Mabilis lumipas ang mga araw at dalawang buwan nalang ay manganganak na din ako sa wakas.Inaamin ko Excited na talaga ako na makikita ko na ang Baby Girl ko pero natatakot talaga ako sa posibilidad na baka totohanin talaga ni Tita ang napag usapan namin dati.
Bababa na sana ako ng marinig ko na parang may nagtatalo sa kwarto nila Tita at Tito.Di naman ako Chismosa pero dahil sa naka awang ang pinto ay kitang kita ko talaga sila na may pinagtatalunan at take note rinig na rinig ko talaga yung sigawan nila.
Aalis na sana ako dahil baka makita nila ako at kung ano pa ang sabihin nila ng biglang narinig ko ang tungkol sa bahay namin ni Ethan.
"Juan naman ang tagal na nun!!!"
"Pero mali parin yung ginawa mo Anastacia.Bahay nila yun pinag ipunan yun ni Ethan para sa kanila pero bakit mo binenta ha!!!!"sigaw ni Tito kay Tita.
Di ko alam pero tanging naalala ko lang is yung nasa Hospital pa si Ethan ay ayaw nila akong pauwiin sa bahay namin ni Ethan.Lalo na nung naiburol si Ethan dito sa Mansyon di ko na naisipang dumalaw pa sa Bahay naming dalawa.
"Oo kasalana ko na...na naibenta ko yung bahay at lupa nila pero ginawa ko naman iyon dahil alam mo ba kung Bakit ha?.Wala na si Ethan at tsaka dito naman nakatira yang si Samantha at isa pa may usapan na kami na pag nakapanganak na siya iiwan niya na sa atin ang apo natin at magpakalayu-layo na siya"nagulat ako sa mga narinig ko na sinabi ni Tita.Totoo ba na ibenenta niya yung Bahay pero Bakit?takang tanong ko.
"Mali pa rin iyon dahil lahat ginawa ng anak mo para lang magkaroon sila ng bahay para sa pamilya niya.Sana di mo nalang pinakialaman dahil in a first place property yun.Myghadd Anastacia panu na yan sana kahit sa anak mo man lang tssk"galit na sabi sa kanya ni Tito ng biglang mapadako ang mga mata nito sa kinaroroonan ko.
"Sam"gulat na tawag ni Tito sakin ng makita ako.
"Totoo po ba yung mga narinig ko?"naguguluhang tanong ko kasi anytime tutulo na talaga ang mga luha ko na pinipigilan ko lang tumulo.Nagkatinginan lang silang dalawa na para bang nagtatanong ang mga mata kung sino sa kanila ang unang magsalita.
"Kaya pala dati ng nasa Hospital pa si Ethan di niyo ko pinapayagang maka uwi sa BAHAY NAMING DALAWA"inemphasizes ko talaga ang salitang bahay naming dalawa.
"Sam wala talaga akong alam sa totoo nga ngayon ko lang nalaman"pagpapaliwanag ni Tito tapos tiningnan niya ng masama si Tita.
"Bakit po?"tanong ko kay Tita.
"Tsskk para ano pa kung lalayo ka din naman diba.Tsaka wala narin si Ethan.Kaya ano pa ang silbi ng Bahay diba"matalim akong tinignan ni Tita.
"Mawalang galang na po sa tingin niyo po ba papayag po ako sa pinagkasunduan natin dati well nagkakamali po kayo di ko po hahayaang mawalay sakin ang anak ko"sabay himas sa tiyan ko.
"Ano ba gusto mo pera pwes kahit magkano pa yan ibibigay ko sayo"
"ANASTACIA!!!!"saway na sigaw ni Tito sa kanya.
"Sige kampihan mo yang DAUGHTER IN LAW MO"sigaw ni Tita na nakatingin sa akin.
"Tignan mo nga walang modo kahit sino di gugustihing maging manugang yan haysst bakit nagpabuntis ka pa kasi kay Ethan"galit na sabi nito sakin.
"What is happening here"biglang singgit ni Ate na kakarating lang.
"Wala at Huwag ka ng makisali pa"sabi ni Tito sabay talikod pero bago yan niyaya niya na si Tita na umalis pero masama parin ang tingin ni Tita sa akin.
"So"usisa ni ate na tinalikuran ko lang.Sigaw lang siya ng sigaw sa pangalan ko pero di ko nalang siya pinapansin dumiretso na ako sa kwarto ko at doon tulayang umiyak.
Di ko kaya bakit pati Bahay na pinaghirapan ni Ethan kailangan pang pakialaman ni Tita.Marami kaming memories doon kahit di kami gaanong katagal tumira pero yung feeling na masaya kami kahit dalawa lang kami.Dali dali akong nagbihis dahil napag isipan kong puntahan ang Bahay kung saan kami masayang nakatira ni Ethan.
Di rin nagtagal nakarating din ako sa lugar kung nasaan ang bahay namin.
"Kuya"tawag ko kay Kuya Guard yung dating guard dito.Nandito kami ng taxing sinakyan ko mula mansyon sa Entrance kong saan may mga mga gwardiya bago pumasok sa loob ng Exclusive Subdivision at hinahanapan kami ng ID.Yes ganun po ka strikto at higpit ang Security dito lalo na maraming pagala gala at para nadin sa Safety ng mga nakatira dito.
"Kayo po pala Maam"ng mamukhaan niya ako.
"Nga pala Maam naibenta niyo na pala yung Bahay niyo?"tanong nito at alam kong di naman ako nagulat dahil alam ko na kanina lang.
"Ahm pwede po ba akong pumasok?"paalam ko sa guard.
"Sige po pwede"sabi nito kaya ayun nakapasok na ang taxing sinasakyan ko sa loob.
Nandito na ako sa harap ng bahay at mapapansin mo talagang iba na ang ayos nito lalo na sa pintura at marami naring tanim na mga bulaklak.
Nasa ganun akong ayos ng may biglang lumabas na babae na may dalang basura.Napansin niya ako kaya kita mo talaga sa mga mata niya na nagtatanong kong sino ako.
"Ate sino po sila?"tanong nito.
"Kayo po ba yung bagong nakatira dito"tanong ko
"Opo siguro mga tatlong buwan na kaming nakatira dito.Nga pala bakit niyo po naitanong?"naguguluhang tanong niya.
"Ah wala wala"sabay ngiti.
Tiningnan niya lang ako ng di kumbinsado sa sagot ko.
"Mommy mommy!!"sigaw ng bata papalapit sa kanya sabay yakap sa mga binti niya.
"Bakit nandito ka pumasok ka na nga sa loob halikana.Sige pasok muna kami"paalam nito sabay hawak sa anak niya papasok sa loob ng bahay nila.
Wala na yung bahay namin dati tiningnan ko ito ng huling beses bago nagtungo sa labas.Nag paiwan kasi ako kanina sa taxi.Kaya nilakad ko lang hanggang sa labasan ng gate.
"Maam"bati nung Guard kanina.
" Nga pala sayang naibenta niyo na po pala yung bahay niyo.Nabalitaan ko po yung pagkamatay ni Sir Condolence po sayang ang bait pa naman nun minsan pag gabi inaabutan po niya kami ng pagkain pag gabi na siya umuwi"malungkot na sabi nito na nginitian ko lang.
Si Kuya na ang nagpara ng taxi para sa akin kaya nagpasalamat ako sa kanya bago makasakay.
Di ako nagpadiretso sa Mansyon kundi sa puntod ni Ethan."Hi Mahal sorry natagalan ako bago makadalaw sayo dito"sabay kapa ng kanyang lapida.
"Sorry auh wala akong may nagawa naibenta na yung Bahay natin na pinaghirapan mo huhuhu..."naiiyak na pagkwento ko sa kanya gusto ko lang ilabas yung hinanakit ko lalo na nga wala akong may labasan ng sama ng loob ko ngayon kaya sa kanya ko nalang kwenento alam ko namang naririnig niya ako kung nasaan man siya ngayon.
"Nga pala look oh malapit na akong manganganak and guess what it's a Baby Girl"tuwang sabi ko na tumutulo parin ang mga luha ko sabay himas ng tiyan ko.
"Miss na kita"naluluhang sabi ko parin sabay pahid sa mga luha ko na tumutulo.
Di rin ako nagtagal at pagkatapos umuwi na din ako diretso sa bahay kahit na masama yung loob ko kay Tita sa bahay parin nila ako umuwi.Naisipan ko lang kasi na dalawin siya lalo na matagal akong di nakadalaw sa kanya at nalalapit na din akong manganganak at alam kong matagal naman bago ako makadalaw dito.
BINABASA MO ANG
Soon to be Mrs. Alacantara
General FictionSamantha Rodriguez Babaeng naghahangad na maikasal sa lalaking gusto niyang makasama habang buhay.Unang kilala niya palang sa lalaki ay wala na siyang hinihiling pa kundi ang maikasal at maging...... Soon to be Mrs. Alcantara Started on: February 17...