Pagkatapos ng paliwanag ni ma'am isa-isa ulit na hinawakan ng mga kaklase kong wala pang napipiling weapons ang tatlong powerful weapons at laking gulat namin ng nagkakaroon sila ng sugat kapag nahawakan ang mga ito kaya naman lumayo na sila at naghanap ng bago.

Tinignan ko ulit ang tatlong weapons na ito at lumapit sa table. Sinubukan kong hawakan ito lahat pero gaya ng iba nagkaroon lang din ako ng sugat.

Sinubukan ko namang hawakan ang scythe na hindi ko pa hinahawakan. Laking gulat ko ng bigla itong umilaw at nagbago ang kulay. Naging kulay pula ito na hinaluan ng itim.

Napakaganda tignan.

"Congratulations Ashley, the scythe of death choose you to be it's owner!" sabi ng biglang sulpot na si headmistress.

"Ahm, thanks." sagot ko

"Use it wisely Ashley." sabi pa n'ya

"I will."
~


Votes and Comments are highly appreciated!
Enjoy reading!
Lovelots! ❤

Kaisei High: Not So Ordinary School [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon