Chapter 22

333 11 0
                                    


Matapos kung mapatulog si Baby Amara ay nag decide muna akong bumaba para magtimpla ng gatas na iinumin ko.Di pa ako dinadalaw ng antok at di ko pa ramdam ang pagod.

Sa wakas nakapagtimpla na ako ng gatas at handa ng inumin kaya umupo muna ako sa lamesa para maka-inom.

Nasa ganun akong ayos ng biglang nagbukas ang pinto sa Main door.Nagtaka ako kung sino ang pumasok kaya dali dali akong pumanta sa Sala.

Laking gulat ko ng makita ko si Kuya na mukhang lasing at pasuray suray ang lakad.Di ko alam kung bakit uminom ito at ngayon lang umuwi ng ganitong oras na alas dose ng gabi.

"Kuya"tawag ko dito sabay alalay sa kanya paupo sa Sofa at napakabigat niya talaga.

"Kuya Okay lang po ba kayo?"nag alalang tanong ko ng mai-upo ko na siya sa Sofa ngunit may ngiting sumilay sa kanyang mga labi.

"Hali po kayo hatid ko po kayo sa kwarto niyo"sabay kuha ng mga braso nito at inilagay sa balikat ko.Buti nalang nakapaglakad siya kaya sinusuportahan ko nalang baka matumba siya.Di rin nagtagal ay nakarating kami sa kwarto niya kaya inihiga ko siya sa kama niya.Tinanggal ko rin ang mga sapatos niya.Huhubarin ko sana ang polo na suot niya pero parang di ko kaya.Kaya nakapagdesisyun akong mapatulong kay Manang.Aalis na sana ako ng bigla niyang hinila ang kamay ko na dahilan ng pagkahiga ko sa tabi niya.

Naaamoy ko ang alak dahil malapit ang mukha nito sa mukha ko.

"Please don't leave"nakapikit na sabi nito habang naka unan ang ulo ko sa braso niya.

"Please"pagmamakaawa niya ng bigla niyang idinilat ang mga mata nito at diretsong tumingin sa mga mata ko.

Doon ko lang namalayan na nakahawak na pala ang mga braso nito sa bewang ko yung tipong magkayakap na kaming dalawa nasa ganun kaming posisyon.

"Kuya"sabi ko na dahan dahang tinutulak siya papalayo sakin.

"Di ko alam pero di ko na talaga alam kung ano ang nararamdaman ko para sayo"sabi nitong nakatingin sa mga mata ko.

"Alam kong si Ethan parin ang mahal mo.Pero kaya kong gagawin ang lahat mapalitan ko lang siya diyan sa puso mo"sabay turo sa dibdib ko.

"I'm going Crazy Sam di ko alam mababaliw na ako sa kakaisip sayo"tuloy na sabi niya.

"Please give me a Chance wala na si Ethan ako nalang please"pagmamakaawa nito sakin.

Ramdam ko ang pagiging seryoso niya di ko alam pero nakaramdam ako ng awa para sa kanya.Alam ko rin kasi sa sarili ko na mahal ko na talaga si Kuya Nathan pero natatakot lang ako na aminin sa kanya dahil di tama.

"Kuya di po ko makahinga"sabi ko dahil feeling ko talaga naubusan ako ng hangin.Kaya niluwagan niya ang pagkayakap sa akin.

Naramdaman kong niluwagan niya ang pagkayakap sa akin na naging dahilan para dahan dahan akong tumayo paalis sa kanya.

Pero ang akala ko na matatakbuhan ko siya ay nagkakamali ako ng bigla nalamang nito inilapit ang labi niya sa labi ko.Napakalambot ng mga labi nito at kusa na pala akong tumutugon sa mga halik niya di ko na kaya ang sensyasion na dala ng mga halik niya sa akin.Naramdaman ko rin na nakahawak ang mga kamay nito sa batok ko at nakahawak rin ako sa dibdib niya.Di ko alam kung gaano katagal kami naghahalikan ng bigla ko na lamang siyang naitulak.

"Mali to"matapang na sabi ko.

Oo Alam kong lasing siya at mukhang di tama yata ito na pansamantalahan ko ang kalasingan niya.

Dali dali na akong bumangon para makaalis sa tabi niya ng bigla niya na lamang tinawag ang pangalan ko.

"Sam"tawag nito na nilingon ko naman at nakita kong nakabangon na pala siya.

"Tatawagin ko nalang si Manang.Siya na lang ang bahala sa inyo"sabi ko sabay labas sa kwarto niya at di na niya ako nagawang tawagin pa.

Kumatok ako sa kwarto ni Manang at sinabi ko na siya nalang bahala kay Kuya na sinunod niya naman.

Nandito na ako sa kwarto ko kasalukuyang umiiyak di ko na talaga alam kung Tama pa ba itong ginagawa ko.Hindi magandang idea na dito kami ng anak ko tumira kaya may desisyong pumasok sa isipan ko yun ay magpakalayo layo muna kami ng anak ko dito sa Mansyon.

Tuloy lang ako sa pag iyak ng biglang umiyak si Baby.Kaya kinarga ko ito para patulugin at para makatulog na rin ako dahil malapit ng mag umaga.

Nandito ako sa Sala bitbit si Baby at nasa tabi ang Maleta.Yes I decided na aalis na kami ngayon dito sa Mansyon.

"Samantha baka naman pwede nating itong mapag-usapan"si Tito.

"Sorry po sa abala Tito pero...."

"Di ako papayag na ilalayo mo ang apo ko sa amin!!!!"pagputol na sigaw ni Tita.

"Ano ba kasi ang pumasok diyan sa kukote mo at napagdesisyunan mong umalis ha?Well baka iniisip mo parin yung usapan natin dati.Pwes Samantha nagkakamali ka nagbago na ang isip ko kung yun ang iniisip mo huwag kang mag-alala di ko itutuloy yun.Kaya please dito muna kayo ni Baby Amara"pagmamakawa ni Tita.

"Sam huwag mo naman ilayo sa amin ang pamangkin ko please"naaawang sabi ni Ate Ena.

"Basta Samantha Wala kahit isa sa inyo ang aalis sa Bahay na ito maliwanag ba yun ha?"galit na sabi ni Tito at ngayon ko na lamang siyang nakita na nagalit ng ganun sa akin.Kasi dati napakabait ni Tito kaya nagulat talaga ako.

"Anong nangyayari dito?"si Kuya na kakarating lang.Diretso ang mga tingin nito sa maleta na nasa tabi ko at tiningnan niya ako sa mga mata na iniwasan ko lang.

"Samantha Let's talk?"sabi nito.

Tumingin sa amin pareho sina Tita,Tito at Ate ng may pagtataka.

"Mag usap muna kami sa labas"pagpapaalam nito at naunang lumabas sa akin na sinundan ko naman.

Nandito kami sa Swimming pool Area sa likod ng bahay.

"Aalis kayo"sabay hawak ng dalawang kamay nito sa bewang niya.

"Ahhh..."nauutal na sabi ko.

"Bakit?Tungkol ba ito kagabi?"matapang na tanong nito at seryoso niya akong tiningnan.

"Di naman po pero..."

"Pero Ano ha?"pagputol nito sa nais ko sanang sabihin.

"Well kung aalis kayo huwag mong gagawin dahil kung meron mang aalis sa Bahay na ito ay walang iba kundi Ako Nagkakaintindihan ba tayo?"galit na pahayag nito na ikinagulat ko ng husto.

"Ako.Ako lang ang aalis at kayo dito lang kaya sana maliwanag na sayo yan.Alam ko namang di ka sanay sa presensiya ko dito sa Bahay kaya Ako nalang ang aalis"sabi nito Sabay Walk out.

Feeling ko nalungkot talaga ako matapos sabihin ni Kuya ang nais niyang gawin.Parang nakokosensya ako ayan tuloy....

Soon to be Mrs. AlacantaraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon