"What!!!"sigaw ni Julia nandito kasi kami ngayon sa Restaurant kung saan namin napag isipan na dito magkita.
"Bunganga mo"saway ko dito lalo na nakaagaw atensyon na kaming dalawa may ilan kasi sa mga Customer na tumitingin sa akin.
"Ang kapal talaga ng pagmumukha yang hilaw mong biyenan bakit pati bahay niyo pinakikialam niya pa"galit na sabi nito.
"Yun nga Sis eh.Never niyang pinaalam sa akin yung tungkol sa bagay na yan"
"Paano na yan?"nag alalang tanong nito.
"Alam mo mabuti pa siguro doon kana sa akin hangga't maaga pa dahil di natin alam baka ano pang gawin sayo nun.Lalo na sabi mo nga dapat nasa kanila yang magiging anak mo."
"Pag isipan ko muna Sis"naguguluhang sagot ko sa kanya.
"Huwag kanang mag isip gawin mo ngayon na!!!.Tsaka dati sinasabi ko na sayo na kung maari lumipat na kayo sa akin.Ano bang meron sa mansyon ng mga Alcantara na yun na ayaw mong umalis.Hoy....Samantha ni piso wala kang mamanahin doon maliban nalang sa anak mo"tama siya may point siya.
"Alam mo kasi pag umalis ako parang yung nahihiya ako lalo na kay Tito na pinatira ako sa mansyon nila.Just give me a time pag iisipan ko na di sila mabibigla"pangako ko sa kanya.
"Sige basta Welcome kayo doon sa Condo ko"ngiting sabi niya.
Tuloy lang kami sa pagkain marami din kaming pinag usapan.Siguro hangga't maaga pa ay aalis na ako sa mansyon para sa ganun mailayo ko ang anak ko mahirap na baka totohanin ni Tita yung sinabi niya sa akin dati na ilalayo niya ako sa anak ko at yun ang di ko hahayaang mangyari.
Siyam na buwan siyang nasa sinapupunan ko tapos ganun ganon lang kahit sinong ina na kagaya ko hindi hahayaang mangyari iyon.Dahil di tuta itong anak ko na ibibigay ko lang kailangan ko talagang ipaglaban ang karapatan ko hanggang sa makakaya ko lalaban ako di ko hahayaang maging talunan sa huli.
"Sam"bati ni kuya kakauwi ko lang kasi at siya kakalabas niya lang ng kwarto niya na katabi ng kwarto ko.
"Kuya kayo po pala"ngiting sabi ko sa kanya.
"Nga pala nabalitaan ko kay Doctora na babae yung pinagbubuntis mo"sabay tingin sa tiyan ko na tinaguan ko lang sabay himas sa umbok ng tiyan ko.
"Nga pala ngayon ko lang po kayo nakita dito?"tanong ko lalo na ngayon ko lang siya nakita.
"Ahh may inaasekaso lang"sabay himas sa batok niya.
"Sige magpahinga po muna ako"pagpaalam ko sa kanya.Diretso lang ako sa paglalakad ng bigla nitong hawakan ang braso ko na ipanagtataka ko naman kaya nilingon ko siya.
"Bakit po kuya?"nagtatakang tanong ko.
"Ahh wala"nahihiyang sabi nito sabay bitaw sa braso ko.Di ko alam pero di siya makatingin ng diretso sa akin at makikita mo talaga sa mga mata niya na may gusto siyang sabihin sa akin pero di niya masabi dahil marahil nahihiya siya.
"Ahh a..aalis na po ako"nauutal kong sabi na tinanguan niya lang sa huli.
Di ko na siya nilingon pa ulit may something sa akin na naguguluhan.Pilit kong winawaksi sa utak ko ang nangyari kanina pero yung buong sistema ko ayaw makisabay.Kung di lang ako buntis siguro kanina pa ako nagtatalon sa inis dahil naguguluhan na ako feeling ko tuloy naii-stress ako.
Gusto ko talagang may kausap na makaintindi sa akin ngayon kaya I decided to log in in my Fb account ang tagal ko narin na di nakapag online.Kaya kailangan ko munang mag online para naman Updated ako sa mga nagaganap lalo na sa Social media ngayon.
Nag iscroll down lang ako sa Newsfeed ko tapos nanood ng mga video yung mga Vlog lalo na na nakakatawa.Nanood din ako ng mga nag Titiktok na ang gaganda at gwapo ng mga nagsasayaw.May ganito na pala ngayon ang tagal ko na kasing di nag oonline kaya ayan tuloy parang napag iwanan na ako.Sad to say but True haysst ang lungkot.
BINABASA MO ANG
Soon to be Mrs. Alacantara
General FictionSamantha Rodriguez Babaeng naghahangad na maikasal sa lalaking gusto niyang makasama habang buhay.Unang kilala niya palang sa lalaki ay wala na siyang hinihiling pa kundi ang maikasal at maging...... Soon to be Mrs. Alcantara Started on: February 17...