Mabilis lumipas ang mga panahon at malapit na din akong manganganak. Excited na akong makita ang Baby girl ko.
"Baby ko malapit kanang lumabas Excited na si Mommy"natutuwang sabi ko sabay himas ng tummy ko. Lumalaki nadin ang tiyan ko kaya minsan nahihirapan akong maglakad lalo na nga malaki na ang pinagbubuntis ko.
"Maam ako na po"
"Ah sige Ito po" sabay abot sa kanya ng hose ginagamit sa pagdidilig ng mga halaman lalo na ng mga bulaklak ni Tita.Parang nakaugalian ko na rin ito tuwing umaga lalo na pag wala akong may ginagawa.
"Tapos na po ba doon sa kabila Maam?"
"Opo nadiligan ko na din po jan Manang" sabi ko sa kanya.
" Manang pag may maghanap sakin mamaya sabihin niyo nalang pong pumunta ako sa park"
" Sige po Maam gusto niyo pong samahan ko kayo? "
" Huwag na po. Sige alis na po ako"paalam ko sa kanya.
Sabi kasi ni Doctora kailangan ko daw maglakad tuwing umaga bilang ehersisyo na din lalo na malapit na akong manganak. Kasi sabi niya daw ito yung paraan para daw di ako mahirapan manganak lalo na sakin na first timer ito kasi yung unang beses na manganganak ako sa Panganay ko. Kaya pag naglalakad daw ako tuwing umaga nakakatulong daw ito para mapadali ang paglabas ni Baby at di ako mahirapan. Malayo layo na din ako sa Bahay at mahaba na din yung nilakad ko may iilan pa akong nakikitang nagjo-jogging na mag asawa, matanda, bata, teen-ager at yung iba kasama pa yung mga alaga nilang Aso. May ilan din na nagbibisekleta at yung iba naman tinutulak ang stroller ng kanilang baby na ang kucute. Sana ganyan din kacute si Baby pag na-isilang ko na siya.
Di nagtagal napagdesisyunan ko na bumalik na din sa bahay siguro okay na din itong paglalakad ko. Pagdating sa bahay nagpahinga muna ako bago naligo. Pagkatapos nilabhan ko na din yung mga damit na sinuot ko minsan sina Manang yung naglalaba pero minsan talaga ako lalo na nahihiya ako tapos nasanay akong na ako naglalaba ng mga damit ko lalo na ng bata pa ako tinuruan kasi ako nila Lola na maging independent yung di umaasa sa mga gawaing bahay.
...
Bigla akong nagising ng tumunog ang cellphone ko may text message pala kaya binuksan ko.Hi Sam Dinner tayo mamaya. Susunduin kita jan sa bahay mga 6 o'clock .See you
Si Kuya ang nagtext tatawagan ko sana siya kaso 'out of coverage area' na daw siya.
Napansin ko din na alas kwatro na pala ng hapon kaya tumayo na ako para mag ayos dahil baka mamaya nandito na si Kuya para sunduin ako. Ayaw ko sana kasi tinatamad ako kaya gusto ko sana siyang tawagan kaso di ko naman siya makontak kaya No choice ako wala naman siguro mawawala pag pumayag akong makipag dinner sa kanya.Tsaka minsan lang naman baka ito na yung last at sa susunod di na kami makapag dinner pa at lumabas pa na magkasama.
"So tara na!!!"yaya sakin ni Kuya pagkadating ko sa labas kung nasaan naghihintay na siya sakin.
"Thank you po" sabi ko ng siya na ang nagbukas ng pinto ng kotse niya para sakin.Pumasok na din siya sa kotse niya at nagmaneho paalis.
"Traffic" biglang sabi ni Kuya ng tumigil sa gitna ng kalsada ang kotse dahil nga sa traffic.
Di rin nagtagal yung traffic hanggang sa makarating kami sa Restaurant kung saan niya din dati ako dinala dito.
"Good evening Maam, Sir" bati sa amin ng receptionist.
"Table for two po? "tanong ng receptionist na nakapwesto sa entrance ng Restaurant.
"Actually nakapagreserve na ako"
"Okay wait lang po sir"sabay tawag ng receptionist sa waiter.
"Mr.Alcantara?"tanong ng waiter.
"Yes" sagot ni Kuya.
" This way po Maam and Sir"tinuro ng waiter kung saan kami uupo ni Kuya.
"Ipaghanda na po ba namin yung pagkain niyo?"
"Sure"
"Okay po.Iseserve na po namin"sabay alis ng waiter.
" Maam, Sir wine po muna kayo habang hinihintay na mai-serve yung pagkain niyo" alok ng waiter sabay lagay ng wine sa baso namin.
"Thank you" sabi ko.
"Heto na po pagkain niyo" sabay lagay ng isang waiter ng mga pagkain namin sa lamesa.
"Enjoy po Maam, Sir" nakangiting sabi samin ng waiter sabay alis.
"Masarap ba?" tanong ni Kuya ng sinubo ko yung beefsteak.
"Opo"tipid na sagot ko.
"Dalawang beses na tayong lumabas ngayon diba?"tanong niya sakin.
"Ah Opo hehehehe"
"Sana maulit ulit"tuwang sabi niya na nginitian ko lang.
Gusto ko naman siyang makasama na lumabas katulad nito kaso yung natatakot ako lalo na baka maissue kaming dalawa. Lalo na di naman kami tsaka may Girlfriend siya paano nalang pagnalaman niya yung tungkol dito edi mapapaaway ako.Gusto ko lang yung lumalabas kami tipong casual lang na parang wala kaming label na magkarelasyon ganun.Masaya naman talaga si Kuya kasama lalo na marami siyang kinekwento na tiyak di ka mabobored.
"Tikman mo tong salad nila masarap daw to isa sa mga Best seller nila at syempre Speciality din nila dito.Sayang di natin natikman dati.Try mo"sabay lagay ng salad sa plato ko.
" Masarap nga po"matapos kong isubo ang salad.Perfect yung pagka malinamnam tapos di siya gaanong matamis parang Tama lang kaya masasabi mo talagang worth it ito pagnakain mo the best.Di na ko magtataka kong bakit ito yung Best Seller nila.
"Signature dish daw yan ng may ari ng Restaurant na ito"
"Ah ganun po ba.Paano niyo po nalaman siguro close kayo ng may ari nitong Restaurant"biro ko sa kanya.
" Super close since Elementary magkaklase na kami"
" Weh yung Totoo?"di makapaniwalang tanong ko sa kanya dahil nagulat ako kakilala niya pala yung may ari ng Restaurant na ito kaya pala dito niya ako dinadala.
"Yeah.Actually doon na siya sa Canada ngayon may sarili na din siyang pamilya doon tapos may ganito din siyang Restaurant doon pero ito yung Main branch talaga kasi ito yung una niyang tinayo"
" Wow.Totoo po swerte ng kaibigan niyo.Tapos parang Jolibee at Mcdo po pala lalo na yung may mga branch doon sa Abroad"
" Ganun naman talaga walang impossible lalo na pag pinagtitiyagaan mong makamit ang mga pangarap mo.Manalig kalang sa Diyos walang impossible.Kaya nga ako lahat ginagawa ko basta mapasagot ko lang siya"sabay tingin sa mga mata ko ayaw ko talagang mag assume ha pero nararamdaman kong parang ako yung tinutukoy niya.
" Corny niyo Kuya kain na po kayo baka nagugutom lang kayo"biro ko nalang sa kanya tapos ayon tumawa siya.
" Nabusog ka ba?" tanong ni Kuya pagkalabas namin ng Restaurant matapos niyang bayaran yung bill namin doon sa Cashier.
"Oo naman.Kayo po?"
"Ako pa ba lalo na kasama kita kaya mabubusog talaga ako"sabay tawa di ko alam kung ano yung mga pinagsasabi niya.
" Hahahahahha grabe ka naman Kuya" nasabi ko nalang sabay tawa.
Nakasakay nadin kami sa kotse pauwi at buti nalang di na traffic kaya mabilis kaming nakarating sa Bahay.
"Thank you" sabi ko ng pinagbuksan niya ako at ina-alalayang makababa sa kotse niya.
"Nathan!!!" biglang tawag sa kanya ng isang Babae.
BINABASA MO ANG
Soon to be Mrs. Alacantara
General FictionSamantha Rodriguez Babaeng naghahangad na maikasal sa lalaking gusto niyang makasama habang buhay.Unang kilala niya palang sa lalaki ay wala na siyang hinihiling pa kundi ang maikasal at maging...... Soon to be Mrs. Alcantara Started on: February 17...