Chapter 1

1.4K 47 25
                                    

I AM busy preparing our foods this morning nang may biglang nag-doorbell. 'Di ko alam kung sino. Kaya in-iwan-an ko muna 'yong niluluto ko para pag-buksan kung sino man ang nag-do-doorbell.

“Hi, Sam,” si James ang kaibigan at secretary ni Ethan.

“Si Ethan?” hanap nito kay Ethan.

“Naku! tulog pa siya,” ngiti kong sagot sa kaniya. Natutulog pa rin hanggang ngayon si Ethan. Dahil late na siya kagabi umuwi.

“Ah, gano'n ba.”

“Sandali, tuloy ka muna at gi-gising-in ko lang siya.” Nilakihan ko ang pagbukas ng pinto ng gate para maka-pasok siya sa loob ng bahay at saka ko siya in-iwan sa sala. Para gisingin ko si Ethan na nasa kuwarto ngayon na-tu-tulog.

“Mahal, gising na. Nasa baba si James hinahanap ka,” sabay tapik ko sa kaniya para gisingin siya.

Bigla nalang nito h-in-atak ang kamay ko hanggang sa mapa-higa ako ngayon dito sa tabi n'ya at pagkatapos niyakap n'ya ako. Napatili tuloy ako, kabigla.

“Mahal, ano ba. Gumising kana nasa baba si James,” saway ko sa kaniya.

“Give me a time na ma-yakap ka please...” malambing na pagsusumamo nito sa akin habang naka-pikit ang mga mata n'ya at yakap n'ya pa rin ako.

“I Love you,” biglang sambit nito sa akin. Naka-unan ang ulo ko sa braso n'ya. Tapos ang isa n'ya namang braso ay nakadantay sa bewang ko.

“I Love you too...” matamis kong sagot sa kaniya sabay dampi n'ya ng halik sa noo ko.

“No, mas mahal kita, kayong dalawa ni baby.” Hinimas nito ang tummy ko.

Nga pala, Im pregnant.Kasal nalang 'yong kulang para sa aming dalawa. Napag-planuhan na rin namin 'yong tungkol sa kasal 'pag naka-panganak na ako. Gusto rin ni Ethan, bago kami i-kasal. Maging maayos na sila ng family n'ya at sana tatanggapin na nila ang relasyong meron kaming dalawa ni Ethan. Maging okay na ang lahat.

“Baby, hello. Si daddy 'to. I promise na magiging mabuti akong daddy pag na-i-silang kana,” sabay dampi n'ya ng halik sa tummy ko. Bumangon talaga ito para dampihan ng halik ang umbok kong tiyan ngayon.

“Alam mo, naninibago ako sa 'yo. Bakit ang sweet mo tapos iba, eh. Mahal, bakit ka ganiyan?” Tumawa ito kaya sinamaan ko siya ng tingin. Naninibago talaga ako sa kaniya.

“Mahal naman. Matagal na akong sweet sa 'yo, 'no.  Saka nag-la-lambing lang minsan lang kaya, 'to,” sabay kindat n'ya sa akin na nagpapa-cute.

“Bumaba na tayo. Nasa baba si James, nag-hi-hintay sa 'yo. Baka na-inip na 'yon,” paalala ko sa kaniya.

“Wait, give me a time na mayakap ka,” sabay himas n'ya ulit sa tummy ko at niyakap n'ya ako ulit.

“By the way, 'pag may time ako
sama tayong mag-mall para bumili ng mga gamit ni baby.” Nabigla ako sa sinabi nito. Namilog nalang ang aking mga mata sa tuwa na nararamdaman ko ngayon.

“Mahal, huwag ka ngang excited. Matagal pa akong manganganak at saka, 'di pa naman natin alam 'yong gender ni baby, eh. Kung girl ba siya o boy,” suhestiyon ko sa kaniya. Ngumiti lang ito sa akin na halatang masaya nga at excited.

“Okay na 'yon, mahal. Nang sa gano'n ready na tayo sa mga gamit n'ya pag lumabas na siya,” excited na pahayag nito. Napangiti nalang ako sa kaniya.

“Awiie! ang sweet ni daddy, oh! Alam mo, mahal. Ang swerte ng magiging anak natin dahil may daddy siyang kagaya mo na ma-alaga.” Ngumiti ito sa sinabi ko at saka n'ya ginulo ang aking buhok na agad kong in-irapan.

Soon to be Mrs. AlacantaraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon