Chapter 19

325 13 0
                                    


Nandito parin ako sa Condo ni Julia dito muna ako ngayon matulog at alam naman iyon ni Manang dahil nagpaalam ako sa kanya kanina na di ako makauwi.

"Ano seryoso?"gulat na sabi nito matapos maikwento ko sa kanya ang nangyari kanina.

"Oo nga yun ang sabi ni Kailee that she is the Fiancee of Kuya Nathan tsssk."galit kong sabi.

"Oh galit ka na niyan hahaha"pang aalaska pa nito sa akin na sinamaan ko lang ng tingin.

"Eh heto nga Maganda ba yung Kailee?Tama?"

"Pwede na"

"Anong Pwede na?"takang tanong nito.

"Pwede ng pagtiyagaan Hahaha"sabay tawa.

"Para kang sira umayos ka nga"saway nito sa akin.

"Alam mo may tanong ako sayo ha?"seryosong sabi nito sa akin.


"Nagseselos kaba?"tanong nito na hindi ko agad sinagot.Di ko alam nagseselos nga ba ako?

"Oh see di ka makasagot it's mean Nagseselos ka nga.Hayssstt Huwag mo akong lokohin ha kilala na kita kaya alam ko kung nasasaktan ka....at isa pa nakikita ko sa mga mata mo na nasasaktan ka nga talaga"diretsong pahayag nito habang nakatingin ng diretso sa mga mata ko.

Di ko na napigilan ang aking emosyon bigla na lamang ako umiyak.

"Shhhh"pagtatahan nito sa akin sabay yakap.

"Natural lang yan eh sa yan ang nararamdaman mo pero tandaan mo kahit magmahal ka ng paulit-ulit kung masasaktan masasaktan ka talaga kaya ilabas mo lang lahat nandito ako"pagtatahan niya parin sa akin sabay punas ng mga luha ko na nasa dalawang mata ko.

"The Best ka talaga.Pero Thank you"at ginantihan ko rin siya ng yakap.

"Kunsabagay parehong Gwapo yung dalawang Alcantara nayan pero malas mo nga lang"alam kong binibiro na naman niya ako kaya kinurot ko siya sa tagiliran niya na sanhi naman ng pagaray niya.

"Ah Basta kung talagang mahal mo na nga si Nathan tandaan ko okay lang sa akin susupurtahan kita"sabay kurot nito sa ilong ko.

Masasabi ko talaga kahit ganito yung Best friend ko She is the Best kaya napakaswerte ko at siya ang naging kaibigan ko.
Kahit ganito siya mahal ko parin ito matagala narin kaming magkaibigan and I always treasure everything just like this is so precious.


Kasalukuyan ako ngayon natutulog dito sa isa sa mga kwarto sa condo ni Julia.Kakatapos lang kasi naming maghapunan at dahil sa pagod na talaga ako ay nagpaalam ako sa kanya na magpapahinga muna ako ngayon.

Nasa ganun ayos parin ako nakahiga hinihintay na dadalawin ako ng antok ko ng parang nakaramdam ako na sumasakit ang tiyan ko.Unang ideya na pumasok sa isip ko baka sa nakain ko ito kaya nagkaganito ang tiyan ko.Pero parang di tama to eh ang sakit talaga di ko maexplain at may isa pang ideya na pumasok sa isip ko na di kaya baka manganganak na ako ngayon.Alam kong itong buwan na to ako manganganak pero parang ang aga naman yata kaya di kona matiis napadaing nalang ako sa sakit.

Sumigaw na ako ng saklolo kay Julia yun nalang ang paraan dahil di ko na talaga kaya.

"Samantha!!!"tanging naibulalas niya.

"Wait anong nangyari sayo?"takang tanong nito na nag alala.

"Di ko alam sumasakit tiyan ko kaya please dalhin mo na ako sa hospital"pagmamakaawa ko sa kanya.

"Sige sige tatawag muna ako ng ambulansya"dali daling sabi nito sabay pindot ng Cellphone niya.

"Samantha"tawag ulit nito sa akin na nagulat na para na kakita ng multo.Tiningnan ko siya ng may pagtataka kasalukuyan parin ako nakatayo habang nakahwak ang mga kamay ko sa tiyan ko dahil sa sakit.

"Your water is Broke!!!!"sigaw nito

"Myghadd malapit na ang ambulansya natawagan ko na please panu to"di mawari na sabi nito habang naka alalay sa akin.

"Relax kalang muna please exhale....inhale"pagpapakalma nito sa akin.

Di rin nagtagal dumating narin ang ambulansya at sinugod na ako sa hospital.Naramdaman ko nalang na inihiga ako sa isang stretcher diretso sa Emergency Room.

"Okay Mrs. relax muna kayo pagsabi kung push ipush niyo po ha"yan ang huling sabi ng doctor bago ako nawalan ng malay.

Nagising na lamang ako na puro kulay puti ang buong paligid at doon ko napagtanto na nasa hospital ako.Naalala ko rin kun paano sumakit ang tiyan ko kaya dali dali kong tiningnan ang tiyan ko at di na ito malaki.Nagulat talaga ako its mean nanganak na nga ako isa lang ang naiisip ko sa mga oras na ito ang makita at masilayan ko ang aking munting anghel di ko na mapigilan ang maluha.

"Gising kana pala"si Julia na kakapasok lang mula sa labas.

"Nga pala binilhan kita ng makakain mo"

"Teka yung Baby?"excited na tanong ko.

"Oh Congrats Sissy"tuwang sabi nito sabay yakap sa akin.

"Welcome to motherhood yung Baby?Nasa Nursery pa siya maya maya nandito na yun"

*Tok *Tok

"Wait buksan ko muna"pagpresinta nitong pagbuksan kung sino ang kumatok.

Nagulat talaga ako lalo na nalaman ko kung sino ang dumating.

"Sissy your Baby"manghang sabi ni Julia.

"Maam ito na po young Baby niyo"nakangiting sabi ng Nurse

Dala dala ng Nurse ang Baby ko kaya tumulo na naman ang mga luha ko it's tears of joy.

"Thank you"sabi ko sa Nurse bago siya lumabas.

Di ko maexplain basta masaya ako ngayon lalo na karga karga ko na ang munting supling ko ang tagal ko itong ninanais.

"Ang cute"tuwang tuwa na sabi ni Julia.

"Ay bakit wala yatang may nakuha sayo tignan mo nga Alcantara grabeng Ethan yun ah"sabi nito na sinamaan ko nalang ng tingin.Tama si Julia kamukha niya talaga ang Daddy niya walang halong biro.

"Hi Baby"sabay hawak sa mga munting kamay niya.Nakakatuwa lalo na ngayon ko lang nagawa ito alam niyo yung saya na nararamdaman ko ngayon.

"Wait teka mukhang may bisita ka yata"takang tanong nito ng may kumatok kaya dumiretso na siya sa pintuan upang buksan ito.

Nagulat ako lalo na napagtanto ko kung sino ang kumatok.Bakit siya nandito?yan ang tanong sa aking isipan di ko alam kung magiging masaya ba talaga ako lalo na nadinalaw niya ako.

Soon to be Mrs. AlacantaraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon