Chapter 24

335 9 2
                                    


Warning:Medyo Spg

Nandito kami ngayon sa Dining naghahapunan.Si Tita,Tito at Ate si Baby Amara ay nandoon sa kwarto natutulog.

"Maam si Sir po nandito"biglang sabi ng isang kasambahay at nasa likuran niya si Kuya na kararating lang.

"Son halika sumabay kana sa amin"aya ni Tita pero nabigla talaga ako matapos niya akong tignan sa mga mata kaya ako na ang unang umiwas.

"Mabuti naman at nakadalaw ka"salita ni Ate na nasa tabi ko si kuya naman ay kakaupo lang sa harapan namin.

"Bakit di ba ako Welcome"sabay smirk nito.

"So napadalaw ka"tanong ni Tita.

"Wala namiss ko lang kayo dito muna ako"ngiting sabi nito.

"Ang sabihin mo nag away naman kayo ni Kailee"si ate na naging dahilan ng pagkatahimik ng lahat.

"Eh miss ko nga kayo kumain kana nga lang jan tssk"inis na sabi ni Kuya sabay subo.

Matapos ang tagpo na yun kanina ay nandito ako sa kwarto naisip ko naman yung tungkol kahapon sa pag-uusap naming dalawa ni Kailee.Natigil lang ako sa pag-iisip ng marinig kong umiyak si Baby kaya pinatahan ko muna ito.

Habang pinapatahan ko si Baby napansin kong wala na siyang tubig para itimpla ng gatas niya at ng nakita ko naman na nakapikit ang mga mata niya ay dahan dahan ko siyang inihiga at buti nalang di siya umiyak.Pagkatapos ay bumaba na ako para kumuha ng tubig na pangtimpla ng gatas ni Baby.

Nang nakuha ko na ang tubig ay umakyat narin ako di pa ako nakakarating sa kwarto ko ay nagulat ako ng may biglang humila sa akin papasok sa isang silid.Sa gulat ko sisigaw dapat ako pero agad niyang tinakpan ang bibig ko.

"Kuya"sabi ko ng marealize ko na si Kuya pala ang humila sa akin.

Agad niyang tinanggal ang mga kamay niya na nakatakip sa bibig ko at isinarado ang pinto.

"Please kahit ilang minuto lang Sam hahayaan mo akong makausap kita ngayon"pagmamakaawa nito.

"Ano naman ang dapat nating pagusapan?"inis na tanong ko dahil naiinis na talaga ako ngayon.

"Alam kung nagusap kayo kahapon ni Kailee.At kung ano man ang mga pinagsasabi niya sayo huwag mo nalang paniwalaan yun.Kasi aaminin ko sayo ikaw lang talaga ang mahal ko.At kung may Babae man na dapat akong papakasalan walang iba kundi ikaw yun.Kaya please di ko na kaya Mahal na mahal kita Sam"sabay hawak sa pisngi ko.

"Kuya naririnig mo ba yang mga pinagsasabi mo"kontra ko.

"Kuya"tawang sabi niya na di niya nagustuhan ang pagtawag ko sa kanya na Kuya.

"Nathan Nathan simula ngayon Nathan na ang itatawag mo sa akin"tagis bagang na sabi nito.

"Kuya please pakawalan mo ko hinahanap na ako ni Baby"pagmamakaawa ko sa kanya na siyang dahilan upang higpitan niya ang pagkulong sa akin ng mga braso niya.

"Tignan mo ko sa mga mata"

"Huh?"takang tanong ko pero nabigla ako ng hinawakan nito ang baba ko at hinalikan niya ako sa labi.Pilit ko siyang tinutulak paalis pero mukhang di ko kaya dahil masyado siyang malakas.Heto na naman ang halik niya na siyang nagpapagulo sa buong sistema ko.Kinakagat niya ang labi ko upang sa ganun malaya niyang maipasok ang dila niya sa bibig ko pero pilit kong sinasara ang mga bibig ko ngunit nabigla talaga ako matapos nitong kagatin ang labi ko at feeling ko dumugo ito at yun ang dahilan ng malaya niya akong hinalikan.Patuloy niya akong hinahalikan at nakakapit narin siya sa mga batok ko.

Aaminin ko masarap humalik si Kuya at di maitatangi yun.Sa di malamang kadahilan gumaganti na pala ako sa mga halik niya.Namalayan ko na lamang nakakapit na ang dalawang braso ko sa batok niya at naging dahilan ng pagtawa ni Kuya na nagustuhan niya siguro matapos gumaganti ako sa kanya.Natigil lang kami dalawa ng namamalyan namin na halos mawalan na kami ng hininga na parang mauubusan kami ng hangin.

Di ko na kaya siguro panahon na para aminin ko sa kanya ang nararamdaman ko.Siguro ito na talaga ang panahon.

"Kuya"

"Nathan"pagtatama nito

"Nathan"ulit ko pero ang sarap pala sa feeling na tawagin ko siya mismo sa pangalan niya.

"Sana Okay lang itong desisyun na gagawin ko pero..."nahihiya ko siyang tiningnan at tiningnan niya nalamang ako ng naguguluhan kung ano ang nais sabihin ko.

"Alam Kong mali pero di ko alam kung tama pa ba ito.Kung Tama pa bang mamahalin ko ang kapatid ng dati kung mahal"

"Hahaha pero nagmahal lang ako.Di ko Alam pero feeling ko natutunan na kitang mahalin this time.Alam kong masyadong mabilis pero matagal ko ng tinatago to.Gusto kita"tuloy na sabi ko nahihiya man pero pinilit ko parin na aaminin sa kanya itong nararamdaman ko.

"Sorry kung minahal kita"sabi ko pero agad niya akong niyakap.

"No Don't say Sorry"sabi nito na nakayakap parin sa akin.

"Alam ko naman na may nararamdaman ka sa akin dati pa pero alam ko rin na di mo lang maamin"ngiting sabi nito.

"Feeling mo"tukso ko sa kanya na tinawanan niya lang.

"So"

"Anong So?"tanong ko.

"Tayo na"sabi nito kaya hinampas ko siya sa braso niya.

"Ewan ko sayo.Alis muna ako hinahanap na siguro ako ni Baby"dali dali na akong umalis pero pinigilan nito ang kamay ko.

"Goodnight"nakangiting sabi nito na inirapan ko lang.

"Ingat mamahalin pa kita"habol pa nito pero di ko na siya nagawang lingunin pa.

Nakapasok na ako sa kwarto ko at feeling ko di ako makahinga.Tama ba yung ginawa ko mukhang mabilis yata lahat.Pero natutuwa ako dahil feeling ko naging Okay na yung damdamin ko matapos ang pag-amin ko kanina.Sana Bukas paggising ko Magiging Okay na ang lahat at di dapat ako magsisi matapos ang pag-amin ko kanina kay Kuya ay Nathan pala this day masasanay din akong tawagin siyang Nathan.

Soon to be Mrs. AlacantaraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon