Chapter 25

370 14 1
                                    

Nagising ako dahil sa iyak ng anak ko kaya dali dali na akong bumangon para patahanin ito.

"Oh bakit umiiyak ang Baby ko"usap ko dito sa maliit kong boses.Kaya pala siya umiyak dahil puno na ang diaper nito.Kaya agad kong pinalitan para maging Komportable na si Baby.

Habang pababa ako nakita ko si Tita sa sala na nakatayo habang nakatalikod.Habang papalapit ako sa kanya bigla na lamang ito humarap at nabigla ako sa sunod na ginawa niya ng sinampal ako nito ng pagkalakas lakas na ikinabigla ko.

"How dare you!!!"galit na sigaw nito na rinig sa buong bahay.

Taka ko siyang tinignan ng may pagtataka pero matalim niya akong tinignan.

"Akala mo di ko kaya nakita kagabi ha!!!"sigaw parin nito na naging dahilan para maalala ko yung kagabi.

"Kakamatay lang ni Ethan wala pang isang taon.Sana man nirespeto mo yung pagkamatay niya.Yung kagabi?Ano yun ha?Huwag kang magsinungaling dahil kitang kita ng dalawang mata ko kung paano mo nilandi si Nathan"sabi nito pero gusto ko na talagang sumagot kaya nga lang nirerespeto ko siya.

"You know What alam mo namang siguro na sa una palang ayaw ko sayo.Kasi di kita gusto para kay Ethan at ang tanga mo lang nagpabuntis kapa sa anak ko"sabi nito na dinuro duro ako.

"Anong kaguluhan ito"singit ni Ate na kakagaling lang sa labas.

"Ito itong malandi na ito"sabay hila ni Tita sa buhok ko na inaray ko naman sa huli.

"Tita tama na po nasasaktan po ako"pagmamakaawa ko sa kanya.

"Talagang masasaktan ka talaga dahil Napakalandi mo"na sinabayan niya pa ng pagsabunot sa akin.

Maiiyak na talaga ako sa sobrang sakit pero di ko magawang pigilan si Tita dahil nanghihina ako.

"Napakalandi mo pati si Nathan nilalandi mo Malandi ka!!!"nanggigigil sa galit na sigaw nito habang sinasabunutan ako.

"MOM!!!" rinig kong sigaw ni Kuya Nathan sabay awat samin. Nakaramdam ako ng ginhawa sa mga oras na ito dahil alam kung ililigtas ako ni Kuya Nathan.

"Mom Ano ba!!!"sabay yakap ni Kuya Nathan sa akin matapos niya akong hatakin sa Mommy niya.

"So Ano to ha?"gulat na sabi ni Tita na nakatingin sa amin pareho ni Kuya Nathan.

"Mom bakit niyo naman sinasaktan si Samantha ha?"galit na tanong ni Kuya Nathan sa Mommy niya.

"Dapat lang dahil Malandi siya nilalandi ka niya.At Ikaw alam mo naman nabuntis ng kapatid mo yan pinatulan mo pa.Akala niyo wala akong alam tungkol sa inyo ha?Yung kagabi kitang kita ko kayong dalawa.....Di na kayo nahiya kay Ethan huhuhu..."naiyak na sabi ni Tita alam ko naman tama siya eh.

"Mom.Kung ano man nakita niyo kagabi Totoo yun"sabay tingin ni Nathan sa akin.

"Please Nathan layuan mo ang Babaeng yan dahil ikakasal kana kay Kailee.Alam kong mahal mo si Kailee kaya dapat ngayon pagplanuhan na natin ang Kasal ninyo.Gusto kong matuloy ang kasal"

"Kayo nalang po ang magpakasal kay Kailee total kayo naman ang may gusto na pakasalan ko siya.Kung may Babae man dapat akong pakasalan walang iba yun kundi si Samantha"matapang na pahayag ni Kuya sabay higpit ng yakap nito sa akin.Nakaakbay kasi siyang nakayakap sa akin.

"Nathan Ano ba!!!"umiiyak na sigaw ni Tita.

"Nakakahiya!!! kung Ano man ang meron sa inyong dalawa pwes Itigil niyo na di na kayo nahiya kay Ethan"asik na sigaw nito.

"Mom please nagmamahalan po kami"pakiusap ni Kuya Nathan na nakayakap parin sa akin.

"Wala akong Pakealam!!!"

"Mom naman"

"Talagang mahal mo itong babae na to ha?Pwes umalis kayo ngayon din sa pamamahay ko.Dahil di kailangan ng mga TAKSIL!!! dito magsama kayong dalawa.At ito ang tandaan mo Nathan mula sa araw na ito pinuputol ko na ang ugnayan na meron tayo.Kalimutan mo ng Ina mo ako.Well nakapagdecide ka na nga at Kitang kita naman na pinipili mo itong Babae na to kaysa sa Pamilya mo.Magkalimutan na tayo mga Taksil!!!!"sabay walk out ni Tita.

"Tssk"si Ate sabay sunod kay Tita.

Nagkatinginan kaming pareho ni Kuya Nathan pero naaawa ako sa kanya dahil para siyang itinakwil ng sarili niyang Ina.Niyakap niya lang ako ng mahigpit at naiyak ako sa mga braso niya.

Nandito kami Ngayon sa Condo ni Nathan kasama namin si Baby Amara na natutulog.

"Pasensya kana ah dito muna kayo"sabi ni Kuya Nathan nandito kasi siya ngayon sa kwarto kung saan kami matutulog ni Baby Amara.Dalawa ang kwarto dito sa Condo niya kaya Okay na yun.

"Nga pala I'm going outside wala na kasi akong stock ng groceries bibili lang ako tapos babalik ako agad"sabay kamot niya sa batok niya.

"Sige"nakangiting sabi ko.

"Sam sorry talaga pati ikaw pinagalitan pa ni Mommy"hinging tawad nito.

"Wala yun.Okay lang pero Thank you kanina dumating ka"ngiting sabi ko na nginitian niya naman.

"Sige una na ako di rin ako magtatagal"paalam niya na tinanguan ko na lamang.

Nakahiga lang ako dito sa kama habang binabantayan si Baby na natutulog.Napag isip isip ko na doon muna siguro kami kay Julia dahil nakahiya naman kung nandito kami kay Kuya Nathan.Pero naalala ko pumunta pala sila ng Canada ni Richard na boyfriend niya para bisitahin ang Family ni Richard na nasa Canada.

*Ding *Dong

Rinig kong tunog ng doorbell Baka si Kuya Nathan na yun pero ang bilis naman niyang mamili baka malapit lang yung pinagbilhan niya.Kaya tumayo na ako para pagbuksan si Kuya Nathan ng mabuksan ko na ang pinto laking gulat ko na nasa harapan ko si Kailee.

"So Totoo pala na binahay kana ni Nathan"sabay cross ng mga braso nito at galit niya akong tiningnan.

"Hindi...."di ko natapos ang nais kong sasabihin ng bigla na lamang ako nito sinampal.Dalawa na auh kanina si Tita tapos ngayon siya naman.

"Ang Landi mo.Alam mo naman siguro na malapit na kaming ikasal ni Nathan pero bakit mo siya nilandi!!!!"sigaw nito sa pagmumukha ko.

"Di ko siya nilandi"sagot ko sa kanya na nakahawak sa pisngi ko na sinampal niya na sobrang sakit.

"Aba sumasagot kapa talaga eh sa Malandi ka naman bakit miss mo si Ethan pati si Nathan inaakit mo sadyang makati kal...."di ko na siya pinatapos dahil sinampal ko siya ng buong tapang.

"Huwag mo kung insultuhin ng ganun dahil di ako MALANDI!!!!"buong lakas na sigaw ko.

"Malandi ka!!!!"sabay sabunot sa akin na ginantihan ko naman natigil lang kami ng may umawat sa aming dalawa.

"TAMA NA!!!!"si Kuya Nathan.

"Ano di ba kayo titigil ha!!!"matapos ako nitong ilayo kay Kailee.

"Hon siya ang nag una"naiiyak na sabi ni Kailee napakaarte talaga.

"Kailee please Okay"pagpigil nito kay Kailee.

"Hon sabihin mo sa kanya na ako ang Mahal mo diba"naawang sabi nito sabay kapit sa braso ni Kuya Nathan.Pero tahimik na tiningnan lang siya ni Kuya Nathan.

"Hon Ako lang!!!Ako lang ang mahal mo Diba....magpapakasal pa tayo"naiiyak na pagmamakaawa nito.

"Kailee alam mo naman na Arranged Marriage lang ang tungkol sa Kasal natin diba.Alam mo na di kita mahal at nasabi ko na sayo dati na si Samantha ang Mahal ko"

"No di ako naniniwala Ako!!!Ako ang Mahal mo at di ang malandi na yan"sabay turo ni Kailee sa akin.

"Kailee Stop!!!Kung wala kang may magandang sabihin umalis ka nalang Please"pagpapalayas ni Kuya Nathan dito.

"How dare you Nathan How dare you do this to me.Di pa tayo tapos Bitch"tiningnan muna niya ako bago tumalikod paalis

"Okay kalang?"nag-alalang tanong ni Kuya Nathan na tinanguan ko lang at niyakap niya ako ng mahigpit.

Soon to be Mrs. AlacantaraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon